Ikatlong Kabanata
Habang ngayon tulala pa rin ako sa sinabi ni Cyrus. Ibinaba nya ako sa tapat ng entrance saka sya pumunta sa practice game nya. Maaga pa kaya Wala pang masyadong estudyante. Ayoko maging assuming sa mga sinabi nya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Ako ba yun? O sadyang feelingera lang ako.
Paano naman ba magiging ako yun? Ang tagal tagal na namin hindi nagkita tapos hindi pa kami nagpapansinan masyado dito sa school. Nako baka hindi nga ako yun. Assuming lang ako masyado. Pero bakit parang ang sakit kung iba yung hinihintay nya. Hays.
Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng kaibigan kong puno. Dito kasi ang paborito kung tambayan pag walang klase, magbasa o kaya pag ganito na maaga ako.
Habang nagrereview ako para sa exam namin ngayong araw, bigla na lang sumagi sa isip ko yung contest. That freaking contest. May ilang araw na lang ako para mag isip kung ano ang pwede kong kantahin. Hays. Bahala na si Batman kung ano mangyayari sa sabado.
Napabalikwas ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko. Hinanap ko kung saan galing ang boses na yun.
"Jillian." tawag ni Stacey sakin. Nakapeace sign na sya agad habang palapit sa akin. Ang tagal din nya akong iniiwasan dahil sa alam nya na may kasalanan sya sakin.
Salubong ang kilay ko na hinarap ko sya.
"Wow himala nagpakita ka sakin ngayon." sarkastikong sabi ko sa kanya. Sa totoo lang hindi naman talaga ako galit sa kanya. Siguro nung una. Pero inis lang yun, hindi galit. Sya na nga lang ang kaibigan ko tapos magagalit pa ako. Nah."Sorry na te. Ito naman. Pinalamig ko lang yung ulo mo at baka makalbo mo ako. Hehe."
"Ikaw naman kasi Stacey, Hindi ko alam kong Ano ang pumasok dyan sa utak mo at sinali mo ako sa ganyang contest!? Alam mo naman na wala akong confidence sa sarili ko diba? Yung talent ko is for myself lang talaga, not for everyone." tuloy tuloy kong litanya sa kanya habang sya ay nakaupo na sa tabi ko.
"I know naman Jill. Kaso pagkakataon muna ito na ipakita ang talent mo. Ang galing at ang ganda kaya ng boses mo. Kaya it's time for you to shine na." pagmamalaki nya
Kinutusan ko nga sya. "Time to shine ka dyan. Alam mo naman na hindi ko kailangan yan no! I'm happy na tahimik ang buhay ko dito sa school." pinagtaasan ko sya ng kilay
"I know. I know. Pero isipin mo na lang malaki din ang mapapanalunan no. Either 2nd or 3rd ka ok na din, malaki halaga. Alam mo naman na need mo kasi ayaw muna asahan ang parents mo at gusto mo silang tulungan , kahit na hindi naman kailangan. Isa ka kasing dakilang anak. Magtatayo ako ng monumento mo sa Rizal Park para tabi kayo ni Rizal. Haha."
"Baliw ka talaga! Wala na naman akong magagawa kasi nalista muna ako at hindi ko na mabawi yun. Bahala na si Batman kung ano pwede mangyari. Magiisip pa ako ng kakantahin ko." Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang frustration dahil event na yun.
Sa sobrang dami ng assignment na binigay samin ng Prof namin kailangan ko pa tuloy magresearch sa library. Puno ang library ng nadatnan ko. Halos wala akong makita na bakante. Palinga linga pa ako ulit habang nagdadasal na kahit konting space lang pwede na. Kailangan ko kasi matapos lahat ito para paguwi ko sa bahay makakapagpractice ako ng kanta.
Sakto naman may nakita ako na isang bakante. Ang malas ko lang sa tabi yun ni Cyrus. Actually Hindi naman malas, swerte ko nga kasi makakatabi ko sya. Ang Kaso may katabi syang babae at masaya silang nagkwentuhan habang may mga ginagawa sila.
"Hi" nahihiyang bati ko sa kanya. No choice na ako. Kahit Ayoko dito umupo kailangan kong gawin para matapos itong mga assignments ko.
"Hi. Ikaw pala Jill. Ano kailangan mo?" balik na bati nya. Pagkatapos ay binalik nya ang mga mata nya sa ginagawa nila
"Ahm, wala naman. Itatanong ko lang sana if may nakaupo ba dyan sa bakante?" tanong ko ulit. Sa pagkakataon na ito tiningnan ako ng babaeng kasama nya mula ulo hanggang paa.
Wow huh. Feeling naman nito ni Ateng makapal ang make up. Maganda sana Kaso nasobrahang sa makeup. Daig nya ibuburol. Yung itong hindi na kailangan magretouch kasi na absorb na ng balat nya yung mga kemikal na galing sa makeup. Kung May natural beauty, sya naman natural na pinanganak na makeup na nung baby pa lang.
Gosh ano ba itong iniisip ko. Hindi naman ako judgmental. Napabalikwas ako sa mga iniisip ko ng biglang nagsalita si Cyrus.
"Wala naman nakaupo dyan. Pwede ka dyan." hindi pa din sya tumitingin
"Ok." maiksi kong pahayag.
Nakapa sungit talaga nitong si Cyrus. Di man lang ako tiningnan.
"Cy can you help me with this? I can understand this equation?" maarteng tanong nya kay Cy.
Napapatingin ako sa kanila minsan. Paano ba naman sobra sya makadikit kay Cyrus. Tapos ang arte arte nya pa magsalita at ang ingay nya.
"OMG! Ganun lang pala yun. Ang galing galing mo talaga Cy. Thank you. Ngayon Alam ko na kung Paano." malakas na pagkakasabi nya na halatang kinikilig pa at samahan mo pa ng May pag palakpak nya. Si Cyrus naman parang Wala lang at normal lang sa kanya.
Naiinis ako sa nakikita ko. Masakit sa mata. Sarap nilang pagbuhulin. Hello? Nasa library po tayo. Di ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil sobrang ingay nitong kasama ni Cyrus.
"Excuse me" putol ko sa pagkukwento nya kay Cyrus na kung ano ano na hindi ko maintindihan
"WHAT?!" pataray na sabi nya
"Kung makikipag story telling ka o kung maglalandian kayo, please lang wag dito. LIBRARY to at hindi parke. Madami ka kasing na iistorbo. Ang ingay ng bibig mo. See this!" Turo ko sa assignment ko. "Hindi ko matapos Tapos kasi ang ingay mo. I can't concentrate. Gosh! Ms. Who ever the fuck you are, can you leave the library if your not studying!" Lumabas na ang inner bitch side ko sa sobrang inis ko sa babaeng maharot na to.
Si Cyrus naman parang amaze pa sa nangyayari. Kung umalis na Lang kaya silang dalawa. Sarap pagumpugin.
"Hoy!! Ms.Ugly duckling! Ang kapal ng mukha mong paalisin ako dito. Who do you think you are? Owner of the school? Gagawin ko ang gusto kong gawin. Kaya wag ka ngang nakikialam." tumayo na sya ang lumapit sakin.
Tumayo na din ako para maglevel kaming dalawa. Hindi ko sya uurungan. Kanina pa ako banas na banas sa kanya. Sa harap ko pala sila naglalandian. "Oh yes I'm not the school owner. But I'm here in the library to study, not to chit chat some stupid story of your. And if you like to flirt, not in front of me in this library because your a sore eyes. Study Miss so you don't end up stupid." nanggagalaiti na sya sa Galit. Kinuha ko na ang gamit ko, bago pa sya nagsalita ay tinalikuran ko na sila
"YOUUUU BITCHHH! Humanda ka May araw ka rin sakin!"
Narinig ko na sigaw nya habang papalabas na ako ng library.
Don't flirt in front of me Cyrus. NOT ON MY SIGHT!