Because Of The Dare

5 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa isang bar na di ko alam ang name. Bigla na lang kasi akong niyaya ng bestfriend kong pumunta rito ewan ko ba dyan.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ay bumungad na sa amin ang mga taong nagsasayawan, speakers na sobrang lakas argh sakit sa tenga, usok teka bat ba may usok dito gagawin ba kaming inihaw dito at mga malilikot na ilaw.

"Ericka ano bang ginagawa natin dito" tanong ko sa prenny ko na konti na lang babatukan ko na. Bat ako pa kasi sinama eh hindi naman ako mahilig sa mga ganto

"Masyado ka na kasing stress sa work mo. Myghad Cassandra you need a break kaya sinama kita rito" sagot nito

"Alam mo naman na hindi ako sanay dito diba" saad ko

"Masanay ka na ngayon dear kasi isasama na kita everytime na pupunta ako rito" ani Ericka at hinatak na ako papunta sa isang table kung saan may mga naka-upo I think mga kaibigan din ito ni Ericka

"Hi guys I want all of you to meet Cassandra my friend" pagpapakilala nito sakin. Binati naman ako pabalik ng mga ito at ngiti lang ang itinugon ko sakanila

Pagkaupo ko maya maya ay lasing na ako. Mababa lang kasi ang alcohol tolerance ko kaya boom lasing.

May nagpeperform ngayon na banda at wala akong pake sakanila. Pero ang gwapo ng isa Ron yung drummer. Crush ko na siya ngayon yiii kiligin sana siya dahil crush siya ng isang dyosang kagaya ko.

"Guys let's play truth or dare" pag-aaya ni Aya oh diba rhyme rhymerist kasi ako chos

So ayon naglaro na nga kami at ang swerte ko dahil hindi pa ako natuturo ng bote. Luv na kita ngayon bote dahil hindi mo ako pinapahamak.

Akala ko lang pala na hindi ako matuturo dahil naturo na ako ngayon. Binabawi ko na ang sinabi ko di na kita luv bote hmp.

"Cassandra truth or dare" tanong ni Dean ang nagpaikot ng bote. Dahil matapang ako ngayon dahil lasing kaya...

"Dare" napa woah naman ang mga kasama namin dahil wala pa ni isa nag sabi ng dare puro truth sila mga weak hahaha.

"Okay dahil matapang ka halikan mo ang isa sa mga nagpeperform sa stage" nakangising pahayag ni Dean

Easy as one, two, three.

Dali dali akong pumunta sa stage at umupo sa kandungan ng lalaki at hinalikan ito. By the way ang hinalikan ko nga pala ay yung sinasabi kong crushie ko. Narinig ko pang nagsigawan ang mga kasama ko. Waw supportive naks.

Nang maramdaman ko na hindi naman tumugon ang lalaki sa halik ko ay bumitaw na agad ako. Nang magtama ang mga mata namin ay doon pa lang ako natauhan at nakaramdam ng hiya. Shiz Cassandra nakakahiya ka.

"Sorry" paghingi ko ng tawad dito at umalis na sa kandungan ng lalaki

Akala ko makakaalis na ako sa ginawa kong kahihiyan pero hindi pa pala. Hinila kasi ako uli ng lalaki at hinalikan ako uli. This time mas mahaba na.

Nang bumitaw na kami parehas sa halik ay may binulong ang lalaki sa akin.

"From now on you are my girlfriend whether you like it or not" bulong nito sa akin at napalunok ako bigla

"Baby can you please stand up because your boyfriend is busy right now. Let's continue what we are doing later" at hinalikan ako nito sa pisnge. Agad naman akong tumayo at bumaba ng stage. Napalingon pa ako sakanya bago ako bumalik sa pwesto namin. Nag wink pa sa akin ang lalaki bago mag start ulit mag drums.

Gosh ng dahil sa dare na yan nagkaroon ako ng instant boyfriend.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon