Hindi ko gusto kung anong nangyayari ngayon sa buhay ko.
"Alicia! Dapat di ka na lang muna pumasok-" Bulong sa akin ng nag-iisang kaibigan ko sa eskuwelahan ko. Para namang may choice ako dito.
"Di ko naman pwedeng gawing rason ang bullying para di pumasok..." Sagot ko sa kaniya, pinipilit ang ngiti ko.
Hindi na lang siya kumibo, at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad papuntang school.
Lahat ng estudyante at kaklase na nakakasabay namin ay nakatitig sa akin. Yung iba sa kanila parang naaawa sa amin, yung iba naman (mga kampon siguro ni satanas toh), ang sama ng tingin.
"Nagsisimula na sila..." Bulong sa akin ni Kristine. Nako, kung alam niya lang talaga- matagal nang nagsimula yang mga bwisit na yan.
Nung nakita ko kung anong ginawa nila sa upuan ko, alam ko, punterya na nila ako.
"Malapit na tayo sa school, Alicia." Tumango na lang ako.
"Ayaw mo bang humiwalay sa akin? Baka mapag-initan ka din nila..."
"Wag mo na akong alalahanin. Kaya ko ipagtanggol ang sarili ko." Sagot niya sa akin, nakangiti at pinapakita ang 'muscles' niya kuno.
Napatawa naman ako doon, pasalamat na lang talaga may kaibigan ako kagaya niya.
"Nga pala, anong sagot sayo nung magaling mong mga ex-boyfriend?" Tanong niya sa akin, rinig na rinig ang inis sa boses niya. Kinuha ko ang phone ko, at pinakita ko sa kaniya ang sinabi sa akin ng magagaling na lalakeng yon.
"Hindi ka na pinapansin ni Dan?" Umiling na lang ako. Masakit man makita na yung dating tao na akala mo hindi ka iiwanan gagantuhin ka... Wala eh, ganito talag ang buhay.
Buti na lang, alam ko sa kalooban ko na minahal ko siya.
Pero...siya kaya?
"Eh yung isa mo pang magaling na ex-boyfriend? Si Kian ba yun? Ang yabang nun nung kayo ah? Di ka daw iiwanan sa ere?!" Ang ironic naman nung pinagsisigawan niya.
Siya nga yung unang nang-iwan sa ere eh.
"Eto sis oh..." Pinakita ko kay Tine. Ang saklap lang na mukhang sa simula pa lang hindi lang AKO ang babae sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
The Princess Will Get Her Revenge
Teen FictionWarning: Baka may maisulat po akong mga di kaaya-ayang salita at scenes. Warning po sa mga magbabasa, thank you. The Princess has had enough. Hindi na siya magpapa-api sa mga taong alam naman niyang kayang-kaya niyang patumbahin ng isang salita lang...