" SOMEONE'S POV "Bumyahe kame ng aking asawa patungong pampangga upang dumalo sa gaganaping Silver weeding ng isa matalik naming kaibigan.
Tanghali na ng marating namin ang siyudad,kapwa na kame nakaramdam ng gutom ng asawa ko kaya nagdesisyon kaming kumain mona,pumarada kame sa tapat ng nagngangalang Miguel's Restaurant na aming nadaanan,nakaka engganyo ang hitsura niyon at mukhang magandang kainan dahil maraming tao ang nagpupunta.
Pagkapasok,maluwang iyon at parang basketball court sa laki,
Marami pa ang bakanteng upuan sa dulo at doon kame pumwesto.
Tiningnan kaagad namin ang menu,kumpleto rekado ang mga pagkaing naka lista at talagang matatakam ka sa hitsura palang,sulit din ang presyo.
Nang may magustuhan ay nagtaas kaagad ako ng kamay at tumawag ng waiter at tumingin muli sa menu para sa desert at drinks naman.Nag angat ako ng mukha ng marinig ko ang pamilyar na boses ng babaeng nagsalita sa may paanan ko,nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Hindi ako pwedeng magkamali,siya yun,si Claire.
Magsasalita na sana ako para tanungin at kumustahin ito,subalit dumating ang isang babae bitbit ang batang umiiyak na sa tantya ko ay nasa pito o walong taong gulang.
Napakagwapo nito at parang pamilyar ang mukha nito sakin nanlaki lalo ang mga mata ko ng maalala kung sino ang kamukha ng batang iyon.It could be my son's?!Sa isip kong sigurado.
Ma'am Claire!Narinig kong tawag sa kanya ng babae tama nga ako siya si Claire.
Hindi na ako nagulat sa mga sumunod na nalaman may anak na pala ito at sigurado akong apo ko yun,saglit na nagkatinginan kame ng asawa ko bago muling ibinaling ang atensyon sa nakatalikod ng si Claire.
Ibang iba na ito sa Claire na nakilala ko noon,magara na ang pananamit nito at maaliwalas na ang hitsura hindi kagaya noon napaka simple at hinhin lang nito tingnan,Gusto ko itong kumustahin at tanungin kaya lang parang nagmamadali ito't halatang umiiwas.
Sabagay hindi ko naman ito masisisi sa laki ba naman ng kasalanan na nagawa ng anak ko dito.
Tinanong kopa ang cashier bago kame tuluyang umalis,Ewan koba na cu curious parin ako kung sino ang ama ng bata.
Napagtanto ko kasing kamukhang kamukha ito ni Xander noong ito'y nasa pitong taong gulang pa lamang.
Subalit wala itong alam sa ama ng bata at ang isa pang nagpamangha sa akin ng malaman kong owner pala ito ng mismong restaurant na kinainan namin.
Nakakabilib sino ba naman ang mag aakala.( " ALA ALA " )
Isang gabi nagising ako sa malakas na katok mula sa labas ng aking kwarto bumangon ako't binuksan ang Lampshade na nasa may uluhan ko tiningnan kopa ang orasang nakapatong sa maliit na mesita sa may paanan ko mag aalas kwatro palang ng madaling araw.
Ang aga naman nitong nambubulabog na ito imposibleng si Albert bukas pa ang uwi nun.Medyo inis na bulong ko.
Pero baka napaaga atah ng uwi.Biglang bawi ko sa unang sinabi.
Tumayo na ako't sinuot ang tsinelas bago tuluyang tinungo ang pintoan,
binuksan ko mona ang ilaw bago tinanggal ang double lock,
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat iba sa inaasahan ko ang napagbuksan ko.
Nakaramdam ako ng tuwa pagkakita dito ngunit kaagad din namang napawi ng mapansin ang malungkot nitong mukha,
Nakakaawa ang hitsura nito habang nakatingin saakin at tahimik na umiiyak,
Nakaramdam ako ng lungkot at awa dito ngayon kolang ito nakitang ganito.Xander anak!Anong problema?Bakit ka umiiyak?May nangyari ba?Nabugbog kaba?May masakit ba sayo?Puno ng pag aalalang mga tanong ko dito habang hawak ito sa pisngi.
Sa halip na sumagot ay umiling iling lamang ito habang dahan dahang humakbang papalapit sakin sabay yumakap ng mahigpit.
Mommy!Diko sinasadya!diko sinasadya!Saad nitong sising sisi sa nagawa.
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
General FictionIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...