MONTENEGRO'S HOUSEIlang araw ng napapansin ng mga magulang ni Xander na lagi siyangxs nakangiti,kaya naman di napigilan ni Olivia na tanungin na ang anak habang kumakain sila ng almusal.
Anak!Napapansin namin ng Daddy mong lagi kang nakangiti.
Ano bang meron?Nagtatakang tanong nito.Secret!Nakakaloka ang ngiting sagot niya.
Naku,may pa secret secret kapang nalalaman jan!
Siguro may nangyaring di namin alam noh?Nagsimula kalang namang magkaganyan ng dumalaw si Claire sa office at sinamahan mo siya pabalik sa pampangga.
Nagtataka pero nakangiting tanong ni Olivia.Malalaman niyo po later.Nakakalokong ngiti niyang saad sa mga ito.
Napatawa naman ng mahina ang kanyang ama at nagkatinginan pa ang mga ito.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam naman kaagad siya sa mga itong may pupuntahan lang.
" CLAIRE'S POV "
Matapos ang almusal ay inihanda na ni Claire ang mga anak at sarili para sa lakad nila.
Maaga palang ay pinababa na ni Claire ang mga maleta kila manang,kagabi pa siya nag impake ng mga kakailanganang gamit nilang tatlo para sa isang linggong trip.
Excited naman si Miguel habang binibihisan ko ng damit panglakad.I'm so excited Mommy.Masayang saad nito.
Mee too baby.Sagot ko at hinalikan ito sa noo.
Bumaba na kame at nakita ko sila nanay tatay at mga kapatid kong nag aabang sa pagdating ng sundo namin.
Kinuha mona ni nanay si Xandra at nilaro laro ito.
Mag iingat kayo lagi doon ha!
Enjoy your trip,balitaan mo nalang si lola pagdating niyo.Saad nito kay baby Xandra na ikinatawa ko.Kasunod ay nagsalita si tatay.
Masaya kame para sainyo anak!
Sa wakas kompleto na ang pamilya mo tsaka nakikita ko namang mabuting tao siya at kaya niya kayong alagaan.Nakangiting saad ni tatay sakin.Opo tay!salamat po.Naiiyak na sagot ko.
Basta ha,tumawag o mag text manlang kayo pag may time.Saad ni nanay.
Pssst... Ano kaba naman Gloria,hayaan mona muna silang mag enjoy na pamilya,ngayon pa ngalang sila makakapag bonding makikihati kapa.Agaw naman ni tatay.
Oo na!Kunwaring nagtampong saad ni nanay.
Nagpaalam narin ang mga kapatid ko kay Miguel at Xandra.
Maya maya pa ay dumating na ang sundo namin.Bumaba ito ng sasakyan at pumasok na sa loob,kaagad namang nagmano ito sa mga magulang ko binati rin nito ang mga kapatid ko at nakipag apir pa kay bunso.
Tumulong naman si tatay sa pagpapasok ng mga bagahe sa loob ng sasakyan,Kasunod ay nagpaalam na kameng aalis.
Pumasok na kame sa loob ng sasakyan sa may passenger sit nina Miguel habang karga ko naman si Xandra,bawal kasi sa front sit ang mga bata.
Naiwan saglit si Xander sa labas at nakita ko sa bintana na kausap nito ang mga magulang ko,nakipagkamay pa ito kay tatay at kumaway pa sa mga kapatid ko bago tuluyang pumasok ng sasakyan.Are you guys ready?Masayang tanong nito pagkapasok.
Yes Daddy!Halos magkasabay na saad namin ni Miguel na naging tawanan.
Ok,let's go.Saad nitong sinimulan na ang pagmamaneho.
XANDER'S POV
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayaring ito ngayon dahil kasama kona ang buo kong pamilya
ALAALA
Habang nasa byahe ay diko mapigilang mangiti dahil kasama ko ngayon si Claire pauwi ng pampangga.
Nauna kameng nagtungo kung saan nag aaral si Miguel,mag alas dose na nun at labasan na ng klase nito.
Limang minuto ang hinintay namin bago tumunog ang bell,
Pa isa isa ng naglabasan ang mga batang estudyante at maya maya'y nakita na namin si Miguel na naglalakad papalapit samin,kasabay nitong naglalakad patungo sa waiting shed ang mga kaibigan.
Pumasok na kame abalang abala ito sa pakikipag usap sa mga kaibigan kaya tinawag kona ito,napatingin naman kaagad ito sakin.
Natigilan ito saglit na napalitan din ng saya ng makabawi.Daddy!Tuwang tuwa na sigaw nito sabay tumakbo't mahigpit na yumakap sakin pagkalapit.
You're here Daddy!Masayang saad nito ng bumitaw sa pagkakayakap sakin.
Is he your Dad?Tanong ng mga kaklase nito.
Yes he is!Kitang kita sa mukha ang sayang sagot nito.
Kasunod ay dumiretso na kame sa bahay.
Nagulat pa ang mga magulang ni Claire pagkakita samin,nakahawak si Miguel sa bewang ko nasa likod naman nito ang isang kamay ko at habang si Claire ay nasa kabila't nakahawak sa braso ko habang naglalakad kame papasok.Hindi kaagad nakapagsalita ang mga ito kaya nauna na akong bumati,bumitaw mona sina Miguel at Claire sakin bago ako lumapit ako sa mga ito.
Magandang tanghali po.Bati ko sabay mano sa mga ito.
Kaawaan ka ng diyos anak.Saad ng mga ito.
Medyo gulat parin ang mga ito at niyaya na akong pumasok sa loob.
Doon narin ako kumain ng tanghalian.
Napakasaya talaga ng magpapamilyang ito.
Pagkatapos ng tanghalian ay kinausap ako ng tatay ni Claire sa lanai habang nakaupo si Miguel sa hita ko at si Claire naman ay kinakausap rin ng kanyang ina sa sala.Hindi ko maipalawanag ang tuwang nadarama ko habang nagmamaneho.
Mag a ala ona na ng makarating kame sa bahay.
Pinatay kona ang makina ng sasakyan pagkapasok ng gate.
Nauna na akong bumaba at pinag buksan ang mag iina ko,naunang bumaba si Miguel.Yes,finally were here,I'm so excited to see Lolo and Lola again.Tuwang tuwa na saad nito pagkababa.
Nagkatawanan pa kame ni Claire sa inasal ni Miguel.
Kasunod ay kinuha ko si baby Xandra kay Claire at inalalayan itong makalabas ng sasakyan.
Sabay sabay na pumasok na kame,nanatiling karga ko si Xandra at sakto namang bumababa sila mommy at daddy mula sa taas.Lolo,Lola!Masayang saad ni Miguel na umagaw sa atensyon ng mga ito.
Miguel apo.Tuwang tuwa na saad ni mommy at sinalubong ito pagkababa ng hagdan.
Yumakap Kaagad ito sa Lola at sa Lolo.
Gulat na gulat naman ang mukha ni mommy ng lumapit samin.
Totoo ba ito?paanong?Hindi makapaniwalang na e saad ni mommy habang palipat lipat ang tingin saamin.
Yes mom,totoo po ito!Nakangiting sagot ko at napasulyap sa noo'y natatawang si Claire dahil sa naging reaksyon ng mga ito.
END OF CHAPTER TWENTY NINE
BINABASA MO ANG
My Secret Love [ COMPLETED ]
General FictionIsa lamang akong ordinaryong babae na namuhay galing sa isang mahirap na pamilya but my life change simula ng makilala ko ang lalaking sumira ng buhay ko. Meet Alexander Montenegro a 29 year old spoiled brat only son of Montenegro's. Napakasama ng u...