Chapter 6Amber
"Miss Amber! Miss Amber!"
Nagising ako dahil sa mga tili ni Marcella na tila excited siya. Nasisinagan na ng araw ang aking pretty face. Himala, late na akong nagising.
Bumangon na ako't tinanong kung ano ba ang sasabihin niya at excited na excited talaga siya.
"Darating mamaya si Lord Victor at kasama niya ang kanyang anak na si Mr. Alexander Claude!"
Nagtaka naman ako. Sino ba sila? Napansin naman yata niya na hindi ko alam kung sino sila. "Si Lord Victor ay kasama ni Lady Amethyst sa pamumuno ng buong bayan ng Zenobia. Si Mr. Alexander Claude naman ay ang anak niya na napakagwapo at napakahot!"
Ay hot pala, shet gusto ko yan ahihi.
*
Nandito ako ngayon sa garden nagpapalipas ng oras. Pinagmamasdan ko lang ang mga namumulaklak na tanim. Napaka aliwalas nito sa mata. May mga paru-paro at tutubi na dumadapo at lumilipad sa taas nila.
Bet na bet ko talaga ang vibe rito sa garden. Ito ang pinakapaborito kong lugar dito.
Naalala ko tuloy si Talia. Namimiss ko na talaga siya. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Siguradong nag-aalala na siya ngayon kung nasaan ako. Wala na rin siyang kasama sa apartment. Mabobored lang siya doon at hindi niya makikita ang pagmumukha kong napakaganda.
Natauhan naman ako nang may naupo sa tabi ko, si Vinsant. Lumingon ako sa kaniya at umiwas ng tingin nang malamang nakatingin rin pala siya sa akin. Hindi na siya cold tumingin ngayon.
Tahimik lang kaming dalawa kaya naisip kong basagin ang katahimikan, "V-vinsant, sorry nga pala sa kahapon."
Tinignan naman niya ako, "Para saan?"
"S-sa volleyball sana, hehe nakakahiya yung nangyari." Sus nahiya ka pa, gustong-gusto mo nga yun. Duh.
Napansin ko naman na namula siya kahit moreno siya. Ahihi, ang cute naman.
"O-ok lang naman yun." May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig.
Naghari ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Naalala ko naman na marami pa rin ang gusto kong itanong sa kanya.
"Vinsant, bakit nga pala palaging seryoso at cold ang pakikitungo ni Lady Amethyst sa lahat, lalo na sa akin?"
Napabuntong hininga muna siya bago magsalita, "Matagal nang ganyan si Lady Amethyst. Hindi ko lang alam kung mula noon pa. Simula kasi nang dalhin ako ni lolo rito noong bata ako ay malamig na ang pakikitungo niya sa lahat pero mabait naman siya. Siguro ay marami lang talaga ang pinagdadaanan niya."
Tumango-tango naman ako sa mga nalaman ko.
"Teka, ano nga pala ang pangalan ng bayan na 'to? B-benozia ba?" Natawa naman si Vinsant sa sinabi ko.
Ngayon ko lang siya nakitang tumawa nang ganyan."Ako ba ang kaligayahan mo kaya ganyan ka makatawa?" Nagpipigil na rin ako ng tawa dahil sa sinabi ko.
Napalitan ng gulat ang tawa niya saka siya nag-iwas ng tingin. "Zenobia kasi yun,"
Sa ikatlong beses ay tahimik na naman kami, ang mga huni ng ibon at kaluskos ng mga dahon.
"V-vinsant," tawag ko. "Kailan ka nagsimulang maging butler ko?"
"Ganito yan. Pinapunta kami dito ni Lady Amethyst dahil may sasabihin daw siya sa amin. Labinglimang taon ako noon. Sinabi niya sa amin lahat-lahat. Pumayag naman ako. Tapos doon na nagsimula yung pagbabantay ko sayo. Bale, tatlong taon na simula nang bantayan kita."
YOU ARE READING
AMBER
Fantasy[ON GOING STORY] Amber Esmeralda Alvarez. Isang mabait, masipag (siguro) at kalog na Senior High student. Behind those, hindi niya alam kung ano ang tunay niyang pinagmulan. She doesn't know her parents, and even her family background. But after so...