Kabanata 1

6.7K 94 14
                                    

Kabanata 1

“Katniss tapos ka na ba diyan? Halika na at ng maihatid na kita bago ko sunduin si Mr. Montessori.” Mula sa labas ng kwarto ay dinig kong wika ni Papa. Nasa tinig niya ang excitement.

Hindi ako sumagot bagkus ay sinulyapan ko muna ang sarili ko sa salamin. Plain white t shirt, fitted maong pants, converse shoes. Nakatali ang buhok ko sa likod  at may iilang maliliit na buhok ang nasa bandang noo ko. Napabuntong hininga ako bago ako lumabas.

Nasa labas ng kwarto si Papa at mukhang hinihintay pa ako. “Handa ka na ba?” tanong niya sa akin.

“Kailangan ba talagang lumipat ako ng school? Okay naman ako sa dati kong school. Kahit naman public lang iyon ay nagbibigay pa rin sila ng quality educat-“

“Anak ito na lang ang natitirang pag asa natin. Kapag nakapagtapos ka sa sikat na paaralan kagaya ng Montessori ay mabilis kang makakakuha ng trabaho. At isa pa sayang naman kung hindi mo kukunin ang binibigay na scholarship ni Mr. Montessori.” Anito na hinagod pa ang buhok ko bago naunang lumabas ng bahay.

Napailing ako at napabuntong hininga bago sumunod sa kanya sa labas.

Montessori International School and College. Pangalan pa lang ay pangmayaman na.

Halos limang taon ng Driver ni Mr. Montessori ang Papa ko kaya naman nagmagandang loob si Mr. Montessori na bigyan ako ng scholarship sa paaralan niya.
Hindi ko pa siya nakikita pero ang sabi ni Papa ay mabait ito ngunit istrikto.

“Ito ang unang araw mo sa Montessori kaya naman pagbutihan mo anak.” Aniya ng makapasok ako ng sasakyan.

Sasakyan ito ng amo niya. Kahapon ay umuwi si Papa para maihatid ako para sa unang araw ko sa Montessori. Dalawang beses lamang itong umuwi sa isang buwan dahil nakatuloy na ito sa Mansyon ng mga Montessori. Ako lamang ang nakatira sa maliit na apartment na inuupahan namin.

Hindi ko siya sinagot at tumingin lang ako sa labas ng bintana.

“Kapag nakuha ko na ang sahod ko ay ibibili na kita ng uniform. Medyo may kamahalan lamang kaya kailangan kong humiram sa mga kasama ko.”  Patuloy nito.

Doon ako napatingin sa kanya. “Huwag na kayong mag abala para sa uniform. Ako na ang bahala doon. May part time naman ako.”

Alam kong mahal ang uniform ng mga taga Montessori at isang buong sahod nito ang kakailanganin para doon.

Hindi siya sumagot kaya tumingin ulit ako sa labas ng bintana. Ilang sandali pa ay nasa harap na kami ng Montessori ngunit hindi ako bumababa. Nakatingin lang ako sa labas at tinitignan ang pagbaba ng mga estudyante sa kani-kanilang sasakyan.

“Anak.” Pukaw sa akin ni Papa.

Tinignan ko siya at tumango. “Papasok na ako.” Sabi ko bago bumaba ng sasakyan.

Pagbaba ko ng sasakyan ay mas lalo akong nanliit. Lahat ng estudyante ay may kanya-kanyang sasakyan.

Nagsusumigaw ng karangyaan, tindig pa lamang nila. Mamahaling uniform, bag at magagandang sapatos.

Huminga ako ng malalim bago ako naglakad papasok. Kinuha ko ang Cellphone ko at nilagay ang earphone sa tenga ko. Tinodo ko ang volume para hindi ko marinig ang usapan sa paligid ko. For sure ay payabangan lang naman iyon ng mga mayayaman.

Nagpalingon-lingon ako. Masyadong malawak ang Montessori. . May field sa gitna at bawat building ay may nakalagay na signage.

Ang gitnang building ay ang main building. Sa kaliwa nito at may Canteen habang ang nasa kanan naman ay ang registrar office. Dire-diresto lang akong naglakad habang nakatingin sa Cellphone ko ng bigla akong matigilan.

Property of the BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon