Chapter 7

27 3 11
                                    


Chapter 7

Amber

"Grand entrance po dapat ang gagawin ninyo, Miss Amber!" Tumango-tango naman si Billy sa sinabi ni Marcella.

Mukhang iba na ang kulay ng uniform nina Marcella at Billy ngayon. Dati kasi ay puti, ngayon naman ay brown.

Dito lang kami sa labas ng pinto ng kwarto ko. Nakita ko naman na nandoon din si Lady Amethyst sa taas ng hagdan. Nakatayo siya roon, hinihintay ang pagpasok ng mga bisita.

Maya-maya pa ay bumukas ang malaking pinto at unang pumasok ang isang lalaki na nasa edad 40's na yata. Nakasuot siya ng itim at eleganteng tuxedo na mukhang mga mayayaman lang ang makakabili. Medyo matikas ang pangangatawan nito, bawat galaw niya ay tiyak at maingat. Grabe rin ang aura na dala niya sa mansion.

Proud siya kung maglakad na animo'y siya ang nagmamay-ari ng buong mansion. Napa-bow naman sa kanya ang lahat ng mga guardya at maids. Sinalubong naman siya ni Lady Amethyst at nagbeso-beso pa sila.

Sunod namang pumasok ang isang gwapo at matikas na binata. Halos magkasing-edad lang yata kami. Ang puti niya, magaganda rin ang features niya sa mukha. Mapulang mga labi at ang matangos na ilong talaga ang nakakaakit sa kanya. Nakaitim sin siyang tuxedo pero mas simple ito sa suot ng tatay niya. Siya nga siguro si Alexander Claude na sinasabi nila.

Rinig ko namang nagtitilian ang mga
kasama ko ngayon dito. Hay, napakaharot talaga ng dalawang 'to.

Nagulat nalang ako nang itulak ako ng dalawa, buti lang at hindi ako natumba. Naglakad ako nang dahan-dahan pababa. Nginitian naman ako ni Alexander. Pagbaba ko ay kinuha niya ang aking kanang kamay at saka ito hinalikan. Nakakakiliti naman yan, veh. Ahihi.

Sabay kaming naglakad patungo sa malaking hapagkainan. Nandoon na sina Lady Amethyst at yung lalaki na ang pangalan yata ay Lord Victor.

Inalalayan naman ako ni Alexander sa pag-upo. Naupo siya sa tapat ko, si Lady Amethyst sa kabisera at si Lord Victor naman sa kabila. Medyo may distansya sila sa aming dalawa dahil medyo sa gitna kami ni Alexander.

Agad namang dinala ng mga maid ang mga pagkain. Ang dami nito! May maliit na lechon, gabundok na carbonara, menudo, malaking roasted chicken, malaking platter ng mga seafood, at salad. Napakabango kaya nakakatakam nang husto.

Nag-uusap sina Lady Amethyst at Lord Victor habang ako naman ay takam na takam na pero hindi pa rin nagsisimulang kumain. Kainis naman, gusto ko na kumain huhu. Sabi na ng tiyan ko, rawr rawr.

*

Nasa gitna na kami ng pagkain. Nag-uusap sina Lady Amethyst at Lord Victor. Heto ako, 'di makapagsalita dahil sa dami ng pagkain na nakamukmok sa bunganga ko. Paano ba naman eh sobrang sarap ng pagkain. Pero syempre, ginagawa ko namang sosyal ang paraan ko ng pagsubo dahil baka sabihin nila na sobrang dumi ko kumain.

Tahimik lang din si Alexander na kumakain. Tinitigan ko siya, ang gwapo pala niya talaga. Kaya pala mukhang na-fall agad ang dalawang mahaharot na yun. Napaiwas ako ng tingin nang ngitian ako ni Alexander. Shet, baka nakita niya akong nakatingin sa kanya.

"So, kailan ang kasal na gaganapin sa mga anak natin?" Nabilaukan naman ako dahil doon. Jusko, ano ba ang pinagsasasabi nitong si Lord Victor?

Agad akong binigyan ng tubig ng isang matandang babae. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Tinapik-tapik ni Alexander ang likod ko nang marahan. Ahe enebe, natitrigger ang aking harot senses.

Napansin kong nandoon din si Vinsant sa sulok, seryosong nakatingin sa amin habang nakacross-arms. Agad niyang iniwas ang kanyang tingin at naglakad paalis. Posible kayang narinig niya ang tungkol sa kasal? Nagseselos ba siya?

AMBERWhere stories live. Discover now