🌛PROLOGUE🌜

40 4 0
                                    

"Ikaw Nathaniel Alexis Villarreal, ay hinahatulan ng pang habang buhay na pag kakakulong dahil sa salang paglabag mo sa batas ng Kanluran" Anunsyo ng isang Heneral

Napahawak ako sa aking bibig habang patuloy ang pag agos ng aking luha sa aking mga mata.

Hindi ako makapaniwala hahantong ang lahat sa ganito. Hindi ko akalaing ganito kabilis sya mailalayo sa akin.

"Ang lahat ng meron ka ay mawawala sayo pati na rin ang pusisyon mo sa hukbo" Patuloy ng pag anunsyo ng Heneral

Rinig ko ang pag iyak ni Tita Amely habang binabasahan ng sakdal ang kanya anak na panganay. Wala sya magawa kahit isa syang reyna, ganun din ang kanya asawa na si Don Armando.

Kahit ako ay wala rin magawa para rin sa kanya. Tanging pag iyak lang ang magagawa ko dahil wala naman ako alam sa batas ng bansa nila o kahit ng lahi nila.

"Pag napatunayan na nagkaroon ka ng relasyon sa hindi mo kauri maaari ka mahatulan ng kamatayan"

Kamatayan..

Kamatayan..

Hindi maaari, hindi sya pwede mamatay. Hindi ko kakayanin mawala sya sakin.

Paano ako? Paano kapag nawala sya sakin.

"Nathan" Mahina ko tawag sa lalaki nasa harapan ko.

Hawak sya ng dalawang gwardya ng sakto iniharap sya sakin. Pati na rin sa mga taong nandito

Nagtama ang aming mga mata, awang awa ako sa kanya kalagayan. Halata sa kanya nahihirapan sya, ang mga pasa at sugat ay makikita mo sa kanya katawan at mukha

"Bakit Kelangan mangyari ito sayo?" mahina ko bulong, kahit alam ko imposible nya masagot ay naitanong ko pa din.

Nakatigtig lamang ako sa kanya nang makita ko ang butil ng kanya luha na umagos sa kanya pisngi.

Gusto ko sya lapitan para yakapin pero hindi pwede, dahil baka lalo lang sya mapahamak.

Dinala sya ng dalawa gwardya para ikulong na sa kulungan, naiwan ako at nang kanya pamilya sa batasan. Hindi ko magawa lumapit sa kanya ina dahil pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko kung bakit nalagay sa ganito sitwasyon si nathan.

"Ate Monique" Tawag sa akin ni Samantha, kaya naman agad ko pinunasan ang luha ko at lumingon ako sa kanya.

Kagagaling nya lang din sa iyak, "Gusto mo ba sumama, pupunta na kami kay kuya para sa huli dalaw" nanginginig ang boses nya nang sinabi nya yon sakin.

Tumango lamang ako bilang tugon sa kanya.

Kapit ko ang saklob ko habang naglalakad kami sa madilim na bahagi ng palasyo, tanging iilang ilaw lang ang gumagabay sa amin patungo sa kulungan kung nasaan dinala si nathan.

Nasa unahan ko ang mag asawang Villarreal at si Sam, samantalang nasa likod ko si Leo at iba pang sundalo.

Habang palapit na kami ay lalo bumibilis ang pagtibok ng puso ko lalo na nung tuluyan na kami makalapit sa selda.

Nanatili ako nakatayo habang pinag mamasda sila habang kinakausap si nathan na nakakulong na sa loob ng selda. Hindi ko mapigilang umiyak muli ng humagulgol na si Tita Amely, hawak nya ang kamay ng anak habang kinakausap ito.

"Patawarin mo ang mommy anak, wala ako nagawa para mapag takpan ka" Sabi ni Tita

"Wala ka kasalanan mommy, walang may kasalanan sa inyo. Hindi ko pinag sisihan na nakulong ako"

"Pangako anak, gagawin namin lahat para makalabas ka dito. Hahanapin namin kapatid mo para makalabas ka babaguhin natin ang batas dito" Pag papatuloy ni Tita Amely

Umiling lamang si Nathan saka ngumiti, "Salamat mommy, pero wag kana po mag aksaya ng oras para sa akin. Kelangan kayo ng mga tao, kaya sila pag tuunan nyo ng pansin"

"Pero anak..."

Binitiwan ni nathan ang kamay ng kanya ina, at saglit kinausap si samantha.

"Wag mo pababayaan ang nasasakupan mo sam, lalo na ang magulang natin. Ikaw na lang ang pinag kakatiwalaan ko"

"Kuya, wag ka magsalita ng ganyan. Makakalabas ka pa dito"

Hinaplos lang ni nathan ang pisngi ng kapatid, saka lumingon sa ama.

"Daddy alisin nyo na po sila dito" Huling utos nya sa kanya ama.

Walang magawa ang kanya ama kundi sundin ito. Masakit man ay hinawaka na nya ang kanya asawa para bumitaw na sa kanya anak. Tipid lang na ngiti ang pinabaon ni nathan sa kanila

Nadudurog ang puso ko nang makita ko kung paano nahihirapan si nathan habang nilalayo sa kanya ang pamilya nya. Kita ko sa mga mata nya ang lungkot nang mawala na sa paningin nya ang pamilya nya.

Sa huli ako na ang kusang lumapit sa kanya. Nakasandal lang sya habang tulala sa kawalan

"Nathan" tawag ko sa kanya.

Umupo ako para mag pantay kami dalawa para makita ko mabuti ang kanya mukha.

"Hindi mo dapat ako makita ganito kahina" Mahina nya sabi sakin

"Hindi importante sakin kung mahina ka o malakas ngayon nathan, ang importante malaman ko kung bakit ka humantong sa ganito"

Tumingin sya sakin habang nanglulumo na, iniabot ko naman ko naman ang kamay nya para mahawakan ko ito.

"Ginawa ko ito para maprotektahan ka"

Umiling ako ng ilang ulit, "Hindi mo naman kelangan gawin ito, handa ako kung ano man mangyari. Basta wag ka lang mapasama nathan.. Hindi ko kaya makita ka ganyan kalagayan mo"

Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito. Lalo ako naiyak nang bitawan nya ito at saka tumingin sakin.

Ngumiti sya at saka nagsalita, "Mas gugustuhin ko pa ako ang mahirapan kesa ikaw ang makita ko mahirapan"

"Pero nathan paano ako? Paano na tayo? Ganito na lang ba kadali sayo sumuko?"

Tumayo sya mula sa pag kakaupo at tumalikod sa akin.

"if my love for you is a sin against the law of empire, I am ready to be imprisoned for you." huli nya sinabi bago sya mag lakad palayo sakin.

Wala ako nagawa kundi umiyak na lang ulit habang pinag mamasdan sya lumayo sakin. Tuluyan na sya nag patianod sa dilim at tuluyan na nawala sa paningin ko.

----

~Plagarism is a crime~

@2020 all Rights Reserve

THE HEIR OF DARKNESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon