CHAPTER 48

68 4 7
                                    

Nasa S&R kami ngayon para mamili ng stock namin. Meron namang stock si Dylan sa bahay pero pang kanya lang. Since apat na ulit kami sa bahay ay kailangan namin ng maraming stocks. Buti ay nakuha namin ulit si Manang, tuwang tuwa naman sya dahil wala nga daw syang trabaho at nag babakasakaling bumalik ako. Kasama namin sya ngayon sa pamimili para maalagaan nya si Isabelle, at sakin daw muna mag f'focus si Dylan. Ewan ko ba dati naman ay kulang nalang sila ni Isabelle ang magsama pero ngayon ay palagi siyang naka dikit sa akin. Masyado nya akong na'miss.

Yung about sa wedding namin ay inaayos na, mabilis nalang ito dahil okay naman na ang lahat. Si Tess parin ang kinuha naming event organizer and yung gown ko ay gawa na since noon pa ito inasikaso. Buti nalang at mabait si Myke.

"Love pakiha naman ng gatas si Isabelle." Suyo ko kay Dylan dahil abala akong kumuha ng frozen goods. Tapos na kami sa mga toiletries and mga chips and beers nasa pagkin naman na kami.

"Ang lakas talaga sa gata ng anak natin." Reklamo nya. Nakakailang gatas kasi siya sa isang araw.

"Sinabi mo pa, kahit ako suko dyan eh." Tawa ko naman. Umalis na sya at kumuha ng gatas. Dinamihan ko na ang bili ko ng frozen foods para hindi na kami labas ng labas at isa pa ay may dinner kami mamaya ng mga kaibigan ko.

After namin mamili ay kumain muna kami. Hawak ni Manang si Isabelle at sya ngayon ang nagpapakain dito.

"Mommy I think Dad's mad at me. Look, he let Manang hold me." Sumbong ng anak ko sa akin. Ang galing talaga makaramdman.

"I'm not mad at you, I just missed you Mom so much. Can you let me have more time with your Mom?" Inuto nya pa ang bata at nagpacute dito.

"Okay but please don't let Mom leave again." Nanlaki mata namin parehas at tumawa.

"Never Anak, we'll stay at ou home forever!" Sabi mo naman sa kanya at pinunasan ang pagkain sa pisngi nya.

"Yehey I'm so happy!" Tuwang tuwang pumapakpak si Isabelle. Sumandal naman ako sa dibdib ni Dylan at hinalikan nya ako sa noo. Masaya naming pinanood ang anak namin na tuwang tuwa.

"Ang laki na nya. Hindi ko pa kayang maging dalaga sya Love." Hindi ko alam pero out of nowhere nasabi ko iyon.

"Even me. Let's just enjoy this moment while she was young." Nagpatuloy na kaming kumain dahil sina Lors ay on the way na daw. Napaka aga nila dahil siguro ay miss na miss nila ako.

"They missed you so much kaya ang aga nila. Hayaan mo na Love, pagbigyan mo na sila." Sabi ni Dylan habang nag d'drive. Hawak hawak nya ang kamay ko.

"Yes, miss ko rin naman sila. So might as well mag kwentuhan kami habang nagluluto ako." Sabi ko naman sa kanya.

"That's good idea. Mag uusap muna rin kami nila James and Jerald about my business." Nakatingin ako sa kanya at nakangiti sya. Kitang kita mo yung saya nya ngayon.

"Elle!!!" Sigaw nung dalawa kong kaibigan, o diba nauna pa samin.

"Na miss ka namin. Huhu wag kana ulit aalis ha?" Tumawa naman ako.

"Hindi na, kumalma na kayo." Pumasok na kami sa loob at tinulungan nila kami sa mga pinamili namin. Ako ang nag ayos nito sa kitchen kasama sina Lors and Jess habang yung tatlo ay nasa sala at nag uusap na.

"So what happened?" Tanong ni Lors na parang kinikilig.

"That happened." Simpleng sagot ko habag inaayos na yung mga pinamili namin.

"Anong that happened ikwento mo. Nako Elle ha ang tagal mong nawala tapos gaganyanin mo kami." Mataray na sabi ni Jess at nilalagay sa cabinet namin yung ibang pinamili ko.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon