Verse: "Halikayo at tayo'y magpaliwanagan," sabi ni Yahweh. "Gaano man kapula ang inyong kasalanan, kayo'y aking papaputiin, tulad ng yelo o bulak."
-Isaiah 1:18 MBBMessage:
Sa napakaraming panahon na ako'y nahulog sa kasalanan at dahil sa aking guilt feeling ay parati kong inilalayo ang aking sarili sa Panginoon dahil iniisip kong hindi ako karapat-dapat sa kanya. Ngunit at the end of the day I will realize na wala rin naman akong ibang pupuntahan kundi sa Kanyang mga bisig lamang. Hindi ko lubos maunawaan ang Kanyang dakilang pag-ibig para sa akin. Ako na ang lumayo at gumawa ng kasalanan but still Siya pa rin palagi ang nag-iinitiate ng unang hakbang upang magkaayos kami. Palagi niya akong hinihintay na nagbalikloob at umamin sa Kanya. Sa kabila ng lahat, He always want to hear me out.Salamat Panginoon dahil gaano man kalaki, karami at kabigat ang kasalanang aking nagawa still ako'y iyong pinapatawad at binibigyan ng pagkakataong magbago. Ikaw ang Diyos na kahit anong gawin ko ang iyong pagmamahal para sa akin ay 'di kailanman magbabago. Patuloy mo po akong nililinis at ginagawang panibagong nilalang. Nawa ay hindi masayang ang pagkakataong ipinagkaloob mo sa akin.
Points to Ponder:
*Hindi nagbabago ang pagmamahal ng Diyos sa atin.
*Handa Niya tayong patawarin kung magpakumbaba tayo sa Kanya.
*Anuman ang iyong nakaraan, kaya niyang pawiin at bigyan ka ng panibagong buhay.
YOU ARE READING
Pursuing JESUS
SpiritualThis book is all about encouragements for those Christians who are pursuing Jesus. May the content of this book help you to continue your journey and finish the race. Marami tayong pagdadaanan sa ating paglalakbay ngunit sama-sama tayong magpapatulo...