"MIGUEL'S RESTAURANT"
" SOFIA CLAIRE'S POV "
Kagaya nga ng nakagawian,magiliw kong inaasikaso ang mga costumer ako ang nag aasikaso sa mga ito tuwing nagkaka free time ako,kasama ko si Miguel na kasalukuyang nakaupo sa gilid ng upuang malapit sa counter kung saan nakikita ni Abby ang casher ko,habang hinaharot naman ito ng mga kakilala't suki kong customers.
Mag aalas dose na kaya dagsa nanaman ang tao pag ganitong oras,kumikilos narin ang mga waiter at waitresses na nooy nag aasikaso ng iba pang mga costumers.
Palagi kong ipinapaalala sa kanila na palaging ngumiti at maging magiliw sa mga ito upang maging comportable at maingganyo pa ang mga itong pumunta.
Nagtitingin tingin ako sa paligid upang maghanap ng mga hindi pa nakaka order,sakto namang may narinig akong nagtawag ng waiter at dahil libre naman ako kaya ako na ang nagtungo para asikasuhin ang mga ito.Yes mam/sir ano pong order nila?Magiliw kong tanong sa mag asawang sa tantya ko ay nasa edad 60+ na nakatingin ang mga ito sa menu,nakangiti lang ako habang hinihintay ang order ng mga ito.
Can you give us .. Naputol ang sasabihin nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng mag angat ng mukha ang may edad ng babae't kinabahan akong bigla ng magtagpo ang mga mata namin.
Napakunot noo ito habang nakatingin din saakin na para bang kinikilala akong mabuti,ako naman ay parang na istatwa at hindi makagalaw sa kinatatayuan habang nagpapalipat lipat ng tingin sa mag asawa,diko alam kung anong gagawin kinakabahan ako.Bakit ngayon kopa sila nakita?
Bakit dito pa sa restaurant ko?
Nakikilala pa kaya nila ako?Sana hindi na!Nagpapanic na sa isip ko.Maa'm Claire?Tawag ni Abby na nagpabalik sa kamalayan ko na ikinalingon ko dito,nasa likod kona pala ito't hawak hawak si Miguel na noo'y umiiyak.
Oh anong nangyari bakit umiiyak toh?Nag aalala tanong ko kay Abby at dinaluhan ang umiiyak na anak.
Mommy i'm hungry can we eat na please!Saad ng anak kong nakanguso pa.
Sure baby!Let's go!Aya ko kay Miguel at tinawag si Mika isa sa mga waitress ko at binilin dito ang iniwan kong mesa.
Nagpaalam na ako kay Abby na aalis na kame at sa labas kakain.Hay salamat!muntik na ako dun ah,sana lang hindi nila ako nakilala!Napabuntong hininga kong saad ng makasakay ng kotse.
Something wrong mommy?Nag aalalang tanong ni Miguel.
No baby,I'm good!Pagsisinungaling ko dito.
Habang kumakain ng French fries si Miguel ay malalim naman ang iniisip ko habang nakatingin sa kawalan.
Hindi talaga ako makapaniwalang makikita ko ang mag asawang Montenegro at sa Restaurant kopa mismo.
Nabalot akong bigla ng pangamba sa isiping baka may malaman ang mga ito at malaman din ng hayop na si Xander lalong lalo na ang tungkol kay Miguel.Nang tanghaling iyon ay hindi na ako bumalik pa sa Miguel's Restaurant diretso na kameng umuwi ng bahay ipi nark kona ang sasakyan sa garahe.
Pero bakit nandito sila sa pampangga?
Dito naba ang mga ito nakatira?Muli ay mga tanong sa isipan ko habang naglalakad papasok ng bahay hawak hawak si Miguel.Imposibleng wala dito ang anak nilang sira ulo,sana lang mali ang iniisip ko.Saad ko ng muling bumalik ang kabang kanina'y nararamdaman ko.
Oh,bakit parang napaaga atah ang uwi niyo?Takang tanong ni nanay pagkapasok namin.
Mahabang kwento nay!Wala sa loob kong sagot.
Nagmano ako dito ganun din si Miguel na kaagad din namang naglaro ng makita ang laruan na nasa sala.
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
Fiksi UmumIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...