Prologue

1 0 0
                                    




Nakatitig sa kawalan, sa gitna ng malakas ulan habang ang mga luhay nag uunahan, sa pagtulo na para bang wala nang katapusan, ang sakit na nararamdaman.

napahawak ako ng mahigpit sa aking damit na nakasentro saaking dibdib. Humigpit ng humigpit ang pagkakahawak ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.

𝐴𝑛𝑠𝑎𝑘𝑖𝑡..𝑁𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑘𝑖𝑡...

Umihip ang malakas na hangin at ramdam ko na ang ginaw dahil basang-basa na ang bou kong katawan dulot ng ulan. Para na kong baliw na nakatayo sa gitna ng sementadong daan, hindi alintana ang ulan. Wala na akong pake alam kung may nakatingin man o may taong dumaan dahil ang tanging nasa isip ko ay ang sakit na nararamdaman.

𝐶ℎ𝑜𝑜𝑠𝑒 ℎ𝑒𝑟, 𝑏𝑒𝑐𝑎𝑢𝑠𝑒 𝑠ℎ𝑒 𝑛𝑒𝑒𝑑𝑠 𝑦𝑜𝑢 𝑚𝑜𝑟𝑒 𝑡ℎ𝑎𝑛 𝐼 𝑑𝑜

Napasigaw ako nang dahil sa sakit nang naalala ko nanaman ang mga katagang aking binitawan nung mga oras na tinapos ko ang kung ano mang meron kami. Tinapos ko ang lahat sa paraang alam kong tama. Sa paraang alam kong dapat, Sa paraang Masakit pero kailangan.

𝑃𝑒𝑟𝑜 𝑝𝑎𝑛𝑜 𝑘𝑎? 𝑝𝑎𝑛𝑜 𝑡𝑎𝑦𝑜?

mistulang narinig ko ulit ang boses niya nang tinanong niya ko habang ang mga luha'y tumutulo.

𝑂𝑘 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜, 𝑀𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑜𝑘 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜 𝐵𝑎𝑠𝑡𝑎 𝑡𝑎𝑛𝑑𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜, 𝑃𝑤𝑒𝑑𝑒 𝑚𝑜 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎𝑛. 𝑃𝑒𝑟𝑜 𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑎𝑙𝑎-𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛, 𝑤𝑎𝑔 𝑛𝑎 𝑤𝑎𝑔 𝑚𝑜 𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑙𝑖𝑚𝑢𝑡𝑎𝑛.

Pinipilit kong wag umiyak habang sinasabi ko sa kanya ang mga katagang yun, pinipilit kong labanan ang lungkot at sakit, dahil gusto kong ipakita sa kanya na magiging ok lang ako kahit wala na siya sa tabi ko.

Nanghihinang inihakbang ko ang aking mga paa at tila naubusan na ako ng lakas dahil kahit isang hakbang ay di ko magawa. Wala na, ubos na ubos na nga kong talaga. Wala nakong lakas na natitira.

Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa madilim na kalsada at nang iangat ko ang tingin ko ay isang truck na rumaragasa ang bumungad sakin.

Gustuhin ko mang ihakbang papalayo ang mga paa ko, at tumakbo sa kinatatayuan ko para maitabi ang sarili ko, pero wala. Wala ni isang parte ng katawan ko ang gumalaw, sumuko na sila ng tuluyan. Gaya ko sumusuko na ng lubusan...

𝐵𝑒 ℎ𝑎𝑝𝑝𝑦, 𝑏𝑢𝑡 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝑡𝑖𝑚𝑒 𝑑𝑜 𝑖𝑡 𝑤𝑖𝑡ℎ𝑜𝑢𝑡 𝑚𝑒...

huling bumalik saaking ala-ala bago naging blanko ang lahat....














Maikling Prologue gawa ng isang Baguhang Manunulat. Sana ma appreciate niyo, kahit madaming Typo at Grammatical Errors. Phone lang po gamit ko at di pa ganun ka galing ang pagkakadetalye ko. Feel free to comment any Corrections. Good or bad feedbacks is wholeheartedly accepted.













Your lonely Author....














🖋𝙻𝚊𝚍𝚢𝙻𝚞𝚗𝚊𝙻𝚢🌙






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Painful LessonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon