Kabanata 10

16 9 0
                                    

kabanata 10

Ninong

"Yes! I'm jealous on that fvcking Kevine!"

Hindi ko alam ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sa sinasabe niya. May halong kirot ito at pagtataka na hindi ko mabatid kung bakit.

Tulala akong nakatitig na mukha niya na sobrang lapit sakin. Hindi ko alam kung bakit ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko.

Kinakabahan ako. Natatakot. Nagtataka...

Iniatras niya na ang ulo niya at bumalik sa dati niyang posisyon at bahagyang ngumiti. Isinara niya ang libro na kanina'y inililipat ang pahina.

"Umuwi kana, hatid na kita" aniya.

Napatango na lang ako at mapait na ngumiti sa kanya. Nakita kong dinampot niya ang libro sa mesa at tumayo sa kinatatayuan at umakyat sa taas.


Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabe niya. Nakakagulat dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang ganung bagay. Ngayon ko lang narealize, ngayon lang.


Masyado ba akong naging manhid at nawalan ng pake sa iba at sariling kasiyahan ko na lang yung iniisip ko?


Hindi ako nagkakamali, kahit na hindi niya sabihin na may nararamdaman siya sakin. Bakit ngayon ko lang naintindihan? Masyado nga siguro akong naging manhid.


Narinig ko ang yapak niya na pababa na. Napatingin ako kanya.

"Let's go?" sambit niya.

Tumango ako at tumayo sa sofa. Dumaretso kami sa kotse. Sumakay ako sa backseat ng sasakyan at tumunganga sa bintana. Unti unti na itong umandar at lumabas ng bahay at binaybay ang daan pauwi sa amin.

Walang nagsasalita sa amin. Tahimik lang ang nagiging byahe namin. Samantalang ako ay nakatitig sa dinadaanan namin. Minsan naman ay nakikita ko siyang tumitingin sa akin sa salamin ngunit nagiiwas lang ako ng tingin.

"Hey!" nagulat ako dahil sa pambabasag niya sa katahimikan. "Are you okay?"

"Y-Yes, yes" simple kong sagot.

Hindi ko alam kung bakit ako nauutal dahil na rin siguro naiilang ako sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay nasa tapat na kame ng bahay namin. Agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. Binaba niyang bintana ng kotse niya at tumingin sakin.

"A-Ah, S-salamat" ngumiti ako ng peke at ganun din ang ginawa niya.

"Siguro hanggang martes na lang tayo, masyadong nakakapagod" paalis na sana ako ngunit napalingon pa ako sa sinabe niya.

"O-Okay" tinalikuran ko na siya at pumasok sa gate. Narinig ko rin na humarurot na ang sasakyan niya.

Nagsilingunan si mommy at daddy sa pagpasok ko sa bahay. Kumunot ang noo ni dad nung makita niya ako.

"Where have you been? ani dad.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kay dad dahil pagnalaman niya na nakipagdate ako ay grounded ako.

"Pinapunta ko siya sa mall" sumingit si mommy sa usapan, mukhang gagawa ng palusot si mommy para hindi ako mapagsabihan.

"Mall? Why?" nakakunot parin ang noo ni daddy.

"Were having a masquerade reunion this next next week kaya pinatingin ko na siya gown at mask na susuotin niya" mabuti na lang talaga nandito si mom.

Saka magkakaroon kame ng reunion? Nung nakaraan ay nagkarokn din naman pero hindi ako nakapunta dahil sabi ni dad ay pagtuonan ko nalang ng pansin yung mga projects. Pero sa tingin ko ngayon sa makakapunta na ako. Sa tingin ko rin ay bongga yun dahil formal ang susuotin at nakamask.

Chasing in the Tides (Island Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon