"STOP it Fia!" patuloy lang ako sa paghampas ng dibdib niya.
Walanghiya talaga ang mga kagaya mong lalaki Isaac!
"Ano ba! Hindi ka ba titigil o hahalikan kita?"
Wala pang isang segundo e lumayo na ako sakanya. Tignan niyo! Ang kapal ng mukha!
Nanliliit ang mga mata na dinuro ko ang pagmumukha niya.
"What's fvcking wrong with you?"
"Ikaw! Binuntis buntis mo si ma'am Raquel tapos di mo papanagutan?! Hinayupak ka!" tila natulala si Isaac at napatitig saakin, maya-maya pa he burst out laughing.
Natigilan ako pero kalaunay sinugod din siya ng mga hampas.
"At ngayon tatawa tawa ka lang! Talaga Isaac? Kaya mong gawin 'yon kay ma'am Raquel?!"
"W-wait! Stop it!" saad niya sa gitna ng mga hagikhik niya.
Hindi ko napansing nahawakan niya na pala ang kanang palapulsuhan ko kaya't ng mahawakan na rin niya ang kaliwa ay natigil na ang panghahampas ko.
I gulp.
"Who said that horrible idea to you? Si Raquel ba?"
Napailing ako.
"Nakita kong umiiyak si ma'am sa labas ng office niyo. N-naisip ko na baka...baka nabuntis mo siya at hindi mo pinanagutan."
Ngumisi siya na mas lalong nagpagwapo sakanya. Wait ---ano Fia?! Anong pinagsasasabi mo diyan?
Erase. Erase.
"What the fvck." natatawang saad nito.
"For the record, I didn't impregnate her. In fact we never had sexual intercourse. She's not my type anyway. " inalis na niya ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko pero nakatingin parin 'to saakin.
Hindi ko alam pero parang may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko.
Napaiwas ako ng tingin.
"T-totoo ba 'yan?"
"Yes! You can asks her. Sumugod siya dito because she wants me back. But I simply say no."
"Bakit naman hindi?" tumingin siya saakin, napalunok ako ng unti-unti siyang lumapit, halos mawalan ako ng hininga ng haplusin ng kanang palad niya ang pisngi ko. Napapikit ako, naramdaman ko nalang na isinabit niya sa tenga ko ang nakawalang hibla ng aking mga buhok.
Hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Because it's you, you're my type Fia." halos magulantang ang sistema ko dahil sa sinabi niya.
Agad akong napalayo at naglakad papunta sa pinto.
Hindi parin matigil ang naghuhurumandong kong puso.
"Where are you going?"
"B-babalik na po sa table sir."
Napapikit ako habang binibigkas ang mga salitang 'yon. Mabuti nalang at hindi na pumalag si Isaac ng tawagin ko ulit siyang Sir. Tama naman diba? Boss ko siya at ang tanging trabaho ko lang ay gawin ang gampanin bilang isang sekretarya. Ayokong lumagpas sa guhit. Hindi mangyayari 'yon.
Nakalabas ako ng mapayapa sa office ni Isaac. Walang pigil, walang sermon wala ng pag-uusap.
"I've been calling you Isaac! Mabuti nalang one of your friends answered the damn phone and told me that you're here." umuusok ang ilong na saad ni Victoria.
BINABASA MO ANG
Bad Romance: Taming The Hot Mayor
RomanceI am Fiandelle De Jesus and I am taming our hot mayor. 4/5/20