PROLOGUE

188 19 66
                                    

Prologue

Where do brokenhearts go?

Dito sa lugar namin, walang ibang pwedeng puntahan ang mga brokenhearted kundi sa Villa Hacia Adelante.

Lugar kung saan legal lahat ng bagay. Malaya mong magagawa ang lahat ng bagay na gusto mo sapagka't sa lugar na ito'y walang makikialam sa iyo. Walang huhusga sa iyo.

Lahat ng tao rito ay nagtutulungan.

Nagtutulungang bumangong muli sa sakit dulot ng nasawing pag-ibig. Kung gusto mong mag-inom. Puwedeng puwede 'iyon. Maglasing ka hangga't kaya mo. Maski ang ka-imoralidad ay tanggap dito. Iyon ay depende nalang sa tao. Kung gaano katindi ang epekto sa kaniya ng sakit.

Sakit na walang iba kundi dulot ng pagmamahal.

"One glass of hard drink, please," sinisinok kong wika sa bartender habang sapo ang aking mga mata. Wala itong tigil sa paglabas ng luha. Halos mamaga na ang mata ko sa kakaiyak.

I can't imagine myself being here. Noong masasabi pang maganda ang takbo ng buhay pag-ibig ko ay pinagtatawanan ko ang mga taong pumupunta rito sa Villa Hacia Adelante para magmukmok. I told them that this place was just a piece of shit and full of immoral people. Iyong kapag lugmok sa pag-ibig ay mag-iinom at makikipag one night stand.

But this time, Am I a piece of shit? I guess yes! I'm too stupid!

Umayos ako ng upo sa counter ng bar dito sa loob ng Villa Hacia Adelante. Namumungay ang mga mata akong lumingon sa lalaking umupo sa tabi ko.

Tulad ko ay sapo niya rin ang sariling mukha habang gulo ang kaniyang buhok. Kahit nahihilo ako'y kita ko ang arogante niyang itsura. Maging ang umaalingasaw na bango niya'y hindi nakaligtas sa pang-amoy ko.

Hindi na ako nagulat nang harapin niya ako. Batid kong ramdam niya ang titig ko.

"What a handsome brokenhearted man, huh? Why are you here? Niloko ka rin ba? Ah mali!" Putol ko. "Anong ginagawa ng isang lalaki rito? E, di 'ba kayo ang mga manloloko?" Iyak tawa kong sigaw sa lakaki.

Nakamaang niya akong tinitigan at saka matunog na bumuntong hininga. "You don't know what you are saying, Miss," nagpapasensya maging ang boses niya.

"Nevermind! Wala akong magagawa kung mga pa-playing victims kayo!" Nagsimula ko ng tunggain ang alak sa baso.

Kasabay nang malakas na pagbagsak ko ng baso ay ang pagbuhos ng luha ko.

Mariin ko siyang tinitigan, "Bakit ba hindi kayo marunong makontento? Binigay ko na lahat pero bakit hindi pa rin sapat? Ano pa bang kailangan naming gawin para magseryoso kayo? Para hindi kayo manloko? Bakit nananakit kayo ng ganito!" Tuluyan na akong napahagulgol.

Each tears coming from my eyes explains how hurt and teared my heart right now.

Matunog ang naging paglagok niya ng alak bago seryosong lumingon sa akin. "Not all men are like your verdict, Miss,"

"That's bullshit!" Inis na singhal ko.

"I'm here because someone made me feel that I wasn't enough. Every thing I made was always ends up disregarded." Katuwiran niya. Tuloy ay hindi ko malaman kung ano ang dapat kong sabihin.

Napahiya ako sa sariling sinabi. Hindi naman talaga lahat ng lalaki ay gaya ng iniisip ko. Nagtatalo ang pareho kong isip. Cheating was a choice and not an attribute.

"Yes we're men, born to be tough. But still, we are humans too. We get tired and we have a heart to keep. We deserves efforts. It isn't always about women. Everyone are capable of cheating. Stop blaming us. Hindi lahat ng lalaki'y manloloko," masungit at may pagkaseryosong asik niya. Dito ko lang din napansing namumungay ang mga mata niya. Pakiwari ko'y nakainom na siya kanina pa.

Napasinghal muli ako. Ayos na 'yong ipagtanggol niya ang sarili niya. Pero 'yong isasama pa niya in general? It's a big no! "Whatever. We have different sides here. We won't understand each other," nang tangka akong hihingi ng isa pang bote ng alak ay pinigilan niya ako.

"Drinking too much won't help you," ani niya saka sinenyasan ang bartender na huwag akong pansinin.

Sarkastika akong natawa. "What are you doing here then, if you're not gonna drink until you can't even make a walk? Come on! Lugar ito para magwalwal at magpakasaya. Gusto kong makalimot kahit sandali lang," pagmamatigas ko. Sana nga kayang burahin ng alak sa katawan ko ang lahat ng sakit na dulot niya.

Napabuntong hininga siya. "Do you want to know why I'm here?" Tanong niya pa.

"Why?" Usal ko matapos ay inagaw ko ang baso niya. Basta ko nalang itong tinungga.

"Because I was trying to find someone. And suddenly I found you." Kibit balikat niya. Mabilis ang naging paglingon ko sa kaniya. Kasunod ng pagkunot ng noo ko.

"Marry me," utos niya. Ang tono'y nagsasabing kailangan ko itong gawin. Sobrang nabigla ako sa sinabi niya na para bang naglaho ang epekto ng alak sa buong katawan ko.

"We are worthy of love and deserves to be keep. Let's help each other. We have to let them feel the unbearable regret,"

Trail Of Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon