'How are|'
'Kamusta ka|'
'Ampogi mo sa dp mo shet|'
'nAk msta na kau jn|"
'Rap mo na beh|'
Shet shet shet!!!!!!! Hindi ko alam kung anong itatype kong salita para kamustahin sya!!!
Hindi ko alam kung paano ko sya kakamustahin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya, hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan sa kanya, tangina hindi ko alam!!!
Napasabunot pa ako sa buhok at parang bruhang tumingin pa at hinayaang magsawa ang mata ko sa poging poging dp nya sa facebook, at napadako pa ang mata ko sa nakabukas na chatbox, itatype ko nalang ang mga kalandiang sasabihin ko sa kanya
Ang tanong, may dapat pa ba akong sabihin sa kanya? May karapatan pa ba akong makipag-usap sa kanya?
Apat na taon na ang nakalipas... choice ko yun eh. Kailangan ko kasi hanapin ang sarili ko. Masyado na akong nilalamon nang problema nang mga oras na iyon, at dinala ako non sa isang desisyon na hindi ko alam kung tama ba o mali...
Napahilamos ako, nafufrustrate, wala akong pakielam kung kumalat ang make up ko sa mukha ko. Nasanggi pa nang daliri ko ang keyboard nang laptop ko. Napatingin ako muli sa screen upang isara sana ang chatbox. Ngunit...
👍
PUTA?!
"Shet shet sheeeet!!" Nakapagsend ako nang like! Dali dali kong dinelete yon para di nya makita!
Takte nakakahiyaa!!
BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.