TROIS

27 3 0
                                    

"Good morning po." nakangiting bati ko sa bagong hardinero na naggugupit ng halaman.

"Magandang umaga din po." balik-bati niya at napansin ko ang multong ngiting ipinakita niya sa akin.

Napailing na lang ako sa aking isipin at naglakad papalayo kay Kuyang Hardinero.

Ang creepy naman niya. Ewan ko ba pero iba ang dating sa akin ng hardinero na iyon. Hayst! Ano ba tong iniisip ko? Baka ganun lang talaga iyon! Hay naku Serinity, masyado ka lang nag-iisip ng negative sa paligid mo.

"A-aray!" sambit ko nang bumangga ako sa kung ano at napahawak sa noo ko.

"Ayos ka lang, Seri?" ani Fritz.

Siya pala ang nabunggo ko.

"Oo, ayos lang ako."

"May problema ka ba? Ang lalim kasi ng iniisip mo kanina." usisa pa niya.

"Wala naman hehe napikon lang ako kay Raffy." palusot ko.

Raffy na naman ang palusot ko hahaha!

"Ganun ba?" aniya.

Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Gusto mo bang sumama sa akin sa hotel?" anyaya niya.

"Sure! Medyo nabobored na ko dito sa mansion pero pwedeng kunin ko muna iyong selpon ko sa kwarto ko?." tugon ko.

Tumango naman siya.

[The Calixtro Beach Hotel and Resort]
"Hello Seri!" masayang bati ni Pablo.

"Hello." nakangiting bati ko.

"Nasaan yong apat, Pablo?" pagtatanong ni Fritz.

"Nandun sa kubo iyong tatlo pero ewan ko kung nasaan si Clark." sagot niya.

Pinagmamasdan ko lang ang malawak na dagat habang nag-uusap iyong dalawa sa tabi ko.

Teka, bakit nandito iyong kuyang hardinero? Sinusundan ba niya kami o ako? Ang weird at creepy niya.

Napahawak naman ako sa braso ni Fritz noong makalapit iyong hardinero sa amin.

Nagulat siya sa akin pero napalingon na lang siya at si Pablo sa hardinero.

"Sir Fritz, Sir Pablo," bungad nito.

"Ano iyon Miguel? May kailangan ka ba?" tanong ni Fritz.

"Ihahatid ko lang po itong meryendang inihanda ni Manang Feli para sa inyo." aniya at iniabot ang isang picnic basket.

"Salamat." tugon ni Fritz at inabot ang basket saka ipinasa kay Pablo.

"Sige po mga Sir, aalis na po ako." aniya at lumingon sakin habang may multong ngiti na naman bago naglakad siya papaalis.

"Ehem!"

Napalingon naman ako kay Fritz dahil sa pagtikhim niya.

"Ayos ka lang?" pagtatanong niya.

"A-ayos lang ako." utal kong sagot.

"Tara na, doon tayo sa kubo at makapagmeryenda na." anyaya niya at ngumiti sa akin.

Tumango ako sa kanya at sumunod sa kanila habang busy sila ni Pablo na nag-uusap.

[Kubo]
"Hey Seri, gusto mo ng turon?" tanong ni Eusebio.

"Sure." saad ko at kumuha sa inooffer niyang nakaplatong turon.

Tahimik lang akong kumakain habang masaya silang nagkukuwentuhan.

KISSING MONSTERWhere stories live. Discover now