My Poetry

17 2 0
                                    

#hope you like it😉

"Mga pangakong napako"
By: truly yours

Pangako....

Isang salitang madaling sabihin peru mahirap panindigan.

Isang salitang madaling paniwalaan peru di pinapatunayan.

Isang salitang maraming naniniwala at umaasa peru palagi lang nasasaktan at nauuwing luhaan.

Isang salitang maraming nawasak na mga puso
na umaasang totoo ang kanilang pinangako.

Umaasang hindi lamang panandalian na pangakong panghahawakan kundi panghabang buhay.

Na kahit marami mang mga pagsubok na mararanasan ay tutuparin parin ang mga pangako.

Mga pangakong panghahawakan
para mas mapanaig ang pagmamahalan.

na di dapat hahantong sa hiwalayan.

Pangakong masarap pakinggan peru hinde isinasapuso.

Pangakong masarap panghawakan na kahit masaktan man ay tatanggapin

isusugal ang puso
para sa mga pangakong iyan.

Pangakong walang proweba.

Pangakong walang
katuturan.
Pangakong walang destinasyon na basta na lang binibitawan.

Mga pangakong nakakaduwag sa isang taong nagmamahal lang naman.

Pangakong nakakawala ng tiwala.

At mas lalong lalo na ang mga pangakong nakakadurog ng puso.

Mga pangako mong napako nah..

Mga pangako mong wla nang saysay ngayun dahil mas pinili mong tapusin kaysa ayusin.

Mga pangako mong napako dahil lang sa hinde pagkakaintindihan.

Isang walang kwentang dahilan upang mabasag ang mga pangako.

Mga pangako mong sa iba mo na pinapatunayan ngayun.

......

Oo tanga ako!..

Tanggap ko nah na nagpakatanga ako sa isang walang kwentang tao.

Na Mali ako...

Na mali ang inaakala ko...

na inaakala na iba ka sa lahat ng taong nakilala ko.
At mas lamang ka dito sa puso ko.

Na inakala kong ganon rin ka importanti ako sa buhay mo!

Na mas mapapaligaya mo ako at liligaya ako sa piling mo!

Sinubukan kong mag seryoso sa panahong ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Mga pangakong napako"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon