New Life in Christ

55 2 3
                                    

Scripture:
        Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.  
     -Efeso 4:22‭-‬24 MBB

May mga bagay tayong dapat gawin upang mayakap ang bagong buhay na handog sa atin ng Panginoong Hesus:

Iwan ang dating buhay.
      Upang matamasa natin ang bagong buhay kay Kristo ang unang hakbang na dapat nating gawin ay iwan ang dati nating buhay. There's a law of replacement na dapat maiapply sa ating buhay. May mga bagay na dapat nating talikuran. Maaaring ang mga bagay na ito ay hindi nakabubuti sa atin o di kaya'y nagiging hadlang upang tamasahin natin ang better pang nakalaan sa'tin. Kung babalikan lang natin ang dating buhay na meron tayo ng hindi pa natin kilala ang Panginoon makikita natin na wala itong kabuluhan, puro paggawa ng kasalanan, pagiging makasarili at makamundo.

Hubarin ang dating pagkatao.
    Katulad ng isang maruming damit na kailangang hubarin ganoon rin ang ating dating pagkatao. Kaya 'di ba hinuhubad ang maruming damit dahil sa mabahong amoy? Tulad ng buhay natin bago tayo matagpuan ng Diyos, namumuhay tayo sa pita ng laman. Puro pagnanasa ang nasa isip natin. We are longing for things that can give us pleasures. Ngunit pansamantala lamang ang hatid nitong kasiyahan. Kaya nga dapat hubarin ang dating pagkatao upang mapalitan ng bagong pagkatao na mula kay Kristo. Wag mapatuloy sa kasalanang sumisira ng ating buhay.

Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip. Change comes from within. It starts with the thought. At kung paano ka mag-isip it will influence your life. Isa ang mind sa battleground na dapat nating iovercome araw-araw. Aminin man natin o hindi maraming thoughts na nakaimbak sa ating isipan na nagcontaminate sa atin. From our daily intake sa social media, daily influence ng mga taong nakakasalamuha natin at iba pang factors. We need to restart our mindset. Delete the old ones and start saving new ones. Napakalaking tulong ng word of God para marenew ang isipan natin. We must intentionally fill our minds with good thoughts, encouraging words, words of God dahil ang lahat ng ito ang tutulong sa atin para makapagbagong buhay.

Dapat isuot ang bagong pagkatao.
      Kung may hinubad na dating pagkatao syempre dapat meron ding isuot na bago. Wala na ang dating bakas ng mabaho at maruming buhay. Kung dati'y patapon tayo ngayon ay hindi na. Nirecycle na ni Lord ang buhay natin. Hindi lang inayos ang buhay natin kundi talagang brand new life. But take note na kung dati tayo ang nagrereign sa buhay natin ngayon si Kristo na. We are living the new life for Christ. Ang pagiging Kristyano ay dapat nating isuot araw-araw. No traces of our dark past dahil ang nakikita na sa atin ay binagong buhay.

END RESULTS:
1. Nagiging kalarawan tayo ng Diyos
   That is the goal of our new life: to be Christlike! Hindi na tayo ang highlight  kundi si Kristo na. Everything we experience is allowed so that maging reflector tayo ng Diyos.

2. Nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay
Dahil alam na natin ang katotohanan, we must apply it sa buhay natin. Dapat may makitang bunga ang bagong buhay na meron tayo. At dahil Kristyano tayo we are not here to conform but to transform and stand out. We are here to represent God that we serve.

Pursuing JESUSWhere stories live. Discover now