UNKNOWN PLACE" CLAIRE'S POV "
Naligo na mona ako dahil pakiramdam ko ay ang baho at ang lagkit kona,pumasok ako sa banyo para linisin ang sarili.
Pagkatapos ng trenta minuto ay lumabas na ako ng cr habang sinusuklay ang basang buhok nakatapat iyon sa electricfan para madaling matuyo.
Nasa ganoong ayos ako ng maalala ang mga anak ko.
Minabuti ko ang hanapin ang phone ko na nilagay ko sa bulsa ng short ko.
Kaagad akong nagtungo ng cr at hinanap ang short kong hinubad ko kanina.
Dinukot ko ang mga bulsa niyon ngunit wala akong nakapang cellphone sa mga bulsa.
Lumabas ako at hinanap si Dave para sa kanya nalang ako makitawag.
Hinanap ko ito sa sala at buti nalang ay nakita ko kaagad ito na nakaupo habang umiinom ng alak.
Lumapit ako dito at naupo sa tabi nito,mukhang malungkot ito,marahil ay dahil parin sa nangyari kay Sheryl.Magiging ok rin siya Dave.Tukoy ko kay Sheryl.Nakangiti kong saad sabay hinawakan ito sa balikat bilang pagdamay.
Ngumiti naman ito.
Salamat Claire!Alam mo hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka.Medyo naiiyak na sagot nito.
Ano kaba!Ano pa't naging kaibigan mo ako!Natatawang sagot ko.
Natigilan ako ng umusog ito papalapit sakin sabay niyakap ako.
Pinagalitan ko ng lihim ang sarili dahil iba na naman ang iniisip ko sa ginawa nito.
Minabuti ko ang gumanti sa mga yakap nito.
Siniksik pang lalo nito ang sarili at inihilig ang ulo banda sa may leeg ko,hinayaan ko naman ito alam kong kailangan niya ng karamay ngayon.
Naramdaman ko ang pag angat ng mukha nito at nakangiting tiningnan ko naman ito.
Tinitigan ako nito na ikinailang ko kaya nag iwas ako ng tingin.
Naramdaman ko ang isang kamay nito na umakyat sa pisngi ko at ang isang kamay nito ay sa likod ng batok ko,parang alam kona ang susunod na mangyayari kaya bago pa magkalapit ang mga mukha namin ay ako na mismo ang umiwas,tumayo na ako't nagpaalam dito.
Hindi kona tuloy nasabi ang pakay ko,pumasok na muli ako sa kwarto at inayos na ang sarili bago nahiga.
Habang nakahiga ay iniisip ko ang mga anak ko.kumusta na kaya sila ngayon?Malamang nag aalala na yung mga yun sakin!Sa isip kong pilit binabagabag.
Gusto ko silang kamustahin pero wala akong cellphone na pwedeng magamit para tawagan sila,kay Dave naman nahihiya na akong lumapit dito dahil sa nangyari kani kanina lang.
Ang tagal konang nakahiga siguro isang oras na pero hindi parin ako makatulog,Gusto ko talagang tawagan si nanay para kumustahin ang mga bata.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at humugot ng isang malalim na buntong hininga.
Tumayo na ako't nagtungo sa pintoan,kailangan ko talagang manghiram ng phone kay Dave.
Akmang bubuksan kona sana ang pinto ng kusang bumukas iyon.
Pumasok naman si Dave na halatang lasing na lasing na sa hitsura lang nito.
Ang lagkit ng mga tingin nito saakin.Oh,Dave ikaw pala.Saad ko at hinabol na ang gusto kong sabihin kanina pa.
ahm baka pwede akong makahiram ng phone mo!
Kukumustahin kolang sana mga bata diko kasi alam kung saan napunta yung phone ko.Nakangiti kong saad ngunit kinakabahan.Ngunit imbis na sumagot ay nanatiling Nakatingin lang ito sakin at dahan dahang lumapit.
Napaatras naman ako dahil malapit na dito banda sakin,nagpatuloy pa ang pag atras ko dahil palapit ito ng palapit sakin.Ahm,Dave,Ayos kalang ba?Diko natiis na itanong dito.
Subalit nagulat ako ng bigla itong sumigaw.
Sa tingin moba maayos ako?Matagal na akong nagtitiis sayo Claire.
Ginawa ko ang lahat para maging mabuti sayo,para mahalin morin ako,pero ano?palagi mo nalang akong binabalewala,sinasayang molang ang pagmamahal ko sayo!
Ano bang nakita mo dun sa sira ulong Xander na iyon?Matapos ka niyang gawan ng masama,minamahal mo parin siya,samantalang ako na napakabuti ko sayo hindi mo manlang ako magawang mahalin pabalik.Naiiyak sa galit nitong saad.
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
Fiksi UmumIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...