"Bilog na hugis ang siyang magtuturo,
Magsisilbing liwanag sa madilim na mundo."
..
Maingay.
Nakikita ko mula sa kinauupuan ko ang pagiging hyper ng mga estudyante ng E.I.S. Nag hihiyawan sila para i-cheer ang kani-kanilang pambato. Isa itong friendly game ng woman's basketball team sa pagitan ng E.I.S at ng Howell University. Kanya-kanya sila ng sigaw ng mga pangalan ng bawat members na sinusuportahan nila. Kahit friendly game ay halos mapuno ang gymnasium dahil sa dami ng mga nanonood. Karamihan ng mga members na sinusuportahan nila ay mula sa E.I.S, kung saan maraming members ang famous dito sa school.
"I love you, Evans!"
"Marry me, Dana!"
Napailing na lang ako ng marinig ang pag sigaw ng ilang estudyante. Hindi na sila nahiya. Mula pa naman sila sa H.U kung saan kalaban ng school nila ang sinusuportahan nilang member.
Sobrang ingay.
Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang tumagal sa ganitong kaingay na paligid. Kung hindi lang dahil sa pagiging officer ko ay hindi ako pupunta sa ganitong klase ng lugar. I'm just wasting my time here! Lalo akong nainis ng humingi pa ng time-out ang H.U. Nagpatugtog sila ng isang old song na sobrang pamilyar sa akin.
Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a songMy father's favorite song.
Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Napatitig ako sa kawalan habang inaalala si Papa. Miss na miss ko na siya. Bumalik lang ako sa wisyo ng muling may tumunog, sign na mag uumpisa na ulit ang laro.
"Last five minutes." Announced ng management. I sigh. Sign of relief. Sa wakas, makakaalis na rin ako sa lugar na 'to.
"Ang galing talaga ng red team!"
"Oo nga, lalo na si Dana. Grabe! She's so pretty pa."
Narinig kong pag kwe-kwentuhan ng dalawang babae sa likuran ko. Tumingin ako sa naglalaro sa gitna ng basketball court. Halos humihingal na sila sa sobrang pagod pero wala pa rin na gustong magpatalo sa kanila. Lamang ng three points ang E.I.S. Kung hindi ko pa narinig kanina ay hindi ko malalaman na sila pala ang red team. Naisip ko kung ano kaya ang kulay ng jersey ng H.U?
Stop it, Jem! Sita ko sa sarili. Ayoko ng ma-curious sa mga kulay dahil kahit ano namang gawin ko ay hindi ko makikita ang mga 'to. The world to me is literally black and white. Yes, I am a color blind person. But someone told me before that this is not just a 'color blind' case. That this case is an explainable phenomenon among humans, wherein they lose sight of color until they meet their soulmate. The only cure in this grayscale is by meeting my soulmate and then everything shifts back to color, wherein the world can be seen in polychrome once more. Pathetic isn't it?
I lost my sight of color after my father past away. It was a trial by tragedy. Naaksidente ang sinasakyan namin na naging dahilan ng pagkamatay niya. Kitang-kita ko kung paano siya unti-unting nawalan ng buhay. Ilang mga buwan akong hindi pinatulog ng bangungot na 'yon. Sobrang lungkot na isipin na wala na si Papa, na hindi na siya babalik pa para sa akin. Hiniling ko noon na sana namatay na lang din ako kasama niya. Hanggang isang araw, pag gising ko, the sky became a permanent gray.
When I was in highschool, I remember being so jealous of my schoolmates to enjoy a world in rich color. Highschool din ako noong nag give up ako na makakakita pa ako ng mga kulay. I decided na mag focus na lang sa pag a-aral ko lalo na noong nagsimula akong mag college. Inisip ko na lang na siguro, hindi lang naman ako ang may case na ganito, so it doesn't bother me that I'd be the same.
Yes, it's hard at first pero nasanay na rin ako. Seven years. Seven years, I used to waking up to a gray ceiling above my head, and it's okay. I'm now comfortable about this. This is familiar. This is safe.
This is black and white.
"Last two minutes." Muling announced ng management.
"At last." Tumingin ako sa kaliwa kung saan nakaupo si Pres.Sela. Napailing ako. Somehow, we're the same. Ayaw rin niya ng maingay. Ayaw niya sa magulong lugar kaya siguro nagkakasundo kaming dalawa. Pareho kaming nagkakaroon ng peace of mind sa katahimikan.
"Romero passed the ball to Bandelaria. Passed to Evans..." Sa huling dalawang minuto ay nag focus ako sa panonood kahit hindi naman ako fan ng sports na basketball.
"Evans dribbling the ball. Dribbling the ball..." Lalong nag ingay ang paligid ng dalawang tao na ang nag ba-bantay kay Evans, she's the second time MVP and the captain ball of E.I.S woman's basketball team. I grin while watching her struggling with her two opponents. Tingnan natin ang ka-hambog-an mo ngayon, Evans.
Nabura lang ang pagkakangisi ko nang maipasa niya ang bola pero hindi ito nasalo ng kakampi niya. Nag sigawan ang mga nandito at nanlaki ang mga mata ko nang makita na papunta sa direksyon ko ang bola. Hindi ako kaagad na kapag react ng maramdaman ko ang pag tama nito sa mukha ko. Umiikot ang paningin ko habang nararamdaman ko ang pagkahulog sa kinauupuan ko. Nahulog na rin ang eye glasses na suot ko kanina. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nila Pres. Sela dahil para akong nalasing sa matinding pag tama ng bola sa mukha ko.
"Miss? Miss! Are you alright? Miss?!" Pinilit kong magmulat ng mga mata. Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko sa harapan ko si Evans, the beautiful yet stubborn and conceited heiress of E.I.S. She's wearing her jersey, number three but wait...
I repeatedly blink my eyes because I can't believe what I've notice about her jersey...
it's color red!
..
If you haven't read the Astraios Series 1, When September Ends. Please read it first for you to better understand the story.
Thank you!
A.❤
YOU ARE READING
Iris
Fanfic[ASTRAIOS 5] She's Dana Sirius Evans, she's the girl who's always late....even in love. A.❤