This I Promise You

481 21 33
                                    


Masakit pala kapag nagsabi ka ng "Mahal Kita" sa isang taong mahal mo kahit hindi ito patanong pero sobrang sakit kapag walang sagot.

Ang reply sayo "Hahaha", "Okay", "Thank you" at marami pa. Masakit na para kang paulit-ulit na pinapatay sa sinabi niya.




Isang araw, bago ang Christmas. Lahat ng tao nagsasaya- kumakanta, sumasayaw, naglalaro at iba pa na para bang walang problema. Christmas, it's the season to be jolly. Pero pinili ko ang masaktan at umiyak sa tabi habang nakikinig sa mga love songs. Ako ay umiiyak dahil sa nalaman ko.




BFF ang tawag ko sa kanya. Nakilala ko siya dito sa Wattpad. KUYA ang una kong tawag sa kanya..pero nag-iba na ngayon. Nakakausap ko siya araw-araw hanggang gabi dahil sa Best Friend ko siya. Walang araw na hindi kami nagkakausap. May "Hi", "Hello", "Good morning", "Goodnight", palitan ng larawan at iba pang kulitan. Habang patagal ng patagal ang pag-uusap namin, nahulog na ako sa kanya dahil sa mabait, matalino, may pagkaseryoso at totoo siya kaya nagustuhan ko.




At nagsabi ako sa kanya ng "Mahal Kita" pero sabi nya "Okay"at "Sige usap na tayo","Bigay ka ng topic". Nagtanong ako. "Mahal mo ba siya"? Oo o hindi lang naman ang isasagot mo. Ang reply niya ay "I don't know." Paulit-ulit kong tanong sa kanya ito pero ay "Ayoko, Ayoko, Ayoko, at "Di ko alam.."maybe next time" sinabi pa. Dagdag nya "I can't answer Yes, I can't answer No, I can't answer Why? Maybe is not an option..."




Masakit sobra pilit kong kinukulit kung anong sagot. Hanggang sa sinabi na niya "I love her but di pa siguro sapat ang nararamdaman ko para sa kanya. Okay na?"




Di ko nakayanan ang sagot niya. Biglang pumatak na lang ang aking mga luha dahil sa nasaktan ako pati na rin sa nalaman ko. Kasalanan ko naman ito. Sinabi ko "I can do it by myself", "Don'tworry and Trust me". BFF ko siya pero may mahal siyang iba.. at ito ay ang Girlfriend niya. Nagulat ba kayo? Oo, may girlfriend siya at best friend na mahal niya na nireject siya. Tanga na kung tanga sa pag-ibig wala na akong magagawa dahil sa nahulog na ako kanya.




Hindi ko naman kasalanan ah.. itong PUSO ko ang dapat sisihin. Mali yata ang natamaan ni Mr. Kupido. Hay, buhay nga naman... Sa pag-ibig, may panalo at may talo katulad ng laro.




Sinabi ko sa kanya na "I hate goodbyes" at ayoko magpaalam dahil sa BFF ko siya. Masaya ako kapag nakakausap ko siya araw-araw. Naramdaman ko kung ano ang pakiramdam ng may isang best friend kahit sa sandali lang. Hanggang sa di ko alam..na I fall in love with my Best Friend on the Internet.






Sa pabirong paraan, nasasabi mo ang tunay mong nararamdaman. Ang sakit nga nagkukunwari kang hindi pero Oo na mahal mo siya kahit may iba siyang mahal.





Alam ko naman na matatapos din ito, pero sana huwag mo kong kakalimutan bilang kaibigan/Best Friend mo kahit sa Internet lang tayo nagkakilala. Okay? Sapat na yun sakin dahil sa tinetreasure mo ang friendship natin. You will always be my best friend no matter what and you know that too. Hindi naman ako nagsisi na naging kaibigan kita. Kaya thank you for being my friend!




Huwag kang mag-alala sa oras na okay na ako dahil sa pagwasak ng aking PUSO, makakausap na rin kita...





"You will always in my heart."




"Every word I say is true."

"This I promise you."


***

This I Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon