Chapter 40: Remember
"Look!"
Tumili si Chia nang binuksan ang pintuan. Nakangising tinapat niya sa akin ang kanyang cellphone.
Bumungad roon ang iba't ibang pictures namin ni Cassius. Some were candid shots and stolens.
"Heto pa..." aniya at pinindot ang isang article.
Not Lu but Rodriguez
Iyan ang title ng headline na nakabold pa ang aking apelyido kaya ngumuso ako. Sa ibaba naroon ang picture namin na nakayakap siya sa akin ng patalikod at nakasiksik ang mukha sa aking leeg habang may minuwestra ako sa cellphone. It was taken outside our premises!
I pouted a bit because I found the picture so cute.
"Can you download that? I want it on my phone."
Ngumisi siya at binalik ang cellphone sa sarili na may minapula.
"I have tons of it. I'm a sucker of romance, Stella." kindat niya sa akin.
Your family is a sucker of romance, Chia.
Kinuha niya ang aking cellphone kaya nagpatuloy ako sa pag makeup sa sarili. Chia is already done, suot niya ang isang red satin long gown habang green naman 'yong sa akin. Pinusod ko ang aking buhok dahil isa itong backless gown.
Bumukas ang pintuan at lumuwa roon si Cassius. I continued my eye make-up when Chia exited the room, taking my phone with her.
Nginitian ko siya habang nakatingin siya sa akin roon sa salamin. Light lamang ang ginawa kong make up sa sarili. Hindi naman ako ganoon sa sanay kaya tamang tama lang ang mukha na maging maayos. My messy bun completed my look and I stood up. We have a matching color, kulay dark green rin ang kanyang necktie na bumabagay sa paboritong itim na suit.
"May hinanda akong pagkain." mahina niyang sabi.
"Sa venue nalang ako kakain, hindi naman ako nagugutom."
I tilted my head, trying to get familiar with his handsome look again. Dinala niya ang aking mga kamay sa kanyang batok pagkatapos kumapit siya sa aking magkabilang baywang.
Sumilay ang kanyang magandang ngiti. Maayos naman ang kanyang kuwelyo pero inayos ko pa rin ito.
"Sigurado ka ba rito?" halos pabulong kong tanong nang hindi nakatingin sa kanya.
"Sa halos mag limang taon, wala bang nagbago?"
Hinayaan kong tupukin ang sarili sa negatibong sumasagi sa isipan.
"Mayroon." mababa niyang sabi.
Kusang umangat ang aking tingin sa kanya. He caress my face gently while giving a ghost smile.
"Everyday I grow deeper in love with you." malamyos niyang sabi.
Lumakas ang masayang palpitations ng aking puso. Wise word from a wise man.
Patungo sa venue, hindi siya sumabay sa amin ni Cassius dahil nagd–drive naman siya. Rather than feeling nervous, I'm excited.
Isang ngiti ang ginawad ko kay Kuya Abab na nakaabang sa paglabas ko sa sasakyan na pinagbuksan ni Cassius. The reporters flock to our side but the bodyguards were already in action.
Ngumiti ako dahil sa panay na pag flash ng camera at hindi na namalayan ang paggiya ni Cassius sa akin. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo habang naglalakad kami papasok ng hotel.
"Smile, please." natatawa kong sabi.
Mahinang humalakhak siya at pinatakan ng halik ang aking noo. Permanenteng nakapulupot ang kanyang kanang braso sa aking tiyan habang sinasalubong kami ng mga kanegosyo niyang hindi ko naman kilala. Panay ang ngiti ko sa bati nila at hindi naman kami nagtagal upang lapitan ang aming pamilya.
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomanceA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...