KABANATA 30

181 14 0
                                    

( Kabanata 30 )

Tulala at puno ng hinagpis ang paglalakbay nila Isaac, Simon at Elinor pabalik ng bayan. Hindi parin nila magawang paniwalaan na iyon na nga ang huling pagkakataon na nakasama nila si Miracle. Pinunasan nila ang kanya-kanyang mga luha, labis ang lungkot na idinulot ng paglisan ng tagapagligtas.

Nang makarating sa kanilang bayan ay nakasara na ang pinto ng bawat bahay. Nakita nila ang mga Mandirigma na nakabantay sa lahat ng daan. Hindi na nila piniling magtago, naglakad sila palapit sa mga ito. Ang mga Mandirigma ay nagulat, agad na humarap sa tatlo. Habang ang Pinuno ng mga Mandirigma na si Eduardo ay nakatingin narin sa kanila.

"Nilisan na ni Miracle ang Sulbidamya." ani Isaac, "Dapat na kayong magdiwang dahil tinupad nya ang kasundoan." matapang nyang dagdag.

Ang ilan sa mga Mandirigma ay napangisi. Iyon ang ipinagtaka ng tatlo. Nakita pa nilang napatango si Eduardo habang bahagyang lumalapit kay Isaac. Hindi nais ni Eduardo na madamay ito sa gulo, ngunit wala na syang magagawa dahil kahit baliktarin pa ang mundo ay sangkot si Isaac sa mga pangyayaring nagpagulo sa lungsod.

"Kasalukoyang nagdiriwang ang palasyo." doon ay lumabas si Dwight mula sa kung saan, "Maya-maya lang ay ipapatupad na ang batas." saka ito ngumisi.

"Ano!?" galit na tanong ni Simon, "Umalis si Miracle dahil iyon ang kapalit ng hindi pagpapatupad ng batas na iyan!" galit nyang sabi.

"At nagpalinlang sya?" galit na tanong ni Eduardo, "Hinintay lamang ni Demilo na makaalis ang dalagang iyon bago nya isagawa ang seremonya na sisimulan ilang oras mula ngayon." dagdag nito.

"Mga taksil!" hindi naiwasang pangiliran ng luha ni Isaac, "Mga wala kayong puso!" sigaw nito.

Si Eduardo ay hindu nakapagsalita dahil sa sinabi ni Isaac. Ngunit tinggap nya lang rin ito. Ipinadakip nya ang tatlo sa mga Mandirigma, walang alinlangang dinampot ng mga Mandirigma ang tatlo. Nagpumiglas ang mga ito ngunit walang nagawa. Inisip nila kung gaano kasakit para kay Miracle ang lumisan para lamang mailigtas ang Sulbidamyam Kung gaano kaimportante kay Miracle ang kaligtasan ng lahat kesa sa sarili nyang nararamdaman. Nakaramdam sila ng awa para rito sapagkat isinuko nito ang sariling kagustohan para lang sa kapakanan ng Sulbidamya.

Hanggang sa makarating sila sa palasyo ay dala nila ang galit, mas lumala pa ito nang makita nila si Demilo kasama ang mga Upper Echelons. Ipinwesto sila sa gitna ng malaking lugar na iyon habang nakaluhod at nakatali ang mga kamay sa likod. Galit ang mga tingin nila sa lahat ng naroon. Ang mayayamang mamamayan ng Sulbidamya ay hindi na maitago ang awa para sa tatlo, lahat sila ay hinahanap si Miracle. Patuloy parin silang umaasa na maililigtas sila nito.

"Talaga ngang nalinlang ko ang inyong tagpagligtas, hindi ko tuloy maiwasang humanga sa aking sarili." natatawang tumayo si Demilo mula sa kanyang trono, "Sino pa ang magliligtas sa inyo ngayon?"

Sina Isaac, Simon at Elinor ay labis na ang galit at lungkot na nararamdaman. Pinilit nilang makawala mula sa pagkakagapos ngunit hindi nila magawang bawasan ang higpit ng pagkakatali ng mga ito sa kanilang nga bisig.

"Hayop ka!" sigaw ni Simon, "Hindi ka na dapat nabuhay pa!" sigaw nito.

Pinigilan sya ni Elinor, ngunit hindi ito nagpaawat. Natatakot sila na baka magalit si Demilo at saktan si Simon. Ngunit nakita lamang nilang tumawa ang Pinuno saka bahagyang naglakad palapit sa kanila. Kakikitaan ito ng tagumpay dahil sa pagalis ni Miracle. Nauubosan man ng pag-asa ay pinilit palakasin ni Isaac ang sarili, wala man si Miracle ay sisiguradohin nyang sya ang tatapos ng lahat.

THE END OF SULBIDAMYA (Miracle series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon