7

25 2 0
                                    

KESHA'S

Present Time..

Ang sarap lang alalahanin yung mga bagay noon. Indeed, that was the best night of my life, ever!

Natapos ang pagmumuni-muni ko nang kumatok si Judith sa pinto ko. Siya ang Assistant Fashion Designer ko.

"Miss, eto na po yung mga designs na i-aapprove mo." She said at binigay sa akin ang mga folders.

"Thank you. And please, Judith, Kesha na lang." Sabi ko. She is also a friend to me. Sa isang taon kong nagtatrabaho sa Fashion Magazine na ito, hindi ako nahirapan sa mga bagay bagay nang dahil sa kanya.

"We're on work. Sa labas na lang yun."  Tawad niya then she smiled. Natawa ako. Humble as ever. Nagpaalam siya para lumabas upang mag asikaso ng ibang bagay.

Oo nga pala. Fashion Designer na ako. It's my dream to be one. Kaya naman nung nag-college kami ay ito na talaga ang kinuha ko. And now, I'm currently have a job in Style Press, a fashion magazine, as a fashion designer. Sobra kong naeenjoy ang ginagawa ko.

Minsan din, pag may mga fashion walk sa ibang bansa ay pumupunta kami. Lalo na kung kasali ang isa sa mga model namin doon.

Si Sky naman, isang singer na din. Oh, diba. Yep, natupad din ang pangarap ng baby ko.
Parang kailan lang, puro small gigs lang sila...

--

GRADUATION DAY (High School)

"Congrats, anak!" Bati ni Mama sa akin. March na ngayon at Graduation Day namin. Umuwi siya mula sa US para dito. Kasama rin si Yana. Si Manang Mira, nagpaiwan sa bahay.

"Thank you, ma." Niyakap ko siya. Tapos na ang ceremony.  Picture picture time na ngayon.

Hindi ko napansin na lumapit sa amin si Sky kasama ang parents niya.

"Hi, Tita Veronica." Nagmano siya sa mama ko.

"Congrats, Sky anak." Binati rin siya ni Mama. Ngumiti siya sa mama at lumapit sa akin.

"Hey. How's my salutatorian?" Hinawakan ako sa beywang.

Yep, I graduated as Salutatorian.

"I'm good. Congrats, mahal." I replied at saka lumapit sa parents niya para magbigay galang. Nagmano ako sa mga ito.

"Hello po, Tita Cassie and Tito Lemuel." Bati ko sa kanila.

"Congrats, hija." Ngumiti ako kay Tita Cassie.

"Kumare! How have you been?" Binati ni Tita Cassie si Mama. Nagbeso silang dalawa.

"Doing fine, Mare. Umuwi talaga ako para maka-attend sa graduation nitong anak ko."

"Oo nga. Ang bilis ng panahon, ano? Graduate na sila. Proud ako sa mga batang 'to."

"Hey, let's celebrate together. Okay lang ba?" Dagdag ni Tita Cassie. Tumingin si Tita kay Tito na parang nanghihingi ng approval. Tumango naman ito. Now, we're waiting for Mama's reply. Tumingin ako sa kanya para magtanong using facial expression.

"Of course. Maganda 'yon para magka-bonding tayo." Sabi ni Mama.

We off to the restaurant kung saan nagpa-reserve na sila Tita Cassie. Kumakain na kami ngayon. Katabi ko si Mama at si Yana. Nasa tapat naman namin sina Tita Cassie, Tito Lemuel at si Sky.

"Thank you sa pagpayag na ito, Veronica." Simula ni Tita Cassie.

"Wala iyon. Thank you din sa pag-imbita. Bonding na rin natin ito, future balae." Tsaka tumawa si Mama. Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya.

He's my SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon