Chapter Ten

393 3 1
                                    


[ C h a p t e r  T e n  ]

           NAGISING si Aye sa ingay na naririnig nya mula sa labas ng kwarto nya. Napipilitan syang nag mulat ng mata kahit antok na antok pa sya.

Wala pa sya sa wisyo nya ng maramdaman nyang hindi sya komportable sa pag kakaupo.

Tuluyan syang nagising dahil don, naalala ang mga nangyari nang gabing kidnappin sya at bago sya mawalan ng malay. Nakaupo sya ngayon at mahigpit na nakatali ang kamay nya sa likuran ng upuan.

Nakatali din ang paa nya at nakabusal ang bibig. Naka pwesto ang upuan sa pinaka sentro ng kwarto kung nasaan sya. Madaming alikabok sa paligid nya at bukod sa upuan ay wala ng iba pang gamit ang nandoon. May maliit na bintana sa taas ng dingding sa may gilid nya, at yon lamang ang nag bibigay liwanag sa buong kwarto.

Base sa liwanag na nang gagaling sa bintana, umaga na at umuulan pa.

Agad na napatingin si Aye sa pintuan ng marinig nya ang kalansing ng kadena sa labas nito. Mukhang saradong sarado ang pintuan at wala syang balak paalisin pa.

Takot man at kinakabahan, sya ay nakatitig dito at hinihintay sa kung sino mang papasok.

Unti unting bumukas ang pinto at sumilip ang isang matangkad na lalaki, tuluyan itong pumasok sa kwartong kinalalagyan nya at ng makitang gising sya at nakatitig dito ay ngumisi ito.

"It's nice seeing you awake, Secretary.."
 
***
  
           HINDI mapakali si Eva ngayong umaga, kanina pa nya hinihintay si Aye na puntahan sya ngunit isang oras na silang late ay wala pa ito. Kanina pa sya bihis at nag cecellphone na lang habang hinihintay ito, pero ang tagal na talaga ng isang oras.

Hindi naman ito nalalate dahil ayaw na ayaw nito iyon. Pangit daw dahil baka makasanayan at baka madamay damay pa daw sya sa pagkalate. Kaya't napag desisyonan nyang puntahan ito sa bahay nila.

"Tita?" Kumatok sya sa kahoy na pintuan nila Aye at agad naman itong bumukas.

"Oh, Eva, Bakit nandito ka pa? Hindi ka pumasok?" Tanong nito habang naka kunot noo, "Nga pala, magandang umaga sayo. Pasok ka." Sabi nito at niluwagan ang bukas ng pinto.

Umiling naman sya at napakagat sa mga kuko nya sa kamay.

"Hindi po, itatanong ko lang po sana kung nasaan si Aye." Sabi nya.

Lalo namang nangunot ang noo nito, "Hindi ko sya nakita kanina pagka-gising ko kaya akala ko ay maagang pumasok." Sabi nito.

"E, wala naman pong text sakin si Aye na mauuna sya, tsaka sabay po dapat talaga kaming papasok." Sabi nya at lalo ng kinabahan.

"Sandali, bakit hindi mo sya tawagan? Halika pumasok ka muna." Kalmado man ang boses ng nanay ni Aye, alam ni Eva na kinakabahan na din ito.

Pumasok sya at naupo sa may kalumaang sofa sa bahay nila Aye. Nilabas nya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan.

Ilang segundo ay may narinig silang nag riring sa gilid ng sofa. Agad iyong nilapitan ng mama ni Aye at napabuntong hininga.

"Nandito ang mga gamit nya." Maikling sabi nito.

"Hala, pano yan tita. Nasan si Aye?" Kabadong kabado na si Eva at hindi mapakali. Nakahawak na din sya sa noo nya na akala mo sya ang nanay ni Aye dahil sa sobrang pag aalala.

Nakita nyang saglit na natigilan ang nanay ni Aye at napahawak sa sarili nitong mga braso.

"Kagabi, inutusan ko syang mag tapon ng basura. Hinintay ko syang makauwi pero nakatulog na ako at hindi ko na namalayan kung nakauwi na ba sya o hindi." Saad nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Billionaire's Obsession (Billionaire Series 1)Where stories live. Discover now