Nasa kwarto na kami ngayon at hindi naaalis saakin ang nangyari kanina. Aside from the fact that the girls saw us!
"Omg! Erin! Nag-kiss na talaga kayo!" Mahinang tili ni ate Syd.
Kanina pa ako namumula dito. But I hate myself for responding to his kisses! "Sabi ko na ate, eh! Anytime soon, magki-kiss na kayo. See?" Sigaw ni Rayi kaya tinakpan ni Aika ang bibig niya dahil baka marinig kami ni Eros at ng mga pinsan ko.
"Don't worry. Hindi 'to lalabas sa boys." Ngumiti si Aika.
"Dinner!" Sigaw ni Ivan at pumasok sa pinto kaya nagulat kaming apat. "Oh, bakit kayo gulat na gulat?" Natatawang sabi niya.
"Ang ingay mo kaya." Sabi ko at lumabas na rin.
Pagbaba namin, saktong bumaba na rin si CJ at Eros na may kung ano-anong pinaguusapan. Most probably, kini-kwento ni Eros ang mga babae niya. Minsan, gusto ko nalang busalan ang bibig niya dahil napaka-daldal niya.
"Bigay ko number 'nun, CJ. Promise, maganda 'yun!" Sigaw ni Eros at tumawa ng malakas kaya napa-tingin sa kanya si kuya Aki na isa pang malandi.
"Ang lalandi niyo, kuya. 'Wag mo nga iniimpluwensiyahan 'yan si kuya CJ. Mabait 'yan no, 'wag mo igaya sa'yo." Rayi cringed.
"Eh siyempre po, Nanay Rayi, matanda na kami. Ikaw, 16 pa lang. Maghintay ka muna ng 9 years bago magka-boyfriend." Sabi ni Eros at sabay-sabay na kaming umupo sa dining table. Nasa pinaka-gitna ng table si Eros, ako an nasa gilid niya, katabi ko si Rayi at katapat ko si CJ dahil request iyon ni Eros.
Kaunti nalang, iisipin ko nang si CJ talaga ang gusto niyang maging kapatid.
Kinabukasan, dahil masyado kaming na-atat sa vacation na ito, nakalimutan naming magdala ng pagkain para sa breakfast. Ayaw naman na kasi namin magpa-deliver dahil bukod sa makalat, nakakasawa at hindi healthy. Eh ni hindi nga nag-workout ang isa saamin ngayon.
"Ako na mago-grocery. Pahiram ako ng susi mo, Eros." Presenta ko para matapos na silang magtalo. Si CJ ang naunang nag-presenta. Pero dahil may kaunting hiya pa na natitira sa kanila, 'wag na raw dahil bisita siya.
"Yun. Finally. Bait mo talaga, Erin." Ngumiti ng malapad si Eros kaya mas nainis ako sa mukha niya.
"May list na ba ng igo-grocery?" Tanong ko sa kanila.
"Yup. Here." Sabi ni ate Syd at inabot ang iPad ni Rayi.
"Airdrop mo saakin. I won't bring a big bag." Sabi ko at inabot sa kanya ang phone ko. Umakyat na ako para mag-bihis ng mas maayos na damit.
Casual lang ang soot ko dahil grocery lang naman ang pupuntahan namin.
Simpleng white balenciaga shirt lang ang soot ko, paired with black leggings and black windbreaker dahil malamig na dito ngayon. White sandals lang ang soot ko at shoulder bag na dala ko talaga.
"That's the fashion sense I'd die for." Puna ni Aika sa soot ko.
"Erin, oh." Abot ni Eros sa ATM niya pero binalik ko rin ito sa kanya.
"Ako na magbabayad. May cash ako dito." Sabi ko at hinanap si CJ.
"Nasa kotse na si CJ. Kotse niya na raw gamitin niyo." Ngiti ni ate Syd.
BINABASA MO ANG
Skies' not the limit
RomanceErin Athena Razon. Loved by everyone, feared by many. People look up to her. Looks, wit, talent, wealth. Name it and she has it. She has never felt anything odd and chaotic. Not until CJ - Clavell Jairus Zobel, an Atenean, and Blue Eagles' team Capt...