Kabanata 12

1.1K 75 2
                                    

Dapat inienjoy niya ang pag-inom kasama ang kaibigan si Alex. Okupado nila ang isang mesa. Pinakilala siya ng kaibigan sa kasama nitong dalawang babae at alam niyang maloko talaga ito kaya hindi na siya nagtaka na may bibitbitin ito.

Hindi niya alintana ang pagpapansin ng babae sa tabi niya na di niya matandaan ang pangalan kung Joy ba o Rose,well,hindi naman siya enteresado rito kahit na maganda ito.

Hinagilap ng mga mata niya ang kinaroroonan ng bodyguard niya. Nasa pinakadulo ito at sa madilim na parte ito pumuwesto. Gusto niya ito puntahan at sitahin kung bakit ito roon pumuwesto.

Paano na lang kung may siraulo na lumapit rito at mapahamak ito?

Gabrielle,nakalimutan mo ata,bodyguard mo yan. Ibig sabihin kaya niyan protektahan ang sarili niya!

Napahigpit ang hawak niya sa baso at napukaw siya ng humaplos sa braso niya ang babae katabi.

Nilingon niya ito at nang-aakit na nginitian siya ng babae. Nakainom na rin ito.

"Kanina ka pa tahimik,sorry. Ang awkward kasi kaya..kung okay lang sayo hawakan kita,"anito sabay kagat sa pang-ibabang labi nito.

Naningkit ang mga mata niya. Aminado siya sa lugar na kinalakhan niya maraming tukso at nagpapatukso siya pero...hindi niya magawa ngayon yun dahil sa iisang babae lang siya naaakit.

Damn!

Lumapit ang mukha ng babae sa kanya. Kailangan niyang madistract at nasa harapan na niya iyun para hindi ang bodyguard niya ang lagi iniisip. Kailangan niya maenjoy ang sandali ito lalo pa nga matagal na din hindi siya nagpunta sa ganitong lugar.Wala naman sana siya balak na iwasan ito sa gusto nitong mangyari pero nahagip ng mga mata niya ang pagdaan ng bodyguard niya.

Agad na naalarma siya ng makitang paalis ito na tila may sinusundan.

Damn her!

Bago pa lumapat ang labi ng babae sa kanya mabilis na dumistansya siya rito.

"Excuse me,restroom lang ako,"pagdadahilan niya ng magtaka ito sa biglaan paglayo niya rito.

Sumimangot ito bilang tugon. Hindi na niya ito pinansin pa dahil ang isip niya ang nasa bodyguard niya na balak pa ata siyang iwan.

"Dudes! Saan ka punta?!"pagtawag sa kanya ni Alex ng madaanan niya ito kayakap ang kalampungan nitong babae.

"Restroom,"wala lingon na tugon niya.

Tinahak niya ang daan kung saan niya nakitang dumaan ang bodyguard niya.

Sa exit. Mabilis na tinulak niya ang pintuan. Madilim ang lugar na iyun kaya naalangan pa siya magpatuloy.

"Shit,saan ba pupunta ang babaeng yun?!"bulalas niya at pilit na kinakapa ang kadiliman.

Bigla na lamang siya nakaramdam ng kakaibang pakiramdam na siyang nagpatigil sa kanya humakbang.

Mabigat ang dating ng paligid. Malamig na siyang nagpataas ng mga balahibo niya sa buong katawan. Wala naman siguro aircon sa ganitong lugar..pero bakit ang lamig ng paligid.

"Shit.."mura niya dahil nagsisimula na siyang kabahan.

Dudukutin na sana niya ang celpon sa likod ng pantalon niya upang tawagan ang bodyguard ng mapapitlag siya ng makarinig siya ng impit na ungol.

Iyun klase na ungol na tila nasaktan.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Muli tumahimik ang buong paligid. Ang kaninang malamig na pakiramdam ay uminit na muli.

What the hell is happening here?!

"Sir,anong ginagawa mo rito?"

Muntik na siyang mapamura ng malakas ng bigla na lamang sumulpot sa harapan niya ang bodyguard na siyang dahilan kung bakit siya nasa lintek na lugar na yun.

Ang weird tuloy ng nangyari sa kanya!

"Saan ka ba nagpunta? Sinundan kita kaya nandito ako!"deretsahan niyang sagot rito na hinaluan niya ng inis.

Natigilan siya ng makita ang mga mata nito. Agad na rumihistro sa alaala niya ang nakita niya ng isang gabi. Ang mga mata nito.

Pareho ang kulay niyun ngayon. Maitim na maitim at tila may dalang panganib. Naaninag niya iyun kahit na may kadiliman ang paligid.

Bigla na lamang nagbago ang kulay ng mga mata nito. Bumalik iyun sa normal na kulay hindi kagaya ng nakita niya ng isang gabi at kani-kanina lang.

"Pasensya na,Sir..nagcheck lang ako sa paligid. Gusto ko lang masiguro na ligtas ka,"tugon nito.

Bumuntong-hininga siya.

Bigla na lamang siya nakaramdam ng pagod at nawalan na siya ng gana mag-enjoy ngayon.

At kasalanan iyun ng babaeng nasa harapan niya!

Damn her!

"Gusto ko ng umuwi,"malamig niyang sabi sabay talikod dito.

Naikuyom niya ang mga palad. Aaminin niya nakaramdam siya ng pag-aalala para rito. Oo,wala siya dapat maramdaman ng ganun pero..bakit?

Bakit ganun na lamang ang pag-aalala niya para rito?!

Hindi lang pisikal na atraksiyon lang ba ang nararamdaman niya para rito?

Damn,no fucking way!

"Sigurado ka na uuwi na kayo,Sir?"paniniyak nito ng makasakay na ito sa driver seat.

Tinapunan niya ito ng malamig na tingin.

"It's your fault,nawalan na ko ng gana mag-enjoy. Don't ask me why. Just drive and don't talk to me,"panunuplado niya rito.

Tahimik naman na tumalima ang babae.

Ipinikit niya ang mga mata at lihim ba napamura sa isip ng makaramdam siya ng guilt sa inasta niyang iyun.

Damn,Gabrielle!

Pagod lang siya,tama..kaya kung ano-ano na lang itong nararamdaman niya!

It's really her fault!

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon