" CLAIRE'S POV "it's been a week since ng huling pagkikita namin ni Xander ng nasa hospital pa ito.
Nagpapasalamat ako at ligtas na ito ngayon,atleast komportable na ang pakiramdam ko at dina kailangan pang mag alala.Kumusta na kaya ang kumag na iyon ngayon?Nakapout ako habang iniisip ito.
Bakit hindi niya manlang dinadalaw mga anak niya.Sa isip kong medyo nagtatampo.
Napatayo ako sa isiping iyon,hindi pa pala alam ni Xander ang tungkol kay Xandra,sigurado akong matutuwa siya kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Nangingiti ako habang iniisip iyon.
Total hindi pa naman ako nakakapagpasalamat ng maayos sa kanya,mabuti pa sigurong puntahan kona ito ngayon at mainam narin siguro kong isabay kona ring sabihin ang tungkol kay Xandra dahil may karapatan siyang malaman dahil siya ang ama nito.Umaga iyon at kahahatid kolang kay Miguel sa school,pauwi na sana ako,subalit iniliko ko sa u turn ang sasakyan at tinahak ang daan patungong maynila.
Wala na akong dapat ipangamba,kahit pa may girlfriend pa siya,aagawin ko siya sa girlfriend niya dahil mas kailangan siya ng mga anak namin.Mataray na saad ng isip ko.
Tinawagan ko naman si nanay at ipinaalam dito ang plano ko,masaya naman ito sa naging desisyon ko.
MONTENEGRO'S HOUSE
Nag doorbell ako at maya maya'y may maid na lumabas.
Sino po sila?Magalang na tanong nito.
Ahhh,anjan poba si Xander?Tanong ko dito.
Wala po eh,nasa office po ma'am.Sagot nito.
Ahhh ok sigeh po,salamat!Nakangiti kong saad dito bago muling bumalik ng sasakyan.
Hinila ko na ang gear shift sabay inikot ko ang manebela para magtungo sa opisina kung saan ito nagtatrabaho.
Natanaw kona ang isang napakalaking building ng Montenegro's corp.
Naghanap mona ako ng maaaring pagparkingan at sa wakas may bakante.
Pagkapark ay bumaba na ako at nagtungo sa loob,tinanong ko kaagad ang opisina ni Xander at sinabi naman kaagad ng isang babae na nasa counter.
Tinungo ko naman kaagad ang elevator,pagkabukas ay kaagad akong nagtungo kung saan naroon ang opisina nito.Huminto ako sa isang pinto at nag ipon ng lakas ng loob,
Nang mapakalma ang sarili ay gumawa ako ng mahinang kumatok.
Napalingon ako bigla ng may magsalitang babae sa paanan ko,medyo nagulat pa ako dito dahil wala naman ito kanina.Yes,ma'am?ano pong kailangan nila?Magalang na tanong nito.
Kailangan kolang po makausap si Xander,may importante lang sana akong sasabihin sa kanya.Sagot ko naman.
Ahm...Ano pong pangalan nila,para po ma inform kopo si sir.Tanong uli nito.
Ah,nga pala,personal secretary po ako ni Mr.Montenegro at bago po kayo makapasok kailangan kopo monang ipaalam sa kanya kung sino po ang mga nagiging bisita niya para malaman po natin kung papapasukin niya po kayo o hindi.Mahaba ngunit magalang saad nito.
Nagpakilala naman kaagad ako at nagtungo ito sa desk nito malapit lang sa pintuan ng opisina ni Xander at maya maya'y may kausap na nga ito.
Napakunot noo naman ako sa sunod na narinig.Hello sir, hello po,hello.Tila nawalan ng signal.
Nakatingin naman ako dito at napatingin sa kinaroroonan ko.
Akmang tatayo na ito ng biglang nalang may humila sakin papasok,nagulat ako sa ginawa nito.Pagkapasok ay sinara naman din kaagad nito ang pinto.
Nakakagulat ka naman,bat ba bigla ka nalang nanghihila.Inis na saad ko kay Xander dahil sa ginawa nito.
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
Ficción GeneralIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...