Congrats
"Fresh eyes nalang kaya?" Suggest ni Brittany. Kanina pa kami nagiisip ng magandang kanta.
"Pwede rin, I love you so bad kaya ng Lany? tutal ay sikat ngayon yun." Ani Slate pagkatapos uminom ng tubig.
"Eh kung yung kanta nalang kaya na ginawa mo Ave?" Napatingin ako kay Maddox. Why not?
"Pwede naman, alam nyo naman chords at pano tugtugin yun diba?" Um-oo sila kaya di na kami mahihirapan.
Sinimulan na namin ang practice. Ang sarap sa pakiramdam na magbanda ulit, just like the old times.
Napatingin ako sa wall clock at nakitang 4pm na pala. Halos limang oras na kaming nagpapractice.
"Kain muna tayo, gutom na ako." Sabi ko. Pumunta akong kusina para maghanda ng meryenda. Medyo nakukuha naman na nila ang tamang tunog, kahit ako ay nahihirapan dahil ang tagal na ng last na tinugtog ko to.
Dinala ko ang pagkain sa mesa, nakaupo naman na sila.
"Ave kamusta kayo?" Kinindatan ako ni Caspien.
"Sino?"
"Yung kayakap mo habang nagsasapakan sila Maddox sa court."
"Wala ka pala Dox eh, kahi nakikipag sapakan ka na nakuha pa makipag yakapan nito." Humagalpak naman ng tawa si Slate.
"Nagpayakap ka Ave?" Sigaw ni Maddox, oa lang?
"Problema mo?"
"Kawawa naman yun, for sure wala siyang naramdaman." Nakangisi niyang sabi at binatukan siya ni Slate.
"Manyak mo bro." Nagsimula na silang kumain pero parang nawalan ako ng gana.
"Wala talaga siyang mararamdaman, di naman kami nagyakap." Bakit parang nadidismaya ako?
Di nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sakanya. Kumuha ako ng chocolate cake at strawberry milk ng biglang tumunog ang cellphone ko.
From: Kabute
Wat u doin?Ano raw? bat kulang kulang? di halata sa mukha niya na jeje siya ha. Nagreply lang ako na kumakain.
From: Kabute
Wanna eat too, kapagod. Subuan mo ako.Natawa ako, ewan ko masyado na atang green ang utak ko sa 'subuan mo ako'.
"Sino yan?" Inagaw bigla ni Maddox ang cellphone ko, hinabol ko siya pero pinigilan ako ni Slate.
"Wait lang, curious kami sa lovelife mo." Sabi niya habang nagkakalikot sa cellphone ko.
"Kabute? for sure panget to!" Sigaw ni Caspien habang tumatawa ng malakas.
"Ave, who da who dat boy?" Tinawanan pa ako ni Brittany habang si Hensely ay nakatunganga sa cellphone ko.
"Guys! may isusubo daw si Ave sabi ni kabute." Tinignan ko ng masama si Hensely. Aish!
"Lupet dalaga ka na wooh isubo mo." Naghagalpakan naman sila ng tawa sa sinabi ni Maddox. Bwisit ang green ng mga utak!
Hinablot ko ang cellphone ko sakanila, inirapan ko sila at umakyat na sa studio. Sumunod naman sila sakin at dumiretso ako sa drums at hinampas ito ng malakas.
"Ay shit yung tae!" Nagulat na sigaw ni Maddox. Nagtawanan kami kasi ang priceless ng itsura niya. Kadiri!
Lumipas ang oras at nagsiuwian na rin sila. I took a bath atsaka kinuha ang cellphone kong nakacharge.
To: Kabute
Rest if you're tired. Night!Di ko na kasi siya nareplyan kanina. Bwisit na Maddox kasi yan.
BINABASA MO ANG
Out Of Control
RandomWaverlyn. That's their surname. They are powerful and super rich. The bond of this cousins is just so strong but will it be okay if the two of them love the same person? Avianna Eiberdiem's gorgeous appearance, beautiful heart and pretty mind made t...