This is the most awaited day of my life. Our wedding day. We've been through a lot, specially Elle but this time I'm gonna make sure not to hurt her by anyone and even by me. I will love her unconditionally and protect her at all cost. Just like what I promised before.
Dahan dahang nagbukas ang pinto ng simbahan, at nagsimulang maglakad ang bridesmaids and groomsmen, sponsors and our daughter, our ring bearer. Totoong ang ganda ng anak ko, nakikita ko sa kanya si Elle. Natahimik ang lahat, nakita ko na si Elle pero hindi ang kabuuan nya dahil against the light ang pwesto nya, nagsimula na syang maglakad ng dahan dahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
At habang naglalakad sya ay nagsimula ng tumunog ang kanta na lalong nagpakaba sa akin.🎶 Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece🎶Naalala ko nung una kong nakita si Elle, umiiyak at hindi ko maipaliwanag sa sarili ko bakit iba yung impact nya sakin. There's a part in me na hindi siya mawala sa isip ko. Lalo na yung pag iyak nya, parang gusto mo syang yakapin that time pero pinigilan ko ang sarili ko.
🎶 So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight 🎶Onti onti ko nang nakikita kung gaano kaganda ang mapapangasawa ko sa suot nyang puting gown. Nung una ko siyang nakita sabi ko sa seili ko hindi ko pakakawalan tong babaeng to. Sabi ko sa sarili ko siya na yung babaeng mamahalin ko. Kaya nung nalaman ko na sa company namin siya mag aapply ang gumawa ako ng paraan para ako ang mag interview sa kanya, ang laking gago ko that time dahil napaiyak ko pa sya. Pero sinundan ko sya at sinabing hired na sya dahil ayokonpang sanibang company sya mapunta. Simula non, kahit hindi naman ako nagtatrabaho doon sa company namin ay nakipagpalit ako kay Jerald.
"Are you serious Dylan? Ano bang kalokohan ang pumasok dyan sa isip mo." Dad asked when I said that I will be the one handling our travel agency.
"Please Dad bigay mo na po sa akin ito." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Give me enough and acceptable reason para payagan kita hindi yung basta basta ka nagdedesisyon" sabi ni Dad sa akin at nakakunot parin ang noo nya. Si Jerald naman ay nasa tabi lang at nakikinig sa amin.
"Dad hindi kopo alam kung paniniwalaan nyo ako at king enough reason ito pero Dad I think I found the girl I'm going to marry" seryosong tanong ko sa kanya. Nawala ang kunit ng noo nya at napalitan ng gulat, pati na rin sa mukha ni Jerald ay kita kong nagulat sya sa sinabi ko.
"You really are amazing Dylan Anak!" Tumawa sya ng malakas. Hindi ko alam anong ibig sabihin nito pero inintay ko syang magsalita ulit.
"Okay, just make sure she's the right one. I'm rooting you!" Agad kong niyakap si Papa at nagpasalamat. Sobrang saya ko.
Simula non ay ginawa ko ang lahat makuha ko lang ang loob ni Elle at mahalin nya ako, natuwa ako dahil nung pinakila ko sya sa pamilya ko ay minahal agad sya ni Mommy at Daddy, dun ako mas na motivate na pakakasalan ko sya.
Nasa tabi ko si Mommy, sayang nga lang at wala na si Daddy para makita nya na ikakasal na ako. Hawak hawak si Elle nila Mama at Papa. Si Mama at Papa na tinanggap ako ng buo, hindi ako hinusgaan at minahal ako bilang isang anak na rin nila. Sobrang laki ng respeto ko sa kanila at pasasalamat ko dahil ibinigay nila sa akin si Elle.
Nakita ko kung gaano kasaya si Elle at gusto nyang maiyak. Pero bago kami ikasal ay sinabi nyang pipigilan nyang umiyak dahil special day daw namin yon ayaw nya magmukhang panget, hindi nya alam na kahit anong ayos nya ay mahal na mahal ko parin sya.
BINABASA MO ANG
Blessing in Disguise (COMPLETED)
Romance[Lopez Brothers Book 1] ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang nabitawan ko sa lalaking nasa harapan ko. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko kahit ang dami kong gustong sabihin na masasakit na salita sa kanya. "Umalis ka sa harapan ko at huwag...