TWENTY SEVEN

159 19 0
                                    


   " CLAIRE'S POV "

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng makalabas ako ng hospital.
Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon at inaalagaan ang mga anak ko.
Samantalang si Xander ay nasa Hospital parin.
Naging successful naman ang operasyon nito subalit hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising.Nalulungkot ako para dito.

Matapos ang tanghalian ay nagpaalam ako kay nanay na pupunta ako ng maynila para dalawin si Xander sa hospital.
Pumayag naman kaagad si nanay at nagpresentang siya na mona ang mag aalaga sa kanyang mga apo.
Umalis din naman kaagad ako ng oras na iyon at tinahak ang daan patungong manila.

SAINT LUKE'S MEDICAL

Pagkapasok ng hospital ay kaagad akong dumiretso sa counter at nagtanong kong saang room naka admit
si Xander,sinabi naman kaagad ng nurse na napagtanungan k at nagpasalamat pa bago tuluyang umalis upang tunguhin ang elevator.
Kabadong kabado ako habang tinatahak ang daan nasa 3rd floor ito.
Huminto ako sa isang pinto kung saan nakalagay sa taas niyon ang numerong sinabi ng nurse kanina.
Bumuntong hininga mona ako bago mahinang kumatok at bumukas naman kaagad ang pinto at iniluwa ang nakangiting mommy ni Xander.

Claire,ikaw pala!Halika pasok ka.Masayang paanyaya nito pagkakita sakin.

Salamat po.Nakangiting saad ko rito bago tuluyang pumasok.

Nakita ko naman kaagad ang nakahigang si Xander.

Ahm..kumusta po siya?Tanong ko dito.

Sabi ng doktor stable naman na daw ang lagay niya,ang kailangan nalang nating gawin ay ang maghintay na magising siya.Sagot naman nito.

Mabuti naman po kung ganun.Nakangiting saad ko.

Matapos ang pag uusap ay humingi ito ng pabor at nagpaalam itong uuwi mona dahil may kukunin lang saglit sa kanilanh bahay.
Sumang ayon naman kaagad ako at sinabing ako na mona ang bahalang magbantay sa wala paring malay na si Xander.

Pagkaalis nito ay tiningnan ko ang buong paligid bago naupo sa upuang nasa may paanan ni Xander.
Nakangiti habang pinagmamasdan ito at natukso akong hawiin ang medyo may kahabaan ng buhok nito na tumabing sa kanyang mukha.

Napakagwapo parin ng loko kahit tulog.Nangingiting sa isip ko.

Nabaling ang tingin ko sa swero na nakakabit dito,normal naman ang patak niyon.
Bumalik muli ang atensyon ko dito at hinawakan ito sa isang kamay na malapit sakin,pinisil pisil ko iyon bago nagsalita.

Hoy!Mr.Montenegro,gumising kana nga diyan,dipa ako tapos maningil sayo,kulang pa ang pagligtas mo sa buhay ko na kabayaran sa lahat ng kasalanang ginawa mo sakin,may babayaran kapa sakin,samin ng mga anak mo.Taray tarayan kunwaring saad ko rito.

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko ang paggalaw ng kamay nitong hawak hawak ko.

Natutuwang napatayo ako mula sa pagkaka upo at hinaplos ito sa mukha.

Xander,Gising kana ba?Naiiyak sa tuwa na saad ko.

Dahan dahang gumalaw ang ulo nito at dahan dahan ding nagdilat ng mga mata.

Claire!Unang sambit nito.

Oo ako nga Xander.Naluhang sagot ko.

Kumusta kana?
Ok kana ba?
May masakit ba sayo?Sunod sunod na tanong ko rito.

Huh?bakit ano bang nangyari?Takang tanong nito.

Andito ka sa hospital,nabaril ka ni Dave sa tagiliran dahil sa pagliligtas mo sakin,malamang kung hindi ka dumating baka hanggang ngayon bihag parin ako ni Dave.Paliwanag ko rito.

My Secret Love [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon