Sharpton POV
Pinakinggan ko lang silang dalawa dito pero hanggang ngayon wala paring kibo si tanasia
"ganito kasi yun...."bulong ni clarc pero agad naman bumuntong hininga si tanasia
"bakit hindi mo sinabi ng maaga?..."sabi ni tanasia
"biglaan kasi ang nangyari"sabi nito
Biglaan? Eh nakita ko siya sa building nung first day palang ng trabaho ko...
"Biglaan?!wow samantalang nag paalam ka saamin ng bara bara lang!"galit na sabi ni tanasia
"look, hindi ko kasi alam kung saan sisimulan--"
"ang simple simple lang naman magpaalam ng maayos!"medyo pasigaw na sabi ni tanasia kay clarc, oo medyo lang naman
"ayaw mo muna kasi akong pagsalitain!!paano ko sayo sasabihin ng kaayos ngayon!"sigaw din ni clarc sa kanya
Jeez....kalalaking tao hindi marunong kumalma..
"hoy ikaw"tawag saakin ni han dahil nakalimutan ko na nakasama ko pala siya
"ano?"sabi ko dito
"mauuna na ako sasabay kaba?"sabi niya saakin at ngayon ko lang napansin na ubos na ang coffee nito at saakin nalang ang natira
"sige na mauna kana pasensya at pinaghintay kita"sabi ko dito at agad naman itong ngumiti at tinapik ako sa balikat bilang paalam
Kinuha ko ang inumin ko at ininom ko ito kahit naka focus ako sa paguusap ni tanasia at clarc
"hindi na kana ang clarc na nakilala ko!sobrang nag iba kana..."galit na sabi ni tanasia
Wait mukhang may nalagpasan ako sa pag uusap nila ano yun??
"tanasia i'm sorry at ano kaba ako parin ito si clarc"kalmado na sabi ni clarc
"itigil na natin ang kalokohan na ito clar"sabi ni tanasia sabay tayo at aalis na sana ito ng bigla itong hawakan sa braso ni clarc para pigilan
"sorry na nga! Sasabihin ko sayo ang nangyari!"pagmamakaawa ni clarc
"bitiwan moko..."sabi ni tanasia pero nag pupumilit parin si clarc
"bitiwan moko!!"malakas na sigaw nito kaya agad naman napalingon sa kanya ang mga tao
Biglang binitawan ni clarc si tanasia at hinayaan itong mag walk out
Tsk tsk clarc nga naman? Ano ba kasi yun ah? Nakakahiya ka naman.....
Tumayo din ako at lumabas din ako ng store hinanap ko si tanasia
Medyo umuulan pa kaya nababasa ako, nakita ko ang kotse ni tanasia na nakapark sa hindi kalayuan
Lumapit ako dito at kinatok ko ang pinto, binuksan niya naman ang bintana
"ano?..."sabi nito
"pwede bang pumasok may sasabihin lang ako...."sabi ko dito at sumenyas naman ito na pumasok na kaya pumasok ako sa loob
"basa ka..."sabi nito saakin
"ay sorry talaga tanasia pero okay lang ako"sabi ko dito
"i mean yung upuan ng kotse ko nababasa..."sabi nito saakin
Medyo napahiya ako doon kaya pinilit kong tumayo kahit alam kong mahirap
"at wala naman akong sinabi na tumayo ka?"sabi nito saakin
Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko alam ang gagawin ko kaya binuksan ko ulit ang pinto ng kotse para lumabas
"sinabi ko bang lumabas ka?"sabi nanaman nito
Napalunok ako at sinara ulit ang pinto wala akong nagawa kundi umupo kahit nababasa ang upuan
Halatang wala sa mood si tanasia....nakakatakot talaga
"sabihin mo na ang sasabihin mo saakin..."sabi nito
"y-yung kanina sa bahay ni jovie..."panimula ko
"nabasa ko ang message mo"kalmadong sabi nito
Nakahinga ako ng maayos dahil sa sinabi niya
"pero narinig mo ba ang pinagusapan namin ni clarc?"sabi nito saakin
Napaisip naman ako dahil parang wala naman akong naintindihan dito at puro sigaw lang ang ginawa nila
"wala naman..."sabi ko dito
Napabuntong hininga si tanasia sa sinabi ko
"ahm may isa lang akong suggest sayo tanasia...mahilig kabang makinig ng music??"sabi ko dito
Dahil music lang ang nagpapakalma saakin pag naalala ko ang nakaraan ko at ito rin ang pampagood mood ko kaya lagi naman aking nakangiti katulad ngayon
"bakit?"sabi nito saakin
"subukan mo para kumalma ka..."sabi ko dito pero walang nag bago sa expression ng mukha niya ganun parin at halatang mas nairita pa sa sinabi ko
Uh oh yari tayo nito...i think ibahin ko nalang ang topic...
"kakausapin mo ba bukas si jovie?"pagiiba ko ng topic dahil baka masapak niya ako ng wala sa oras
"alam mo sharpton....parang dinadagdagan mo lang yung problema ko..."sabi nito saakin
Nalungkot ako dito at tumingin ako sa kanya
"i'm sorry i just wanna feel you better..."sabi ko dito
Tumingin naman ito saakin at nagkatinginan kami
"hindi mo naman na kailangan yun gawin saakin....kaya ko naman ang sarili ko sharpton.."sabi nito saakin
Medyo nasaktan ako dito na para bang wala man lang kwenta yung mga ginawa ko kanina sa kanya
Tumahimik kaming dalawa at tanging ulan lang ang maririnig sa labas
Ewan ko ba pero tuwing nakikita ko si tanasia na problemado at malungkot ay para bang nasasaktan din ako dahil yung mission kong pasayahin siya ay para bang baliktad lang ang nangyayari....
"mauuna na ako miss-- i mean tanasia...."sabi ko dito at binuksan ko ang pintuan ko para lumabas
"anong kanta ba ang sinasabi mong pakinggan ko?"mahinang sabi ni tanasia
"high hopes by kodaline..."sagot ko sabay sarado ng pinto at nag lakad ako sa ulan mag isa
Bagay sa kanila ni clarc ang kantang yan....
Dinamdam ko ang ulan na pumatak sa katawan ko at nagiisa lang akong naglalakad sa kalsada papuntang condominium
Habang tumatagal ay nalulungkot na ako dahil masyado kong dinamdam ang sinabi saakin ni tanasia kahit alam ko namang walang masakit dito
Dati nabang naging sila ni clarc? Pero iniwan siya ni clarc kaya ngayon inis na inis siya? Dahil hindi manlang nag paalam ng maayos si clarc?....
Napaisip ako sa mga tanong ko sa sarili ko kung tama ba ito o hindi
Bakit? Bakit nag seselos ako? May gusto ba ako sayo tanasia?.....
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.