Chapter 18

5K 232 8
                                    

Maaga siyang nagising dahil sa mga kaluskos sa loob ng kwarto niya. Bumangon siya at nakita niya ang dalagita na kasamang kumakain ng daddy niya sa komedor kagabi na may kinakalkal sa closet niya.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na sita niya dito. Hindi siya nito nilingon at nagpatuloy lang sa pagkakalkal sa gamit niya. Galit na bumangon siya at nilapitan ito saka marahas na hinila niya ang braso nito. Nagulat naman siya ng bigla itong sumigaw at naglupasay. "Anong problema mo?!" inis na sigaw niya dito. Sumubsob ito sa mga kamay nito at humagulgol.

"What's happening here?!" dumagundong ang galit na boses ng daddy niya na nasa pintuan ng kwarto niya.

"Daddy!" Mabilis na tumayo ang hitad sa paanan niya at tumakbo papunta sa daddy niya at parang aping-api na humagulgol ng iyak.

Ano bang problema ng gaga na to? - Inis na bulong niya sa isip habang nakakunot ang noo na pinagmamasdan ito habang inaalo ng daddy niya.

"Ano yan lipas gutom?" nakataas ang kilay na tanong niya sa daddy niya. Tinignan siya ng matalim ng daddy niya.

"What happened, hija?" masuyong tanong ng daddy niya na masama pa rin ang tingin sa kanya. Parang may kumurot naman sa puso niya. Kailan ba niya huling nayakap ang daddy niya? Kailan ba siya huling inalo nito kagaya ng pag-aalo nito sa babaeng baliw?

"G-Ginigising ko lang po siya para makasabay natin sa pagkain, b-bigla niya po akong kinaladkad at t-tinulak."

Napanganga siya sa kasinungalinang pinagsasasabi nito. "Sinungaling ka!" hindi niya mapigilan ang mapasigaw. "Ang kapal ng fucking face mo! Ikaw ang basta na lang pumasok -"

"No! Ikaw ang sinungaling!" sigaw din nito sa kanya. "Di'ba daddy inutusan mo akong gisingin siya? Ginigising ko lang naman po siya tapos bigla na lang niya akong hinila sa braso at kinaladkad," anito na ipinakita pa ang braso nito na namumula dahil sa paghila niya dito kanina.

"Anong naisipan mo at ginanito mo ang kapatid mo?" galit na sigaw din ng daddy niya sa kanya.

"Ha! Kapatid? Kailan ko naging kapatid 'yan? 'Wag niyo 'kong isali sa bahay-bahayan niyo. Kayo-kayo na lang ang mag-gaguhan-"

"Anong nangyayari dito?! Bakit umiiyak ang anak ko?" naputol ang lintanya niya ng pumasok si Tita Clarice sa kwarto niya suot ang bathrobe ng mommy niya. Lalo siyang nanggigil.

"Magsilayas kayo sa kwarto ko!" galit na sigaw niya sa mga ito.

"Wala kang galang!" sigaw din ni Tita Clarice.

"Mas wala kayong mga galang! Ilabas mo na yang bagong pamilya mo daddy o magkakabastusan tayo dito!" baling niya sa ama. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa sobrang galit. Gusto niyang magwala, gusto niyang pagbabatuhin ang mga ito. Dahil parang sinasampal siya ng mga ito na wala siyang pamilya. Na outsider siya. Idagdag pa ang kasinungalingan ng babaeng nakayapos aa daddy niya. At mas nagagalit siya dahil parang kinakampihan pa ng daddy niya ang mga bitbit nitong bagong pamilya kaysa sa kanya.

"Aba't talagang bastos ka-"

"Tama na yan, Clarice," pigil dito ng daddy niya ng akma siya nitong susugudin. Pagkatapos ay binalingan siya. "You're grounded for two weeks, Sabrina," anito sa kanya na nagtatagis ang bagang.

"Grounded my ass!" aniya. Hindi siya natatakot sa galit ng daddy niya. Wala siyang pakialam kung nababastos niya na ito.

"Anong klaseng pagpapalaki ba ang ginawa ng niyo diyan sa anak mo? Parang walang pinag-aralan," ani ni Tita Clarice saka hinila ang anak nito at nagdadadabog na lumabas ng kwarto niya.

"Hindi pa tayo tapos, Sabrina!" banta ng daddy niya.

"Hindi pa tayo tapos, Sabrina!" Inis na panggagaya niya sa sinabi ng daddy niya saka ibinato ang unan niya sa pintuan ng makalabas ang mga ito. "Ang kakapal ng mukha! Mga abnormal!" aniya saka pinagbabato ang mga natirang unan sa kama niya. "Ano ko si Cinderella? Mga gaga nagkamali kayo ng taong aapihin!"

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon