Girls' Generation make you feel the heat
jeon segega neoreul jumokae
B-bring the boys out
wipungdo dangdanghaji
ppyeossokbuteo neonweollae meotjeosseo
You know the girlsB-b-bring the boys out
"Chloe palitan mo nga yang kanta! Ano ba naiintindihan mo jan?" ke aga aga eh KPop agad pinapakinggan ni Chloe. Die hard Kpop fan eh.
"Ayoko nga! Yan yung bagong kanta nang Girls' Generation! NakakaLSS kaya! Girls' Generation make you feel the heat!" kanta pa neto habang sumasayaw, yun ata yung choreo nung kanta.
"Ano ba naiintindihan mo jan? Trip mo nga yung kanta, di ko naman maintindihan. Bring the boys out lang naintindihan ko jan eh." sabi ko pa.
"Ewan ko! Basta ang galing galing kasi nila sumayaw! Ang gaganda pa! Lalo na to oh!" pinakita nya pa sa akin ang music video sa cellphone nya at tinuro yung sumasayaw sa gitna.
"Yan si Yoona! Shet ang ganda ganda! Trip ko rin si Yuri tsaka si Jessica. Pero si Yoona pa rin bias ko!" sabi pa ni Chloe
"Bias? Ano yun?" tanong ko pa
"Yun yung pinakagusto mong member sa isang Kpop group! Bias ko si Yoona kasi sya pinakagusto ko." sabi nya pa.
"Okay." nasabi ko nalang. Di naman ako interesado sa KPop eh.
"Try mo makinig nang mga kanta nang Hambog ng Sagpro Krew, o di kaya Repablikan. Anggaganda na nga, maiintindihan mo pa." sabi ko.
"Nakikinig ko non? Hindi ko trip yung mga yun eh." sabi ni Chloe.
Andito kami sa park malapit sa school. Nagcutting kasi kami dahil amboring. Pero babalik naman ako sa panghapon na klase dahil may presentation kami sa English. Si Chloe uuwi na daw deretso dahil may pupuntahan syang birthday party. Ayoko nga pumasok eh, gagawin lang naman akong propsmen para sa play sa English, yun lang ambag ko eh. Kaso baka bumagsak na ako nang tuluyan pag di pa ako pumasok. Bungangaan na naman ako ni Dragona.
Nagstay kami don hanggang tanghali. Nagpaalam na si Chloe dahil mag-aayos pa raw sya party na pupuntahan nya. Ako naman ay dumiretso na pabalik sa school. Tamang tama ay lunch break, maraming college students ang kakain sa food court sa tapat nang school kaya bukas ang gate. Sumulpot ako sa gate nang hindi nakikita nang guard. Nang makalusot ay dumiretso na ako sa room. Nadaanan ko pa yung grupo nila Shantal na iniirapan ako. Pakelam ko sa kanila. 🙄
------------------
Anak talaga nang tokneneng. Kung kelan uwian saka bumuhos ang napakalakas na ulan. Wala akong dalang payong kaya nasa waiting shed ako sa tabi nang gate sa harap nang school. Kakaunti nalang ang estudyante dahil karamihan ay may payong at yung mga kasama ko dito sa waiting shed eh nasundo na. Takteng yan.
Umalis na si ate girl na syang natitirang kasama ko sa waiting shed dahil sinundo na sya nang jowa nya. So ako nalang mag-isa dito. Nice. Lulusungin ko na nga lang. Bahala na kung magkasakit o hindi bukas. Kinuha ko ang jacket ko sa bag at ready na sanang lumusong kaya lang-
"Miss. E-to oh p-payong." sabi pa nang boses lalakeng nauutal na nasa gilid ko na pala. Nakasilong din sya sa waiting shed. Tinignan ko sya, teka, familiar to ah? Sya yung...
Lalake sa ilalim nung puno sa tabi nang basketball court! Ngayon ko lang nakita nang malapitan. Shet ang gwapo nga nya, singkiting mata, matangos na ilong, mapulang labi, at ang height nya, hanggang leeg nya lang ako.
BINABASA MO ANG
Someday, We Will Be: 1
RomanceDalawa lang yan: Someday, we will be happy, we're together, and we're living our lives to the fullest. O di kaya, Someday, we will be happy for the both of us because we're both already with someone else, and we're living our lives to the fullest.