DP Letter

11 0 0
                                    

Dear My Brightest Sunshine,

                    Hello! Alam ko you've been dying to see me. Alam ko rin na hindi biro ang maging isang Fangirl. Alam ko rin ang mga Hirap na pinapasok mo makamayan lang ako, mayakap ako,Makaharap ako. At nagpapasalamat ako ng sobra dahil kahit sobrang Hirap ng pinagdadaanan mo,Ay hindi mo pa rin magawa sumuko at magtiwala sa isang Tulad ko.

                  Sino nga ba ako? Ako lang naman si Daniel Padilla. Na dati, isang kanto, Isang normal na tao sa mundo. Ngayon? Ako daw yung teen king. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang ako yung Tinatawag ng buong Pilipinas na "TEEN KING". Pero alam mo bang, Kung hindi mo ibinigay ang tiwala mo sa akin, ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon? Sobrang nagpapasalamat ako sayo dahil lahat ng to? Hindi to mangyayari kung wala ka sa isang FANDOM na pinakiingat ingatan ko. Hopefully, Hindi ko kayo nabibigo. Masaya ako na dumating ang isang Tulad mo sa buhay ko. You are my Sunshine.

                       Yung mga Hirap na dinadanas mo tuwing nag mamallshow ako,Nakikipagunahan ka,Nakikipagsiksikan ka, Nasasaktan ka, Nagsasakripisyo ka, Makita lang ako. Nagpapasalamat ako sayo kasi kahit umuuwi ka ng gabi, napapagalitan ka, nagkakasugat ka,Nasasabihan ka ng masasakit na salita, Minamahal at sinusuportahan mo pa rin ako. Salamat dahil hindi ka nagsasawang ulit Ulitin ang mga bagay na yon para sakin. Sa mga concerts? Nandun ka man, o wala ka man, Alam ko, may dahilan kung bakit wala ka Doon at sapat na ang suporta na ibinibigay mo saakin. Kung nandoon ka man, Masaya ako na nandoon ka upang makita ang lahat ng bunga ng suporta nyo.

                          Salamat dahil sinusuportahan mo ang pamilya ko. Salamat dahil sinasabi mo na ako ang nagiging inspirasyon mo sa lahat ng ginagawa mo. Salamat dahil ako ang dahilan kung bakit ka nagiging masaya. Thank you kasi minamahal mo talaga ako, kami ni Kathryn. Kayo ang inspirasyon namin para gawin lahat ng ito. Salamat dahil sa kabila ng mga issues at rumours na ibinabato sa akin, nagiging matatag kayo at gayundin ako. Salamat dahil kahit minsan nadidissapoint kita, Hindi mo ako sinusukuan.

                      Sabi nila, Gumuguho na daw yung Forever natin. Gumuguho na daw ang Fandom. At hindi ako naniwala. Isang beses na chineck ko ang twitter, nagaaway. Magulo. At nasasaktan ako kasi ako, kami ni Kathryn ang dahilan kung bakit ka nakikipagaway. Kaya wala kaming ibang magawa kundi, Tigilan kayo. May ibang, Naghahashtag na lang ng magpapagaan sa loob nila. Upang pigilan ang sarili nila dahil alam ko nasasaktan na sila. Nasasaktan ka na. Pero sa kabila non, Hindi ka pa rin umalis. Pinagkatiwalaan mo pa rin ako kahit sinisira na ang dignidad mo. At Doon ko lang masasabi, "Hindi ko kayang mawala sila. Mahal ko sila."

                           Thank you kasi ako yung pinagkatiwalaan mo. At Ayokong masira ang tiwala na binigay mo kaya ko ipinagpapatuloy lahat ng to. Yung career ko. Ibinabalik ko ang hirap at sakripisyo na nadarama mo sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa career ko. Tatandaan mo, Mahal na mahal kita. At umasa ka, Makikita mo ako. Mahahawakan mo ako. Mayayakap mo ako. Kasi ako? Gusto kong makita kita at personalang masabi sayo, Na Maraming Salamat at Mahal kita. Forever tayo.

Nagmamahal,

Your World, Daniel Padilla *insert signature here*

A Daniel Padilla letter.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon