LUCA
"Kailangan mong ibigay sakin ang katawan ni Nikko by the end of the day tomorrow, if you don't succeed... mamatay ang kapatid mo"
Bakit ba kasi kailangan niyang patayin si Nikko? Tsk, ang hassle naman.
Bestfriend ko na si Nikko simula pagkabata. Naalala ko pa noong una kaming nagkita.
"Hoy bata! Anong iniiyak iyak mo diyan? Tsaka bakit ka magisa?" narinig kong sigaw ng isang batang lalaki sa likuran ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at nilingon siya. Tumabi naman siya sakin. "Ako si Nikko, ikaw?"
Nagaalinlangan pa akong sagutin siya pero sumagot na din ako. "L-luca"
"Bakit ka dito magisa? Bakit hindi ka makipaglaro doon sa mga bata?"
Kinwento ko naman sakanya yung nangyari. Noong inagaw ng mga bata yung laruan ko, tapos nung sinipa sipa nila ako. Tawa ng tawa naman si Nikko.
"Bakla!" kantsaw niya pa sa akin habang tawa ng tawa. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Alam mo kasi, ang totoong lalaki, kapag inaapi, lumalaban! Parang ganito!" sabi niya tapos sumuntok suntok pa sa hangin. Natawa naman ako at tumawa din siya.
Maya maya lang ay dumating na ice cream van. "Gusto mo ng ice cream?" aya niya naman sakin kaya tumango ako. Tumayo siya at sumunod naman ako.
"Ice cream po, 'dawala'." sabi niya at itinaas pa ng bahagya ang dalawang daliri. Napangiti naman si manong at iniabot ang dalawang ice cream. Kukunin ko na sana yung ice cream kaso inunahan ako ni Nikko at dinilaan yung ice cream ko bago iabot sakin.
"Yuck, laway." sabi ko habang nandidiring nakatingin doon sa ice cream. Tinawanan naman ako ni Nikko.
"BakLuca!" sabi niya habang tumatawa kaya nagtaka ako.
"Bakluka?" paguulit ko sa sinabi niya, ano ba kase yun?
"Bakla ka kasi kaya pinaghalo ko yung bakla tapos Luca!" sabi niya at malakas na tumawa.
"Hoy! Hindi ako bakla ah!"
"Oo kaya!'
"Hindi!"
"Oo!"
"Nikko!" sigaw ng isang babae dahilan para matigilan kami ni Nikko at sabay na lumingon doon sa sumigaw. Umiba naman ang timpla ng mukha ni Nikko. Kung kanina ay tawa siya ng tawa, ngayon naman ay para siyang nakakita ng multo. "Kanina pa kita hinahanap!"
Hinila naman siya nung babae, yaya niya siguro yun. Nagpumiglas naman si Nikko at tumakbo papalapit sakin. "Pumunta ka ulit dito bukas, ah? Hihintayin kita!" sabi niya at hinayaan nalang niyang hilahin siya nung yaya niya.
"Hoy Dre! Kanina ka pa nakatulala diyan! Pinagpapantasyahan mo nanaman ako noh? Nako, Luca! Masyado ka namang nagpapahalata!" rinig kong sigaw ni Nikko kaya naman natauhan ako at tiningnan ko siya ng masama.
"Tarantado!"
"Oh bat ka umiiyak? Siguro nandidiri ka na sa sarili mo ngayon kasi pinagtangkaan mo akong irape kahapon, tsk tsk. Tanggap parin kita." sabi niya ng mapansin niyang tumulo na yung luha ko. Napayuko naman ako. "Tsk, bat ka ba kasi umiiyak?"
"W-wala." sabi ko at tsaka pinunasan yung mga luha ko. Hinawakan ko yung hita kong may tama at pinagmasdan yun. Sa totoo lang, sobrang sakit nito ngunit mas pinili ko itong tiisin. Hindi pwedeng malaman nila ang tungkol dito, lalo na si Nikko.
Tiningnan ko si Nikko at pinigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas mula sa mata ko. Sorry, Nikko. Ayokong gawin ito pero hindi ko rin pwedeng pabayaan ang kapatid ko.
DRAKE
"A-aray." sabi ko ng magising ako ng kakaibang sakit sa kanang braso ko. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa hospital ako... nang igalaw ko ang kamay ko ay may natamaan akong kung ano dahilan para mapatingin ako doon. Si Samantha, natutulog.
Saglit ko pa siyang tinitigan. Nakakatuwa lang isipin na kahit nasaktan ko siya, nandito parin siya sa tabi ko. Inayos ko yung buhok niya at hinawakan yung mukha niya. Hintayin moko, Samantha.
Dali dali kong inalis yung kamay ko sa mukha niya at nagiwas ng tingin ng biglang dumilat yung mata niya. "Drake? May gusto ka bang kainin? Gusto mo ng tubig? Ano?" natataranta niyang tanong.
"A-ah, wala. Ok lang ako." sabi ko dahilan para kumalma siya at umupo. Nahuli niya kaya ako? "Ah... ano nga palang nangyari?" pagiiba ko sa usapan, wala din akong maalala.
Napabuntong hininga naman siya. "Binaril ka sa rooftop..."
Nagulat naman ako. Naalala ko na. Napakunot noo naman ako at umayos ng higa. Sino naman kaya ang may gawa nun?
SAMANTHA
Nagising ako ng may naramdaman akong kamay sa mukha ko. Si Drake... dali dali niyang inalis yung kamay niya sa mukha ko at nagiwas ng tingin
Dali dali akong tumayo at chineck siya. "Drake? May gusto ka bang kainin? Gusto mo ng tubig? Ano?" natataranta kong tanong.
"A-ah, wala. Ok lang ako." sabi niya dahilan para kumalma ako at umupo. "Ah... ano nga palang nangyari?" tanong niya.
Napabuntong hininga naman ako. "Binaril ka sa rooftop..."
Itatanong ko pa sana sakanya kung bakit niya hinawakan yung mukha ko ngunit may pumasok sa kwarto dahilan para pareho kaming napalingon doon ni Drake. Si manang, katulong ni Drake, may dalang basket ng prutas.
"Sir Drake, gising na ho pala kayo." bungad ni manang at inilapag iyong basket doon sa table katabi ng kama na hinihigaan ni Drake. "Ma'am, may nagpapabigay po ng sulat na ito, galing rin po sa taong nagpapabigay ng mga prutas." napakunot naman ako ng noo. Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko tungkol dito.
"May sinabi po ba kung sino?" tanong ni Drake, marahil ay nagtataka din katulad ko.
"Wala ho, sir. Sige ho, maiwan ko na ho kayo."
Ng makaalis si manang ay nagkatinginan kami ni Drake. "Basahin mo na." sabi niya sabay kuha ng apple at kumagat ng malaki.
'Be careful on what you eat. Stay healthy :)'
BINABASA MO ANG
Play (UNDER MAJOR EDITING)
Gizem / GerilimMystery-thriller. "Say, pal, don't you wanna play?"