I.
Dito sa 'king lungga
Ako'y nakahiga
Unan ko'y basang basa
Luha'y namumuo't patuloy na rumaragasa
Batid nito ang lungkot at pagkadismaya
II.
Sayang sa oras ang pag-alala
Mukha ko'y hindi na makilala
Kailan kaya maibabalik ang saya
Sa malulungkot na mga mata hanap'y ligaya
Matalas ang tingin ngunit nakatulala
III.
Napaidlip na lamang sa pagkabagot
Ngunit na gising sa sariling bangungot
Tila mundo ko'y umiikot
Kaya mata'y aking kinusot
Sabay sa puso kong kumikirot
IV.
Heto't umaga na't nakahiga pa rin sa kama
Tinakip ang mga mata sa liwanag galing sa bintana
Mariin kong ibinuga ang buntong hininga
Malalim na pag-iisip ay ang aking binubura
Umaasa na tuluyan akong makapagpahinga
BINABASA MO ANG
kagiliran
PoetryAno nga ba ang ibig sabihin ng kasabihang "Eyes are the windows to the soul" ?. Ito ba ang pagkakataong hahayaan mong magsalita ang iyong mga mata? o Pagkakataong manahimik na lamang at hintayin na maintindihan ka niya?.