Miruelle
"A-Ano? Tama ba yung narinig ko?"
Hindi parin magsink-in sa isipan ko ang sinabi ni Matt ngayon lang.
Pagkatapos niyang mawala ng ilang araw dahil sa business trip niya ay ito agad ang ibubungad niya sa akin? Hindi ba pwedeng magkamustahan muna kami.
"Hindi naman siguro ako nabibingi diba? Gusto mo akong dalhin sa bahay ng totoong papa mo para ipakilala?" Ulit ko sa kanya.
Tumango ito nang dalawang beses.
"Pero teka lang... Hindi ba parang biglaan naman yata." Kinakabahan ako.
Isang beses lamang ito mangyayari ang unang pagkikita namin ng pamilya niya tapos biglaan pa? Hindi man lang ako nakapaghanda ng ireregalo sa kanila. Tapos ano na lamang ang susuotin ko? Wala akong damit na magarbo. Kung nasa Algernon lamang sana ako ay hindi iyon problema. Kaso hindi, nandito ako.
Lumakad ako ng pabalik-balik. Pilit inuunawa ang sitwasyon.
"Ayaw mo ba sila makilala?" Bigla naman akong natigilan sa paglalakad at kusang lumambot ang ekspresyon ng aking mukha sa tanong niya.
Alam kong hindi rin naging madali ang pinagdaanan niya sa pagtanggap ng katotohanan tungkol sa pamilya niya.
Sino ba ako upang tanggihan siya.
"Of course I would love to. Biglaan lang talaga. Pasesnya na." I cupped his face.
"Gusto kong makilala ang ama ng lalaking pinakamamahal ko ngayon. At pasalamatan siya dahil may ikaw ngayon sa buhay ko."
Niyakap niya ako ng marahan. Na-miss ko ito. Sa ilang araw na hindi kami nagkita ay parang napakatagal na niyon. Ngunit gustuhin ko man damhin ang mga yakap niya kaso mas bumabagabag sa isipan ko ang sinabi niya.
Batid ko naman mangyayari talaga ang bagay na ito. Ang ipakilala sa kanyang isa pang pamilya.
At para sa katulad ko na nasa isang relasyon, napakalaking bagay ang ipakilala sa buong pamilya ng minamahal mo. Isa itong patunay kung gaano kaseryoso at kamahal ng iyong kasintahan.
Ngunit sa sitwasyon ko hindi ko magawang kabahan at mangamba.
Oo, alam ko sa sarili kong wala na akong ibang mamahalin pang lalaki kundi si Matthew lang.
But I'm doubting my health.
Kailangan ko pa bang sabihin iyon sa kanya? For the past months wala na naman naging signs na bumalik ito. I'm doing fine. I'm healthy now.
So I think I shouldn't worry him anymore. Wala naman sigurong magbabago sabihin ko man o hindi.
"But can you please give me a day to prepare? I need to make something for them. Ayoko naman pumunta dun ng walang dala." Pakiusap ko.
"Of course Mir." Pagpayag nito saka hinalikan ang aking noo.
Matapos ang pag-uusap namin ni Matt ay wala akong sinayang na oras agad akong nagtungo kina Aling Leti at nagbabakasakaling makahiram ng masusoot. At hindi naman ako nagkamali dahil tila ba ay alam na nilang mangyayari ito.
"Ang ganda! Bagay na bagay sa iyo hija. Konti adjust na lamang ng laki magkakasya na ito sa iyo." Sabi nito habang pinagmamasdan ako aa suot na dilaw na bestida na lagpas hanggang tuhod ang haba. May kwelyo ito at mahabang manggas. Pakiramdam ko tuloy ay nasa sinaunang panahon ako dahil sa suot kong vintage dress.
"Pansin ko lamang po mahilig kayo manahi ng vintage dress." Sabi ko habang pinalibot ang paningin sa mga naka display at hanger na tinahi niya.
"Hindi naman. Simula lamang ng dumating ka dito ay panay gangang estilo na ng kasuotan ang tinatahi ni Aling Leti." Sabad ni Soledad na may subo-subo pang lollipop.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.