CHAPTER EIGHTEN

146 16 0
                                    


NAIA AIRORT

" XANDER'S POV "

Kasalukuyan akong nakasakay sa eroplano at maya maya'y lilipad na ako patungong hongkong,hindi para makalimot kundi para magtrabaho para sa magiging kinabukasan ng anak ko at para narin sa kapatawaran ni Claire.
Tapos na ang paglilibot ko ng maynila nitong mga nakaraang mga araw at sa paglilibot ko ay may nadiskubre ako,na lalo pang nagtulak sakin para gawin ito.
Sa halip ipinagpapa salamat ko parin na nakilala ko ang babaeng nagbigay liwanag ng dating madilim kong buhay.

Nauna na ang mga magulang ko sa hongkong kahapon,doon na mona sila at sasamahan ako.
Nakakatawa nga eh,bakit kailangan pa nila akong samahan.
Keso raw namiss narin nila ang HK.
Hays!Mga magulang ko talaga masyado kung mag alala,alam ko naman na kaya lang sila sumama eh para bantayan ako at damayan sa pagsubok na kinakaharap ko ngayon.

TWO WEEKS LATER    ' RAMIREZ HOUSE '

Magdadalawang buwan na ang tiyan ni Claire at medyo halata na iyon kaya marami na ang nakakapansin,
Marami ang nagsasabi na baka babae daw ang magiging anak niya dahil napaka blooming niya ngayon.

Samantala,araw ng linggo katatapos lang nilang kumain ng tanghalian habang nasa lanai ay di mapigilang makaramdam ng excitement ni Claire.

Matagal din bago niya napagdesisyonan ang planong ipaalam kay Xander ang kalagayan niya at sigurado na siya sa gagawin niya ngayon.

KINABUKASAN...Maaga palang ay gising na si Claire para maghanda sa byahe,tulog pa si Miguel kaya hindi na niya nagawang magpaalam dito.

Mag iingat ka sa byahe.Paalala ng kanyang ina.

Opo nay,salamat po,kayo na ho mona bahala kay Miguel ha!Bilin niya dito sa anak.

Oo sige na.Mas na eexcite pang pagpapaalis nito sa kanya nginitian niya naman ng pagka tamis tamis ito.

Halos apat na oras din ang tinagal ng byahe,sa wakas narating niya na ang bahay ng mga Montenegro.
Kaagad siyang nagdoorbell at hinanda ang sarili,bumukas ang maliit na pinto ng gate at iniluwa noon ang isang maid.

Sino po sila?
Ano pong kailangan nila?Tanong nito.

Ahhh,anjan poba si Xander may sasabihin lang po sana akong importante.Nakangiting saad niya.

Naku,wala po si sir dito eh!
Noong nakaraang linggo pa po.Sagot nito.

Napawi ang ngiti niya sa sinabi ng kaharap.

Ahm,asaan po siya?Nalungkot na tanong niya.

Lumipad na po patungong hongkong at doon na po siya titira.Sagot nito.

Mas lalo siyang nalulungkot sa nalaman.

Eh,si Mr and Mrs Montenegro po anjan poba?Baka sakaling tanong ulit niya.

Wala rin po nasa hongkong rin po.Sagot muli nito.

Ah ganun ba?Sige salamat!Paalam niya dito.

Nanghihinang naglakad siya patungo sa loob ng sasakyan.
Paano niya pa masasabi ngayon ang tungkol sa kalagayan niya.

Mabigat ang loob na tinahak muli ni Claire ang daan papasok ng bahay.

Oh,Claire anjan kana pala?kumusta?Tuwang tuwa pang tanong ng ina ng salubungin siya.

Hindi siya sumagot,nanghihina parin siya at ayaw bumukas ng bibig niya.
Napakunot noo biglang lumapit ito sa kanya at inalalayan siyang maupo sa sofa.

Bakit ganyan ang hitsura mo?Anong nangyari?Nag alala biglang tanong nito.

Nay,wala na po si Xander.Unang saad niya.

My Secret Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon