Ilang araw din ang lumipas at pumunta na ako sa dati naming school para sana mag-apply. Dahil matagal na panahon na rin akong nakapunta sa eskwelahan na 'to, nagmagandang loob si Klare.
Sinamahan ako ni Klare sa dati naming school. Madaldal pa rin siya at palakwento, hindi pa rin nagbabago ang kanyang ugali. Siya 'yong tipo ng tao na lahat ay kaibigan.
It took one hour nang matapos akong interviewhin. They will just message me kung tanggap ba ako at dahil wala naman akong gagawin, pumunta muna kaming dalawa ni Klare sa isang cafe.
"Tatanggapin ka nila, Veronica. Huwag kang negative thinker, okay?" Sabi niya nang makita akong tulala. No, hindi ako natutulala dahil iniisip ko ang kalalabasan ng job interview ko.
Natulala lang ako dahil may nakita naman ako. Isang lalaki ang mamamatay ngayon dahil sa isang car crash. It was just like the first time. Isang car crash huh?
Tumingin ako sa glass para makita ang nasa labas. Tinapik pa ako ni Klare dahil nababahala na siya sa pagkatulala ko.
"Hoy! Anong gusto mong pagkain? My treat." Nakangiting sabi niya at ipinakita pa saakin ang menu. Dahil hindi naman talaga ako nagugutom, isang sandwich lang ang pinili ko.
"So as I was saying, mahirap talaga kapag naging model ka pero super fun naman." Kanina lang siya nagkwekwento tungkol sa kanyang trabaho pero di ko man lang pinapakinggan. I felt bad.
Iba kasi ang nasa isip ko. Kahit hindi naman bago saakin ang makita kung paano sila mamatay, nahihirapan pa rin ako. Sino ba naman kasi ang hindi mahihirapan?
Sometimes I can see their faces, 'yong iba na nakikita ko ang mga mukha ay tinutulungan ko kahit alam ko naman na walang kwenta pa rin 'yon. Mamamatay pa rin sila.
Just like what I expected, nangyari nga talaga ang nakita ko. Lahat ay nagkagulo nang makita na may nagkabanggaan na kotse sa labas.
Klare became concerned too. Hinila niya ako para lapitan namin ang taong nasa loob ng kotse ngayon. May mga tumulong rin na ilabas ang lalaking nakabangga.
Our mouth fell when we saw a familiar face. Si Jerome, ang dati naming kaklase ang nakabangga sa lalaking patay ngayon. Nagkaroon rin siya ng sugat sa kanyang ulo dahilan para mahimatay siya.
"Call an ambulance!"
Inilabas ni Klare ang kanyang cellphone para tawagan ang ambulansya. Ang iba naman ay kinuha ang cellphone para kuhanan ng litrato ang nangyari.
"It's Jerome right? Hindi naman tayo namamalikmata diba? Hindi nagbago ang mukha niya, nagmature lang pero ganoon pa rin!" Hindi makapaniwalang sabi ni Klare saakin.
Nilapitan ko ang lalaking namatay ngayon dahil sa banggaan. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng ganitong kakayahan. Hindi ko 'to gusto at hindi ko magugustuhan.
Dahil naging concerned si Klare kay Jerome ay pumasok siya sa loob ng ambulance. Sinama pa ako! I stared at Jerome's face, hindi ko siya gusto pero hindi ko rin naman gusto na mamatay siya.
When we arrived at the hospital. Mabilisan na siyang is isinugod sa emergency room. Umupo lang kami sa labas ni Klare at naghintay.
BINABASA MO ANG
She Who Can See Death
Mystery / ThrillerOne incident made Veronica Fernandez have the ability to see death. Because of that, they transferred to another place so that they can start another life. Veronica thought that she already moved on from the incident that changed her life until she...