Chapter 6

543 24 3
                                    

Shan:
Where are you?

Ako:
On the way, why?

Shan:
I'm already here. Narito na rin si Jeralyn. And guess what? May kasama siya!

Nangunot ang noo ko sa nabasang mensahe mula kay Shan. Agad akong nag compose ng e-rereply ko sa kanya.

Ako:
Luh, lumande na siya? Sino 'yan?

Shan:
Dalian mo. The first day of school, pa palate ka na naman? Dalian mo!

Hindi nako nag-abala pang mag-reply sa kanya. Nilagay ko na ang cellphone sa bag at binalik ang paningin sa daan. Yes, I have now my car. After I graduated from senior high school with high honor, my parents brought me this Innova Car.

Maaga pa lang pero traffic na at ang taas na nang sikat ng araw. Mabuti naman at hindi ako na late. Timing ang pagdating ko sa classroom ay siyang pagdating din ng aming prof. Hindi na ako nag-atubiling pumili ng upuan at inakupa ko na ang bakanting upuan sa likuran ni Dhalal.

I saw a beautiful lady beside me. Katabi nito si Jeralyn. Hindi pa naman nagsasalita ang prof at inaayos pa lang ang projector na kanyang gagamitin kaya pinagkatitigan ko muna itong mukhang inosenteng babae. Hindi lahat ka-klase namin noong senior high school , maraming nag-iba ng course. Of course, sino ba naman ang mag-iisip na magiging architecture kami e ABM student kami noong senior high namin.

"Uh... Tyl, si Charelle pala." Nakangiting tinuro ni Jeralyn sa tabi niya. Nakita niya atang pinagkatitigan ko ang babaeng nasa tabi ko. Automatic namang bumaling sa akin ang babae. Nakatingi siya sa akin at bahagya pang kumaway. She's has an angelic beauty.

"Hi," I smiled at her. Trying to build a conversation but because of our prof in front, she didn't have a chance to speak. She just smiled back and divert her attention to our prof who started discussing now.

Ilang minuto lang ginugol ng prof sa introduction of topics then nagtatanong na siya ng mga ideas from us. Good thing, we do the research before this, kaya nakasagot naman kami. But some are not. I don't know if they are shy to speak out their ideas or... they really don't have any idea about this.

I thought that would be all. Pero,nagpapakilala pa na nangyari sa harap. Hindi ko in-expect 'to. Para naman kasing sa high school lang bagay ang ganitong ka echosan.

"I'm Charelle Borromeo. Nice to meet you," she's now speaking in front. Ang ganda niya talaga. Kahit boses niya ay parang mala anghel. Kung kakaibiganin ko kaya siya, posibli kayang mawala ang pagkainosente niya? Siguro hindi. Kasi inosente rin naman ako.

"Ang ganda niya 'no? Parang dancer ni Willie sa wowowin," Manghang bulong ni Christine. Yes, we're classmates.

I laughed at her statement. Masyado na atang nahuhumaling si Mimay sa mga dancer ni Kuya Will at pati itong ka-klase ay napagdidiskitahan niya. Pati si Jeralyn ata ay narinig ang sinabi niya kaya tumawa rin ito at umiling na lang, hindi na dinagdagan pa ang sinabi ng ka-klase.

"Etyl Ann Guanzon, not ethyl alcohol. Just Etyl without eych . Nice meeting you bitch!" pagpapakilala ko sa kanya at nakipagkamay pa. Nakangiti siyang nakatitig sa'kin ngunit puno ng kuryusidad ang mga mata niya. Mangha lang siya siguro sa ganda ko. Hays.

I'm even shocked when Jeralyn introduced her to us as Mia's nanny. Nakakagulat talaga. Sinong mag-aakala na ang magandang binibini na nasa aking harap ay isang yaya? Her beauty... I envy her for having that. Effortless beauty. Minsan ka lang makakita ng ganitong ganda, sa Yaya pa. Inakala ko pa kanina na anak mayaman siya...

"Nagagalak akong makilala kayo," aniya nang matapos kaming magpakilala isa-isa.

Grabe kahit pagsalita niya. Virgin na virgin! Nagkatinginan kaming lahat at nagtawanan sa paraan nang pagkakasabi niya. Ang hinhin naman ng babaeng ito. Kung ano ako bulgar magsalita ay siya namang kina Maria Clara niya.

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now