CHAPTER ELEVEN

173 23 0
                                    

" ALEXANDER'S POV "

Dalawang linggo na pala simula ng huling pagkikita namin ng anak ko at ng babaeng pinakamamahal ko,napakahirap pero kailangan kong kayanin toh para sa kapatawaran ni Claire na hinihingi ko.
Dito ko piniling magpunta sa hongkong  kung saan narito ako sa luma naming bahay.
Ngayon kolang narealize na mahirap pala ang mag isa,pero bakit diko alintana ang ganitong pakiramsam noong mga panahong nagrebelde pa ako sa mga magulang ko dahil lang sa mga walang kwenta kong dahilan.
Siguro dahil narin sa tumatanda na ako,pero hindi eh!
Dati naman wala akong takot na nararamdaman,pero simula ng dumating si Claire sa buhay ko at mangyari ang gabing iyon ay nagsimula na akong magbago.
Nakakaramdam na ako ng takot at samot saring emosyon na dati'y wala lang saakin.
Napahilamos ako ng mukha sa isiping iyon,sobrang miss kona talaga ang mag ina ko.
Nasa ganoong ayos ako ng mag ring ang phone na nasa may paanan ko,kaagad kong nakita sa screen ang pangalan ni mommy.

Ano na naman kaya kailangan ni mommy?
Ano na naman kaya sasabihin niya?
Malamang mamimilit na naman itong bumalik ako sa pilipinas,Hays!Sa isip ko.

Humugot na mona ako ng isang malalim na buntong hininga bago sinagot ang tawag.

Yes,mom?Wala sa loob na sagot ko.

Xander anak umuwi kana nga dito!
walang mangyayari sainyo kapag nagpatuloy kang ganyan,hindi naman mawawala ang galit ni Claire sayo dahil sa paglayo layo mong yan,
Oo mawawala nga ang galit niya ngayon pero babalik din iyon oras na magkita kayo ulit!Panenermon na naman nito sakin.

Mom kahit nandyan ako hindi niya naman ako magawang kausapin mas lalo lang siyang nagagalit saakin pag nakikita ako kaya mabuti na siguro ang ganito mas madali niya pa akong mapapatawad,baka sakaling paglipas ng panahon bigla nalang mawala yung galit niya sakin.Sagot ko naman.

Yan ang hirap sayong bata ka lagi mong inuuna ang takot mo keysa masulusyunan ng agaran ang problemang kinakaharap mo,wala kang mapapala dyan sa paglayo layo mong yan,ibig sabihin lang niyan duwag ka,dika marunong lumaban para sa pamilya mo,bahala ka kung ayaw mo sundin ang mga sinasabi ko,gusto kolang naman makatulong at gusto korin kayo mabuo ng pamilya mo.
Oh siya sigeh na bye may kliyente ako ngayon,basta pag isipan mong mabuti ang mga sinabi ko.Galit paring saad nito bago ibinaba ang tawag.

Napakamot ako sa ulo dahil naguguluhan na naman ako dahil sa mga sinabing iyon ni Mommy.

Grrrrrrrrrrr!!!Ginulo ko ang sariling buhok dahil sa inis,diko alam ang gagawin ko lalo akong naguguluhan.

MIGUEL'S RESTAURANT

Busy si Claire sa pag aasikaso sa ibang costumer ng restaurant niya.
Naging mas maayos na ang pakiramdam niya ngayon dahil hindi na sila ginagambala ni Xander ngunit ang ikinababahala niya sa ngayon ay ang unti unting paglayo ng loob ni Miguel sa kanya.
Simula kasi ng gabing huli silang magkita mag ama ay hindi na siya nito magawang kausapin ng maayos at dina ito namimilit sumama sa kanya tuwing aalis siya,natatakot siya na baka mas lumalim ang tampo nito sa kanya.

Ano ba kasing pinakain ng Xander na iyon sa anak ko at nagkaganun.Sa isip niyang inis ang naramdaman kay Xander.

Nabalik siya sa kamalayan ng may humawak sa balikat niya.

Ma'am claire ayos lang poba kayo?Tanong ni Jane cook niya ng mapansin siyang tulala.

Saka niya naman naalalanag peprepared pala siya ng pagkain para sa table number 07 na inakopa niyang e service.
Kanina pa ang mga ito naghihintay.
Kaagad niya namang binilisan ang paglalagay ng order at dinala kaagad iyon sa table number 07.

Naku ma'am sir sorry po kung medyo natagalan.Paumanhin niya sa mga ito.

It's ok.Nakangiting sagot ng lalaki.

My Secret Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon