CHAPTER ELEVEN

113 4 0
                                    

CHAPTER ELEVEN




“SEE you at Daryl’s house, Athena. Hindi ka pwedeng mawala sa dinner. Daryl want to see you. And I want to see Daryl’s new house too.” Sabi ni Micko nang tawagan siya ng oras na iyon. Si Daryl ay kaibigan nila, limang taon na rin ang lumipas nang makilala niya ito. Siya ang engineer na kasama ni Micko sa opisina. Tumingin siya sa wall clock, alas tres na nga ng hapon.

Sinapo niya ang ulo dahil hilung-hilo na siya. Ni hindi siya makatulog ng maayos at natambakan pa siya ng trabaho.

“Pwede bang pakisabi pasensya na at ikaw nalang ang pumunta? I didn’t get enough sleep. Baka mamaya ay madisgrasya pa ako sa daan.” Sabi at sumandal sa swivel chair at isinandig ang ulo.

“Susunduin kita diyan. Kilala mo naman si Daryl, hindi ba? Magtatampo iyon. Tsaka sunday naman bukas, isa pa ngayon lang uli tayo makakapag-get together.” Sabi pa ni Micko. Nalimot din niya na last week pa sinabi ni Daryl sakanya ang tungkol doon. “Sorry na, Athena. I promise na sasaglit lang tayo doon. Ihahatid kita kaagad.”

“Fine.” Wala na nga siyang nagawa kundi pumayag nalang. Matapos ang tawag ay ibinaba na niyan ang telepono. Tapos na rin naman niya ang mga gawain kaya pinili nalang niyang pumikit kahit sandali lang.

“Athena, early out na kami ni Gracia ah.” Paalam ni Carla ilang minuto ang lumipas. “Di ka pa uuwi?”

“I’ll wait for Micko. Susunduin niya ako maya maya. Let me sleep for now.” Sabi niya habang nakapikit.

“Okay! See you on Monday!” paalam pa nito bago lumabas ng opisina.



***



NAALIMPUNGATAN siya ng may mahihinang tapik sa kanyang pisngi. Nakita nga niya sa harap niya si Micko.

“Ayaw pa sana kitang gisingin pero 6:30PM na. Let’s go na?” anito. Ilang oras ba siyang nakatulog at parang nangawit ang leeg niya. Tumango nga siya at pinilit ang sariling magising.

Si Micko nga ay tahimik lang na nagmaneho. Alam kasi nito na kapag kulang siya sa tulog ay ayaw niyang makipagusap kaya hinayaan nalang siyang umidlip hanggang sa makarating sa bagong bahay ni Daryl.




***



“CONGRATULATIONS, Daryl.” Hindi maitago sa mga mata ni Athena ang paghanga sa interior ng bahay ni Daryl habang nagiikot siya kasama si Micko. May napansin nga lang siya sa interior. Sa totoo lang ay mas gusto niya ang view sa labas. Ang sabi nito ay ang kaibigan raw nito mula America ang nagdisenyo ng bahay. Maging si Micko ay walang ideya kung sinong arkitekto iyon.

“What do you think, architects? About the interiors?” tanong ni Daryl sa kanilang dalawa ni Micko.

“It’s nice, bro. But I like the exterior better.” Komento ni Micko. At nakakamangha dahil pareho sila. “Sino ba talaga ang architect ng bahay mo? Why don’t you tell me?”

“He’ll be here in a minute.” Sagot ni Daryl na nakangiti.

“I agree to what Micko’s opinion, Daryl.  I hope nobody will get offended. Pero hindi ko maintindihan ang interior ng bahay.” Walang pagundangan niyang sabi.

“Bakit mo naman nasabi, Athena?” tanong ni Daryl na mukhang hindi naman na offend.

“The architecture and the interior simply don’t jibe. Sa labas modern house, sa loob it’s looks like an art gallery, there’s too much color in it. Walang specific color scheme ang loob ng bahay mo. Parang—”

“Parang ano, Ar. Athena?” tila nalagutan siya ng hininga ng marinig ang boses ng pumutol sa sinasabi niya. Dahan dahan siyang lumingon at napalunok nalang siya ng makita kung sino ito. “I am sorry, Daryl, late ako. May inasikaso pa kasi ako sa bago kong opisina.”

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon