4

22 0 0
                                    

"Magkakaron daw nang collaboration ang English and Theater Club. Magkakaron daw nang Musical Play, sa ngayon, naghahanap na nang female lead. Gaganapin daw yung play sa Foundation Day." kwento ni Chloe nang mga napag-usapan nila nung meeting nila kahapon.

"Bat di mo kaya itry Sab? Maganda naman boses mo." suggest pa ni Chloe.

"Lul! Umattend nga nang meeting sa theater club di ko magawa, mag-audition pa kaya?" sabi ko pa

Opo. Member po ako nang Theater Club pero hindi po ako umaattend. Una dahil sumali lang naman ako don para may masabing may club akong sinalihan. Required kasing sumali ang mga estudyante sa mga clubs. Pangalawa eh hindi naman ako magaling umakting. Madalas kasi ay nagwoworkshop pag may meeting. Eh baka mapahiya lang ako.

"Tatry mo lang naman loka! Tsaka umattend attend ka nang meeting! Konti na lang talaga matatanggal ka na jan." sabi pa ni Jade. Palibhasa kasi active
silang dalawa ni Chloe sa clubs, si Chloe ay sa English Club at si Jade naman sa Dance Club. Si Jade ang president nang Dance Club at kadalasang nag-oorganize nang dance presentations pag may event sa school.

"Eh hindi nga ako marunong umakting! Bat nyo ba ako pinipilit jan!" iritadang sabi ko.

"Eh hindi ka pala marunong umakting eh! Bat ka pa sumali jan?" takang tanong ni Chloe

"Malamang para may masabing may sinalihan akong club!" sabi ko pa

"Ewan ko sayo, basta irerecommend kita kay Maya at Leah, sila ang in charge sa audition." sabi pa ni Chloe. Sinamaan ko sya nang tingin

"Subukan mo lang talaga! Gagawin kong pansit yang buhok mo!" inis na banta ko. Humagalpak naman sila nang tawa! Mga bwiset!

Dumating na ang teacher kaya umalis na rin si Chloe at bumalik sa room nya. Hindi kasi kami magkaklase ni Chloe, si Jade ang kaklase ko dito sa Section 8. Si Chloe ay taga Section 3, matalino kasi ang gaga. May English Club pa kaya maraming incentives.

Si Jade naman, kahit President nang Dance Club ay sa incentives lang pumapasa. Pala-absent kasi , tinatamad pumasok. Ako naman eh sadyang tamad lang mag-aral, di pa maattendan ang meeting nang Theater Club.

"Ms. De Guzman!" nagulat ako sa malakas na boses ni Ma'am Dominador! Agad naman ako umayos nang upo at tumingin sa kanya.

"Tulala ka na naman! What is the product of 3 x 3 x 3 x 2 x 3 x 2?!"

"E-eh?!"

"Answer me! What is the product of 3 x 3 x 3 x 2 x 3 x 2?!"

Iniwas ko ang tingin kay miss at tumingin sa labas! Nakita ko pang nakatayo si Neo sa labas at nakatingin sa akin. Iniwas ko naman ang tingin dahil nakikita nya akong napapahiya!

"Ms. De Guzman! We're waiting!" sigaw pa ni Maam

"A-ano Miss h-hindi ko pa alam." napapatungong sagot ko. Nakakahiya!

"Hala sige tulala pa! Baka nakakalimutan mong malapit ka nang bumagsak sa subject ko Ms. De Guzman!" inis na sabi nya pa.

"Pano ka nakatungtong sa Second year na hindi marunong magmental math!" dagdag nya pa.

Nagpatuloy na sya sa pagtuturo. Nabadtrip ako. Napaka-oa naman, di lang nasagot yung tanong eh. Tsaka hindi naman ako mabilis magcompute sa utak ko, anong akala nya sa utak ko calculator?

"Ayan daydream pa." pang-aasar ni Jade pagtapos nang klase. Lunch break na kaya naglalabasan na ang mga estudyante. Inayos ko pa muna ang bag ko saka nilabas ang baunan ko. Aayain ko ulit kumain si Neo sa field.

"Di ako makakasabay, may tuturuan akong mga Grade 3 students. May presentation sila for Foundation Day." sabi ni Jade habang tutok sa cellphone.

"Geh lang." sabi ko.

"Kasabay mo naman yang Neo mo diba yieeeee." kiniliti pa ako nito kaya hinampas ko sya. Tatawa tawa naman syang umuna na palabas, kinuha ko muna yung cellphone ko para tignan kung may nagtext.

"324."

"Ay pucha!" nagulat ako nung may magsalita sa gilid ko. Muntik ko pang mahagis ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino iyon. Si Neo iyon, nakaupo sya sa desk nang katabing upuan ko.

"324." ulit nya sa sinabi nya.

"324 na ano?" takang tanong ko

"324 ang sagot sa tanong sayo ni Maam kanina." sabi nya pa.

Oo nga pala, nakatingin sya kanina habang napapahiya ako. Nacompute nya pa yung sagot sa tanong na yon? Grabe amazing lang talaga ang utak nang lalakeng to. Sa lakas ba naman nang bunganga ni Maam.

"Hindi ko nasagot eh. Bangag ako kanina, nakakaantok yung lesson." dahilan ko pa.

Tumango lang sya. "Tara, kain na tayo! Sa field ulit." hinila ko naman ang pulsuhan nya. Nang makalabas sa room ay binitawan ko iyon, sabay na kami naglakad papunta nang field.

"Ikaw pumunta sa room ngayon ah! Dapat pupuntahan na kita kaso naunahan mo naman ako." sabi ko pa

"Nakakahiya naman na ikaw lagi pumupunta, kaya p-pinuntahan na kita para a-ako naman yung m-mag-aya." nahihiyang sabi nya.

Napangiti naman ako. Tinuturing rin naman na pala nya akong friend.

Inakbayan ko sya saka ginulo ang buhok nya. Napayuko pa sya dahil mas matangkad sya sakin.

Nakaakbay ako sa kanya hanggang makarating kami nang field. Umupo na kami sa may damuhan at binuksan ang mga baon namin. Automatic nyang inabot ang baon nya sa akin, natawa naman ako kaya kumuha ako dun. Inabot ko naman ang baunan ko at kumuha rin sya don, nagsimula na kaming kumain.

"Nabibwisit ako sa Maam Dominador na yon!" patukoy ko sa teacher namin sa Math. "Pahiyain ba naman ako! Kung magtanong sya kala nya calculator utak nang estudyante nya! May pamental mental math pang nalalaman! Parang tanga!" inis na sabi ko pa.

"Hahahaha!!" nagulat ako nung biglang tumawa si Neo! Napatingin ako sa kanya, natatawa sya habang sumusubo nang kanin, nakakaloka dahil ang gwapo nya pag tumatawa.

"Bat ka nakatingin?" takang tanong nya. Natulala na pala akong nakatingin sa kanya na hindi ko namalayang di na pala sya tumatawa. Bumalik ako sa wisyo.

"A-ah, ano ah tinitignan ko yung nasa likod mo." napalingon naman sya sa likod nya, laking pasasalamat ko nalang at may magjowa don na naghaharutan.

"Kain na tayo! Hehehehe!" awkward amp. Ewan ko napapatulala ako sa tuwing ngingiti o tatawa sya. Parang sya anghel na nakangiti. Sobrang gwapo.

Tahimik naman kaming nagpatuloy sa pagkain. Nagtatanggal pa ako nang tinga nang biglang nagsalita.

"Gusto mo bang turuan kita?"

Napatingin ako sa kanya. Nangunot ang noo ko. Para siguro akong may malaking question mark sa mukha based sa expression nya.

"Sa math ba?" tanong ko

"O-oo. Kung gusto mo lang naman." sagot nya sabay napakamot sa batok nya

"Ah nako w-wag na! Baka makaabala pa ako sayo! Pipilitin ko nalang intindihan para sayo hehehe!" ha?! Connect nang iintindihin mo yung lesson para sa kanya?

"Diba friends tayo?" biglang tanong nya.

"H-ha? Oo naman!" sagot ko pa

"Diba ang friends nagtutulungan?" tanong nya pa.

"Oo naman! That's what friends are for!" sagot ko pa.

"Edi hayaan mong turuan kita. Tutulungan kita kasi kaibigan kita." hindi ko inaasahang ngingitian nya ako!

Napatulala na naman ako sa gwapo nyang mukha habang nakangiti!

----------------

To be continued.

Someday, We Will Be: 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon