chapter one.

7 2 1
                                    

"hoy astrid! may tumatawag sayo sa baba!"

nagising agad ako sa lakas ng boses ni mama. i lazily rubbed my eyes and yawned.

napatingin ako sa orasan. 11:41pm. tanghali na pero para sakin maaga palang 'yon. hello? ikaw kaya matulog palagi ng alas tres ng umaga.

"hoy! astrid!"

i groaned. nakakaasar naman. sarap ng tulog ko e! sino ba kasing tatawag sakin sa baba? wala naman sa mga tropa ko yung nagsabing pupunta sila dito.

"eto na ma! pababa na!"

agad agad akong nag-ayos ng sarili. damnit! ang laki ng eyebags ko!

wala nakong time maghilamos kaya agad nakong bumaba. nakita ko si mama na may kausap sa gate.

shet, sino nanaman kaya 'to?

naglakad ako papunta sakanila na nakakunot ang noo. i'm still wearing my long sleeve and pajamas.

humarap saken si mama at nagcross arms. may inabot siya kaagad sakin at lumiwanag ang mukha ko ng makita ko yun.

yung order ko!

napangiti agad ako at kinuha 'yon. narealize kong order ko pala sa online ay dumating na!

"ay teka naiwan ko yung wallet ko sa loob-"

"binayaran ko na. jusme kang bata ka. order ka ng order pero di ko alam! nasa 500 yung binayad ko. sa susunod magsabi ka ha? eto talagang batang 'to."

naglakad paalis si mama. napakamot ako ng noo sa hiya. narinig tuloy ng rider.

humarap agad ako kay kuyang rider para tignan kung nandoon pa siya sa harapan ko.

pero nanlaki ang mata ko ng nakita kong ang gwapo! shet hindi lang gwapo, sobrang gwapo!

"sige po ma'm alis na 'ko." sambit niya.

napaestatwa ako sa kinatatayuan ko. shet, ang dami kong nakikitang gwapo pero 'tong rider na 'to. ibang klase.

ibang klase ang kagwapuhan! siya na ata 'tong pinakagwapong lalake na nakita ko sa buong buhay ko.

nagdrive na siya paalis. hindi ko na agad nakausap. shet, sayang ghorl! kung di ba naman ako nagpuyat edi sana nakausap ko siya at hindi si mama!

napatingin ako sa order ko. damit lang naman inorder ko.

mami-meet ko kaya si kuyang rider? shet, ang gwapo e! minsan lang ako lumandi pero ta-try ko 'tong isang 'to.

bumalik agad ako sa loob ng bahay at kinuha ko agad yung phone ko.

oorder ulit ako. i hope siya ulit yung rider!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

delivery boy • kthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon