"Hindi ko naman alam na sayo pa ako maiinlove ng ganito. Ha! Pinsan pa ng ex ko ako nabaliw ng ganito"sabi ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Bakit kasi dinami dami kasi ng tao sayo pa ako nagkaganto! Peste! Sana di nalang ikaw ang minahal ko!" at kusa na ngang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Sis tama na yan. Itulog mo nalang" saad ni Lhaiza sabay kuha ng basong may alak sa kamay ko.
Hindi ako nagpatinag. Halos mabali ang mga buto ko sa paghila ngunit sa huli nabasag ito.
"Bakit pa naging kami nung una palang kung hindi rin niya naman ako kayang ipaglaban?"lalo pang bumuhos ang luha ko dahil naaalala ko pa ang mga sandaling kami'y magkasam.
"Dahil hindi kayo pwede!"napataas ng boses na sabi Elieza.
Taka ko siyang tinignan mula ulo hanngang paa. Gusto ko siyang sabunutan sa sinabi niya eh kaso wala pang epekto yung alak kaya matino pa ako. Bale mamaya nalang siguro.
"Hiyang-hiya naman kami sayo Eza." sarcastic na sabat ni Lhai.
"Kung makapagsalita akala mo talaga naka move-on na eh hanggang ngayon nga wallpaper mo parin picture niyo ang sabihin mo kase MARUPOK ka parin"pabalik kong saad sakanya habang tinuturo turo pa siya.
"Eh di wow palibhasa kasi kayo hindi kayo minahal!" sagot pa niya sa amin. Aba! Tignan mo talaga ang bunganga neto walang preno.
"Hoy foul na yan!Atleast kami yung number one di tulad mo kabit!" pagtatanggol pa nung isa.
"Pwede ba imbes na magsagutan kayo iinom niyo nalang?!"pagsusungit ko habang naglalakad ako papunta sa kusina para kumuha ng ibang baso.
Pagbalik ko sa kusina nakita ko ang dalawa na hawak ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha at tinignan laking gulat ko ng makita ang pamilyar na pangalan sa notification ko.
"Wag mo ng basahin masasaktan ka lang"paalala ni Lhai.
Binuksan ko ang message galing sa ex ko.
♥️Baby♥️
AA, I'm sorry.
Sorry for hurting you.
Sorry to say pero gusto ko lang sabihin yung totoo...
Hindi kita minahal.
Ginamit lang kita.received: 11:11 p.m
How nice! Ang galing! Putek na! Sobra!
"Ugh! Sana hindi na lang talaga kita nakilala!!!"saad ko at pinagbabato ang mga unan sa tabi ko.
Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako? Hindi ba pwedeng mahalin din nila ako pabalik? Bakit hindi nila kayang mag stay sa akin? Bakit hindi nila ako kayang piliin? Bakit laging ako?
This day is one of the most tiring day of my life. Punong-puno ng pasabog ang araw na to. Buti nalang at buhay pa ako.
Ang natutunan ko sa araw na to...
Matutong mahalin muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba
Dahil kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo paano pa kaya ang ibang tao?Love is a choice. Hindi porket na fall ka sa mga banat niya ibig sabihin mahal mo na. Pinili mong mafall kahit may choice kang tanggihan. Ang pagmamahal ay hindi kailangang madaliin dahil darating ang taong para sayo sa tamang panahon. At pinili mong magstay kahit ikaw nalang ang lumalaban.
Love is not just a feeling. It's a matter of fact na kailangan mong magsakripisyo,umintindi,magtiwala. Kasi sa isang relasyon hindi magwowork kung wala kang katangiang ganyan. Loyalty is the best give you can give for your love.
But always remember some people are good for each other but not meant to be together.
_______________________________________
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
A/N
Thanks for reading guys ♥️
Please don't forget to vote and follow me ‼️Stay safe guys!🤗
BINABASA MO ANG
Our Reality
Teen FictionI'm not your type as well as mine. I wasn't a girl nor a boy. You believe on true love But you can't find the right person for you to love you back.