Unforgettable First Love

205 106 351
                                    

Liany's POV


I'm currently on my way to lola's house dala dala ang lahat ng gamit ko. Pinalayas ako ni mommy dahil nalaman niyang nagbo-boyfriend ako. Sumakay ako ng taxi kasi medyo malayo-layo ito sa bahay namin

"O Lia! Apo!" maligayang bati sa'kin ni lola sabay yakap sa'kin

Lola is already 83 years old pero malusog at malakas parin. Patay na si lolo ten years ago kaya mga katulong nalang ang kasama niya dito sa ancestral house namin.

"Halika, pumasok ka! Buti at napadalaw ka--" naputol ang pagsasalita ni lola nang makita niya ang mga bag na dala ko.

"Ano iyang dala dala mo hija?" tanong ni lola sabay tingin sa mga bag na dala dala ko.

Hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko. Inaamin ko na si lola talaga ang palaging karamay ko kapag malungkot ako. Siya ang mas nakaka-intindi sa 'kin kumpara kay mama. Palagi rin niya akong binibigyan ng mga payo sa tuwing may problema akong hinaharap.

"P-pinalayas po ako ni m-mama," sabi ko at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko'ng kanina ko pa pinipigilan.

"Naku naku! Halika pumunta muna tayo sa sala. Bitawan mo nalang muna 'yang mga dala mo," aniya at tinawag ang katulong niya sa bahay. "Sarah!! Pakilagay nito'ng mga bag sa guest room sa itaas!"

Dumiretso kami ni lola sa malaking sofa at doon niya ako pinaulanan ng tanong.

"Bakit naman? Bakit ka pinalayas? Ano ba ang naging kasalanan mo? Alam ba ng mama mo na nandito ka?" sunod sunod na tanong ni lola.

"P-pinalayas po ako ni mama dahil nalaman niya pong nag b-boboyfriend po ako" *singhot singhot* "Nagmamahalan lang naman po kami ni Troy lola eh. Wala naman kaming masamang ginagawa. Tsaka.... Hindi po alam ni mama na nandito po ako, and please, huwag niyo po muna siyang sabihan na nandito ako."

"Oo sige apo hindi ko muna tatawagan ang mama mo, Kawawa ka naman. Pagpasensyahan mo na iyang mama mo ha? Resulta na siguro iyan ng karanasan niya sa pag-ibig noon, ayaw niyang maranasan mo iyon."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni lola, "Po? Ano pong karanasan?"

"Huwag mong sabihin sa mama na sinabihan kita nito ah?" tumango ako at mas lalong lumapit si lola sa 'kin. "Niloko siya ng labing-apat na lalake noon"

Really? Si mommy na sobrang taas ang standards ay naloko ng labing-apat na lalaki? Woah!

"'Yang mama mo kasi noon, batang bata pa ay nagboboyfriend na. Una niyang sinabi sa 'kin na may boyfriend siya ay noong first year highschool pa lang siya." Ani lola at tumingin sa kawalan. "Haaay. Ibang klaseng gulo talaga ang binibigay ng pag-ibig sa buhay natin. Hindi ko rin naman masisisi yung mga taong nagmamahal ng maling tao dahil tanging gusto lamang nila ay ang makatanggap din ng pagmamahal sa taong minamahal nila, ligas sa kanilang kaalaman na hindi pala iyon ang taong nararapat sa kanila."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla ako'ng na curious sa love story ni lola.

Pinunasan ko ang mga luha ko, "Oo nga po. Pero lola, instead of talking about mine or mama's love story, why don't you tell me your love story lola?, I wanna hear it!"

"Talaga? Gusto mo ba talagang malaman ang love story ko'ng hinding hindi ko makakalimutan?"

Agad akong tumango, "Opo lola!"

"Sige sige, teka muna saglit, may kukunin lang ako," ani lola at nagmamadaling pumunta sa kwarto niya.

Lola Olga's POV

Unforgettable First Love [ONE-SHOT]Where stories live. Discover now