Nakakainis talaga ang mokong na iyon! Akala niya siguro ay madadala niya ako sa mga paganyan niya. Buo na ang desisyon kong makipaghiwalay na sa kanya at wala na siyang magagawa doon.
Galit kong pinindot yung playlist niya dahil medyo malayo pa ang condo ko.
Napatigil ako nang marinig ko ang kantang matagal ko nang hindi napapakinggan.Swaying room as the music starts,
Strangers making the most of the dark.
Two by two their bodies become one...Kung pinaglalaruan ka nga talaga ng tadhana. Napatingin ako sa kanya at nakangiti ito habang nagmamaneho. Lakas mang-asar ng gago. I tried to press the next button but he stop me by flicking my hand.
"Gusto mo talagang inaasar ako, Donny?" galit na singhal ko sa kanya.
Napatawa siya.
"I didn't intend to. Favorite song ko yan." sabi niya. Pinaningkitan ko siya. Akala niya maloloko niya ako?"Kailan mo lang naging favorite song yan?" mataray na pagtatanong ko.
"When you sang for me in front of so many people." he simply answered. Napatahimik ako at hindi na nagsalita. Aba! Naaalala pa niya pala iyon. Sumandal ako sa headboard at pumikit nalang habang nakikinig sa kanta.
Sinong mag-aakalang ang kantang halos isumpa ko na ay naririnig ko ngayon at ang mas masaklap pa ay kasama ko ang taong dahilan kung bakit ayoko nang marinig ang kantang ito?
Hindi ko namamalayang nakangiti na ako at nakafocus lang ang sarili ko sa kanta. Ni hindi ko nga din pinansin ang cellphone kong kanina pa nagba-vibrate na dahil sa tawag.
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagtapik ng mahina sa akin. Halos magising ang diwa ko nang mapagtanto kong si Donny pala talaga ang kasama ko at hindi panaginip ang lahat.
Without a word, I went out on his car. Dali-dali akong naglakad patungo sa kung nasaan ang condo ko.
"Donny!" gulat na bulas ko nang makita ko siya sa tabi ko. He's following me!
"I just want to make sure you're safe." patay-malisyang anito.
"Nahihibang ka na ba? Umuwi kana nga." pagtataboy ko pero parang hindi niya lang ako narinig.
Parang wala itong narinig at diretso lang itong pumindot sa elevator. Pinanood ko lamang siya habang nakakrus ang mga braso ko.
Nang makapasok kami sa elevator, pinindot niya ang floor kung saan ako nakatira. Bahagya akong nagulat doon.
"How did you---"
"Masakit pa ba ang ulo mo?" biglang tanong niya at umiwas ng tingin. He looks guilty. Aha! Stalker ko pala ang gago.
"You're creeping me out. Paano mo nalaman kung saang floor ako? Imposible naman na hinulaan mo lang, Donato." pag-aakusa ko.
"I just wanted to make sure that you live well here. Minsan lang naman." sagot niya. Pinaningkitan ko lang siya.
"Hah! Minsan lang? Okay, fine! I am always feeling well even without you kaya pwede ba tigilan mo na ako. " sabi ko.
The pain is visible on his eyes. "You know I can't do that." sagot niya.
Nang makarating kami sa floor na iyon, diretso lang akong naglakad patungo sa condo ko. Halos takpan ko na ang button ng password habang pinipindot ko ito para lang hindi makita ng lalaking nasa likod ko. Bago ko pa man tuluyang isara ang pintuan, hinarap ko muna siya.
"Thank you. You may go now." pagtataboy ko. He just shrugged his shoulder. I rolled my eyes and shut the door closed. Akala niya siguro ay papapasukin ko siya dito.
YOU ARE READING
Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)
RomanceThe story is about the two persons coming from the different heart breaks. They meet and decided to help each others mend what is broken. Will their hearts survive or will they create another love and more heart breaks together?